Tuesday, December 18, 2012

My Sweet Revenge ~ Prologue

My Sweet Revenge ~ Prologue



"Pangako tay, babalik ako at sa pagbalik ko sila naman ang luluhod sa harap ko. Pangako ko yan itay." umiiyak na pangako ni Anna sa puntod ng kanyang ama.

Hindi niya makakalimutan ang mga masasakit na alaala na dinulot ng mga Monteverde sa kanyang pamilya, tinuring sila nitong mga basahan. Naging mabuti silang manggagawa ng mga Monteverde pero sa huli tinapon lang sila ng mga ito. 

Hindi sila pinahalagahan at ginawa sila lalo na siya, na katawatawa. Pina-ibig at nangakong papakasalan siya pero sa huli iniwan lang siya sa altar ni Arthur Monteverde. 

At hindi pa sila nakuntento sa pagpahiya sa kanya sa Simbahan, pinalayas pa sila sa hacienda at hindi man nila tinulungan ang ama niya, kahit pa lumuhod na siya sa harap ng mga ito, hindi nila ito tinulungan at namatay ang ama niya na sobrang nahihirapan. 

Mga walang puso ang mga Monteverde at pinapangako ni Anna na babalik siya. At sa pagbalik niya, hindi na siya muling aapakan ng mga ito. Dahil sa pagbalik niya siya naman ang aapak sa kanila at ipapatikim ang lupa. 

"Pangako tay." tumayo na siya at nagsimulang maglakad paalis sa sementeryo at paalis sa bayan na kung saan ay ang mga Monteverde ang naghahari. 

Bilang nalang ang mga oras ng mga ito dahil sa pagbalik niya siya na ang maghahari sa bayan na ito.

Pagbalik niya, hindi na siya ang probinsyanang tanga. Hindi na siya magpapatanga pa. Pagbalik niya ay malalasahan ng mga Monteverde ang kanyang paghihiganti. 

No comments:

Post a Comment