Saturday, February 9, 2013

A Little Help from Destiny Chapter 20

Chapter 20 - The First Goodbye


I am going to miss the Montenegro Family, especially Kim. Sa June 2 aalis na sila for US, Kim will be studying at Brown University, he'll be taking the PLME (Program in Liberal Medical Education), talagang pinapatunayan lang ni Kim kung gaano siya katalino dahil that program only accepts 50 or 60 freshmen out of the thousands of applicants para sa program na iyon. I'm really proud kasi unti unti matutupad na yung pangarap ni Kim na maging doctor.


Pero kahit anong saya ko para kay Kim, nalulungkot parin ako dahil aalis siya at iiwan na niya ako, okay madrama man isipin pero nasanay na kasi ako na laging nandiyan si Kim, na isang tawag ko lang darating agad siya. I do want him to go pero ewan ko ba mahirap lang sigurong aminin sa sarili ko na ayoko. 


Today is June 1 at Kim and I would go on a date daw sabi niya, it's his last day here kaya daw gusto niya ako ang kasama niya for today until tomorrow ang drama din kasi nitong lalaking to. Mas madrama pa siya sa akin. Naku. 


Nagpunta kami ni Kim sa mall yeah I know common na pero sympre ako ang kasama ni Kim so paanong magiging common yun diba? At isa pa common lang yun pag yung nagda-date ay nagwi-window shopping lang pero sympre iba kami. 


Dahil trip ko, sinunod ni Kim, nagcontest kaming dalawa with one hour shopping marathon, paramihan kami ng mabibili na may sense naman at hindi basta basta kinuha lang sa racks. At sympre dahil isa akong napakamalaking kuripot, cards ni Kim yung ginamit naming dalawa for the silly contest. 


Kim won dahil na tigil ako sa Tiffany & Co looking at the key pendants, I remembered Louie promised to buy me the key pendant with his own money, yung pera niya talaga at hindi galing sa allowance ng parents niya.



He tutored pa just to save money for the pendant pero in the end hindi niya natupad yung promise niya kasi iniwan niya ako bigla. I've always wanted the pendant pero mas lalo ko itong nagustuhan nung nawala na si Louie, dahil I wanted to wear something with his memory but I can't seem to buy it, every time na I decided I should, hindi ko magawa I always backed out. 


Kim found me there and he asked me kung gusto ko yung pendant, sinabi ko ayoko kasi knowing Kim once I nod he'd buy it at ayokong bilhin niya ito para sa akin kasi that pendant is my only memory of Louie. I don't want it to have a new memory. 


After that, nilagay muna ni Kim sa car niya yung pinamili namin, yung mga binili niya ay para sa akin, pati damit ko alam niya size ko at pati mga style. We then ate sa CPK and continued on walking around the mall. Sigruo nung na bored na ako sa Shang nagpunta naman kami sa MOA for the bowling. Nag bowling kami and of course talo ako. Hindi naman kasi ako magaling mag bowl, nabibigatan kaya ako sa bola. 


We ate dinner at Mcdo dahil I really wanted to eat spaghetti and fries na pinagsama, ayaw ni Kim dun kumain dahil he wanted na sa fancy restaurant kami at hindi sa isang fast food pero sympre ako ang masusunod kaya sa Mcdo kami, dahil maraming tao sa Mcdo nag take out nalang kami ni Kim and we went to the car park, the car was parked outside the IMAX kaya nakikita yung dagat. 


After eating our dinner, binili ako ng Kim ng ice cream and we walked outside the mall at papunta sa Church, hindi ko na alam yung name nung Church na iyon pero since bata palang ako at wala pa yung MOA dito sa Macapagal, nagpupunta na kami nila papa dito at nagjo-jog si papa and after that mass naman sa simbahan.


Pumasok kami dun sa loob and I prayed na sana maging ayos lang si Kim sa US. I really want Kim to enjoy but of course dapat tandaan niya na wag masyadong mag enjoy magisa! 


Sa bahay namin matutulog sila Kim dahil maaga kaming aalis for their flight, at nasa Subic yung plane nila, sympre hahatid ko sila at para na din makita yung plane nila. Nung paguwi namin, mom and Tita Elise were talking kung ano daw ba ang kukunin kong course sa college and what university. 


I haven't really thought of that one, ewan ko pero hindi ako naeexcite na mag college or even the senior year. But knowing my mother she told Tita na of course sa La Salle or Ateneo ako. For my course sympre napili na din niya ang Business Ad. Pero sympre ako ang masusunod at wala pa akong alam. 


Yeah, I've been thinking of taking Biology since third year at lalo kong nagustuhan mag doctor dahil na amaze ako kay Aunt Sachi pero ewan ko. Kaya ko ba? Hindi naman kasi ako ganun katalino like Kim. Pero ewan ko. 


Kim and I went to my room first at nagkwentuhan lang. He was sitting sa couch while watching the tv at ako naman ay nasa desk ko at nagbabasa lang. It was a common scene to see, us like this. 


"Will you miss me?" he then asked me as he lowered the volume of the tv. 


Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti lang "Hindi din." I joked "Pero ako sure akong mamimiss mo ako..." 


"Of course I'd miss you and you being so full of yourself." he smirked. 


"Heh! But in all seriousness I will miss you too Kim." I said sincerely. Hindi man ako expressive minsan kay Kim I wanted to tell the truth for once. 


He smiled "Thank you." he said ewan ko bakit siya nag thank you pero bahala na si Batman. We started talking then about everything. "So what will be your plan for your senior year?" he asked. Senior year is slowly approaching. 


I shrugged dahil hindi ko naman ramdam yung year na to eh. Ewan ko basta ayoko lang nabobored lang ako. Alam kong dapat magseryoso ako dahil of course I need to maintain my rank pero tinatamad talaga ako ngayon. 


"You need to study hard Mary." he said to me. "And what's your plan for college?" he asked. Me going to Yale is not possible because of mother. Gusto niyang tapusin muna namin ni Kuya yung college here at Philippines before going abroad. Ewan ko ba sa nanay ko. 


"La Salle?" I shrugged. 


"You're not going to take UPCAT?" he asked. 


"Should I?" I asked him. Alam kong UPCAT is for UP pero hindi ko naman gustong magaral sa UP. 


"Well I didn't take UPCAT." he said 


"Bakit hindi? Diba required kayong mag apply for the big four?" I asked kasi dati Karl told me na required sila magtake ng test sa big four. Kaya ano tong sinasabi ni Kim? 


"I was exempted in that rule." he smiled. Oh right, si Mr. Exemption pala tong kausap ko. "But if you really want to take Bio try to UP." he said "And it's a great experience taking UPCAT." 


"As if naman alam mo yung pakiramdam diba?" 


I decided na magtatake ako ng UPCAT, tutal wala naman mawawala kung I'll try diba? 


Parang ang bilis nung oras, it was time for us to go to Subic, tahimik lang kami ni Kim and Sam was still sleeping sa lap ko. Kim was holding my hand and I just let him. He'll be gone for a very long time and hindi pa siya sure kung makakauwi siya for Thanksgiving but my family is expecting him at ako din sympre. 


I felt so sad remembering na aalis na siya at matagal kaming hindi magkikita, pero kahit anong gawin ko ngayon aalis siya. He'd hate me in the future pag pinigilan ko siyang abutin yung pangarap niya dahil sa selfishness ko at dahil natatakot akong magisa ulit. 


We reached Subic and there I saw the plane, it wasn't big as a commercial plane pero sympre malaki parin ito compared dun sa mga small chartered plane. Pumasok ako sa loob dahil hindi pa naman sila aalis, nandun lang kami ni Kim at Sam sa loob at si Sam nagtatakbo na sa loob. 


I'll miss that girl. Parang kapatid ko na din siya. Si tita din mamimiss ko ng sobra. Ang daming tinuro sa akin ni tita dati. And also Oba-sama, kahit tahimik si Oba-sama mamimiss ko parin siya. 


Karl and Kim were talking sympre mag best friend sila and of course Karl is bidding goodbye to his best friend. Ako naman eto naiiyak dahil sa mga sinasabi ni tita. 


"Mamimiss kita talaga Mary." she hugged me again. 


"Ako rin tita." 


I carried Sam naman "I'll miss you onee-sama." 


"Me too hime." I told her as our noses met. "Onee-sama loves hime." 


"I love you too onee-sama." I smiled at Sam. 


It was time for me and Kim to say good bye, niyakap niya muna ako at naiyak na ako. Nahihirapan akong magpaalam sa kanya ngayon dahil ayoko talaga siyang mawala. Ayokong maiwanan ulit. 


"Don't forget me." he told me. 


Kahit pa naiiyak na ako, napangiti ako "Sympre naman. Ikaw din ah." I said. "Tandaan mo yung 10 year plan natin." 


"I will." he said. "Stay safe and study hard. If you're having a hard time you know you can always call me right?" 


I nodded "Ikaw din ah Kim, nandito lang din ako."


"I'll call everyday."he assured. 


"I'll answer everyday." I also assured him. "Magingat ka dun Kim ah! Alam kong hindi ka na macu-culture shock dun pero ingat parin ah. Don't get too excited sa freedom na makukuha mo!" I told him. 


"I promise I'd behave and just study hard." He said. "I love you Mary." 


And just like that I couldn't answer him. I do love Kim pero as a friend lang at iba yung nararamdaman niya para sa akin. And I couldn't lie to him, not him. Hindi ko magawang sabihin na mahal ko din siya cause he'd see right through me. 


He smiled at me though "You don't have to answer me Mary." he said. "But always remember that I love you as I promise you I'd love you forever." 


"Thank you Kim." I said "Goodbye Kevin Ian." I smiled as I waved my hand. 


It's hard saying goodbye but I know we'll meet again someday. This is not yet the final goodbye because this is just one of the many goodbyes yet to come. 


And just like that the plane took off and I forgot to tell Kim about one thing: 


I chose him.

No comments:

Post a Comment