My Sweet Revenge - Chapter 1
"Ma'am nandito na po tayo." told the chauffeur to Anna as he held the car door open for Anna.
Anna slowly went down the car and she took her sun glasses off as she looked around the mansion she was going to stay for a little while. Wala parin pinagbago ang mansion. It still looked elegant at nandun parin ang aura na parang sinasabi na ang mga nakatira dun ay mga matapobre.
Pero may ipagmamalaki pa ba ang mga taong nakatira dito lalo't na ngayon ay malapit na niyang makuha ang hacienda ng mga nito. Malapit na, kunting negosasyon nalang at makukuha na niya ang lupain ng mga Monteverde. Kunting tiis nalang.
"Asan ang mga tagapamahala ng mansion?" tanong ni Anna sa chauffeur niya.
Napatingin naman ang chauffeur niyang si Lucas sa paligid at ngayon lang din niyang napansin na walang mga tagapamahala ang nag-abang sa kanila. "Pasensya na po Ma'am."
Ngumiti lang si Anna kay Lucas "Nah don't worry about it Lucas, it's not your fault." after all ganyan ang mga tao dito sa bayan na ito. "Siguro naman bukas ang pinto at makakapasok na tayo?" she asked.
Nagmadaling pumunta si Lucas sa pinto at tinignan kung bukas ito "Naka-lock po Ma'am." he told her nang makabalik siya sa gilid ni Anna.
Anna frowned. Bakit naka-lock ang mga pinto? Hindi ba alam ng mga tao na darating na ang mga bagong may-ari ng mansion? "Call Ren's secretary and get this sorted out. Saan tayo tutuloy kung naka-lock ito?"
Asan ba ang mga tao dito? Anna thought. Pagod na si Anna, kakabalik lang niya galing sa New York at dumiretso na agad sila ni Lucas dito para tignan ang lupain. Pero eto ang dadatnan nila?
Habang kinakausap ni Lucas ang secretary ni Ren sa telepono, naglakad lakad si Anna sa paligid ng mansion, 8 years ago tiga-linis lang siya, 8 years ago inaapi api lang siya pero ngayon eto na siya, may ipagmamalaki na siya, hindi na siya isang basahan, she's a well known person back in New York, she's not just nobody anymore, she's Anna Madrigal. A well known fashion icon.
"Anna?" nagulat si Anna nang may tumawag sa kanya.
Kaya napatigil siya sa paglalakad at parang na estatwa siya sa kinatatayuan niya, kilala niya yung boses na yun, hindi siya pwedeng magkamali. Kaya dahan dahan siyang napalingon sa kung saan man yung boses na yun "Yes?" she asked innocently.
Kaya mo yan Anna! Just act like you don't remember him.
"Ma'am, darating na daw po ang anak ng dating may-ari." biglang dumating si Lucas,
Thank you Lucas!
Lumingon si Anna kay Lucas at ngumiti ito bilang pasasalamat. "Oh?"
"Anong ginagawa mo dito Anna?"
"Oh... Art ikaw pala yan." Anna said, she couldn't act like she doesn't know him after all how could she act around him? "Lucas ito na yung anak ng dating may-ari." sabi ni Anna.
"Ah sir, nandito na po pala kayo pwede niyo na po bang ibigay yung susi?"
Napangiti si Anna, sa tagal na nagtratrabaho sa kanya ni Lucas, alam na nito ang kwento ng kanyang buhay, hindi lang isang chauffeur ang turing niya dito kundi isang kaibigan din.
Tila hindi maintindihan ni Art yung mga nangyayari sa paligid niya, and Anna secretly smiled at his ignorance. "Ka...kayo.... ang bibili ng hacienda?" tila ngayon lang nag sink in sa kanya. "Paano nangyari iyon..... Thorpe Industries ang....."
"Yes Thorpe Industries is the one buying this land and I'm here to check it out before Mr. Thorpe himself comes later this week." Anna said.
"Ahh... ganun ba.... tara na at makapagpahinga na kayo. Hindi mo na kailangan ng tour hindi ba Anna?"
"I'm well too familiar with the land. But Lucas isn't at kailangan niyang matandaan ang mga pasikot sikot dito. So can you give him a tour instead?"
Bago palang makasagot si Art ay biglang nag ring yung phone ni Anna na hawak hawak ni Lucas, tinignan muna ni Lucas kung sino ang tumatawag bago niya ito sagutin at binigay niya din agad kay Anna "Ma'am, Mr. Thorpe wants to talk to you."
Kinuha ni Anna yung phone niya "Excuse me." she said and she started walking away from them "Hey Ren." she called.
"Hey how are you?"
"Tired? When are you coming here?"
"I might fly tomorrow, the contract is being drafted and will you sign it?"
Na-excite si Anna, dahil after all the hard work malapit na niyang makamit ang kanyang paghihiganti.
"Of course. Then we'd have to hire new staffs right?"
"Why? What's wrong with the staffs?"
"There's no staff Ren."
Ren sighed "Alright then when I get there we'll hire staffs." he said "I have to go Anna, I'll see you soon alright?"
"Ok bye. Take care Ren."
* * *
Tinigan ni Art maglakad paalis si Anna, ilang taon na ba ang nakalipas simula ng umalis ito? At ngayon andito na siya at she's more refined than her old self.
"Kaano-ano ni Mr. Thorpe si Anna?" he blurted out.
How did Anna end up like that? How did she become successful. At napakaganda naman niya talaga.
Napatingin sa kanya yung Lucas, sino kaya itong Lucas na ito?
8 years. Simula ng umalis si Anna sa bayan na ito, parang minalas ang mga Monteverde at ngayon kailangan na nilang ibenta ang mga lupain nila.
"Ms. Anna is the future mistress of Thorpe Industries."
No comments:
Post a Comment