Thursday, February 14, 2013

A Little Help from Destiny Chapter 21


Chapter 21 - Babies for 8 weeks


One month since Kim left for Brown University and I'm currently on my senior year in high school. Araw araw kaming naguusap ni Kim, yes walang palya yung araw, for one month wala kaming na miss na araw kung saan hindi kami nakapagusap. 


It's unbelievable especially dahil na din sa time difference but we talked everyday, our talks are scheduled, every weekdays it would be 6 ng gabi sa Manila and Kim would wake up mga 4 ng maga. He'd call first sa phone ko to check on me kung nakauwi na ba ako then after that Skype na and we'll talk haggang kailangan na niyang mag prepare, tinutulungan niya ako with my homework and everything at nagkukwento siya tungkol sa mga ginagawa niya at ako din naman. 


Kim is currently taking light courses dahil summer palang naman sa US and sa fall pa magiistart yung class niya so medyo hindi pa siya busy kaya talaga siguro araw araw parin kaming nakakapagusap. I still miss him though. Siguro nga nasanay lang ako na lagi ko siyang nakikita after all we did spend our summer together at sa iisang bahay pa. 


I'm not doing well sa school, I know that fact dahil tinatamad talaga ako, yung bang parang wala akong goal, na parang wala talaga akong pakielam for the rankings basta easy easy lang ako, one month na and minsan lang ako mag recite sa school, yes I do well sa quizzes pero iba parin ang recitation and extra co-curricular activities.


I stepped down from the student body government as the COS, last March kasi yung election for this school year's government, the party that I joined won, I didn't get elected sa position ko, yung position ko kasi ina-assign ng winning president and vice president minsan unanimous decision from the whole student body government and sympre ako yung napili for the COS position dahil I was like the campaign manager for that party. Pero I stepped down and handed it to Cyril, sympre my teachers especially my former adviser got mad dahil nga I needed that position for my extra co-curricular.


Well wala na silang magagawa dahil nga I left it na. Sa totoo lang naman ayoko naman talaga mainvolve with the government, pero since it was such a great honor I accepted it, pero ewan ko kung ano ang meron sa utak ko at I decided to step down. 


That position would have made me the one with the highest extra-co-curricular dahil the other 14 are not in the government. If hindi ako bumaba sa position na iyon, I could be second na pero well what's done is done at hindi pa naman ako nagsisisi sa ginawa ko. 


Though Kim was disappointed din, he encouraged me na kailangan ko daw talaga mag aral to graduate with honors. I feel lucky to have him pero ewan ko basta. 


Basta ayoko na yung maging GC masyado gusto kong ienjoy yung last year ko sa high school kaya I'm taking it easily. 


Last three subject na namin for today, we were asked to go to the great hall for the assembly ng mga seniors, I on the other hand ay pinatawag ng Home Ec teacher namin na si Ms. Lesilie Lopez, so nagpunta ako sa faculty for her. 


Tumayo siya agad and naglakad kaya sumunod na ako, we used the teachers' stairs para makaakyat sa Home Ec Lab, at dun pinaliwanag ni Ms. Leslie yung gagawin ko for today and that would be being her assistant for today. I'm close with her lahat naman ata kami close sa kanya eh. 


And then nagtawag pa siya ng anim na lalaki from other section at pinadala niya yung apat na malalaking box papunta sa great hall na sa kabilang building pa. Tas for me naman pinahawak niya yung isang folder sabi niya wag ko daw buksan. 


So there nauna na kami na wala si Ms. dahil may kukunin pa daw siya sa faculty. Pagpunta namin dun sa great hall nilapag na nila yung mga box at sympre ano pa bang makikita mo sa isang hall na puno ng seniors, edi naglalaro sila, yung iba naman nagkukwentuhan lang at sympre ako sumama dun sa mga old classmates ko na naglalaro ng jack stone. 


Pero after 5 minutes dumating na si Ms. Leslie at pinapila na niya kami according sa section, two lines bawat section. Sympre hindi naman agad agad naayos yun dahil kami ata ang pinakamagulong batch, kailangan pang pumito ni Ms para lang magsipuntahan na sa respective lines namin. 


Umupo si Ms dun sa upuan sa likod ng mahabang table na nasa harap namin. "I'll be distributing your first grading project  today." she announced "Actually kayo ang first batch for this project, swerte niyo at naabutan niyo ang upgraded curriculum ng Home Economic." she said. "Etong project na to is widely used sa US kaya sure akong iba may hula na for this dahil sa mga napapanood niyo before." she said. "Today I'll be distributing your babies for 8 weeks." nagulat kami sa sinabi niya, and sympre nagprotesta ang iba at yung iba namilosopo naman. "Ang ingay." sabi niya. "Our school bought 300 simulated babies from US at sana lang wag niyong masira ito agad dahil sabi ko nga kanina kayo ang unang makakagamit nito at sympre sa susunod pang batch next year gagamitin din nila iyon." she said. 


Sus pauso talaga tong school ko, may pababies babies pa pero Karl's school din merong ganyan dati pa, partner nga si Kim at Karl and they almost failed buti nalang at nandun daw si Tita Elise to take care of the baby. 


Nagsalita pa si Ms. Leslie about the simulated babies at yung goals ng project na ito, at yung mga contents ng isang box for us. She told us the deadline which is after the first grading exams. So we really have 8 weeks with the baby wow. 


"Mary halika dito." tawag sa akin ni Ms. Leslie kaya I went sa harap, pagitan namin dalawa yung table tas binigay niya sa akin yung folder na pinadala niya kanina sa akin "Masakit lalamunan ko kaya ikaw pagtawag at ako mabibigay nung babies." she said. Tas tumayo siya at may inangat na dalawang box at nilapit sa akin, binuksan niya ito at sinilip ko, mga diapers at damit bati bote na nasa isang bag na pang baby din. "Ikaw mabibigay nito as you call out their names ah." she said at she went dun sa may dulo ng table kung nasaan yung mga pinadala niya kaninag malalaking box. "Class tatawagin kayo ni Mary by pairs at dahil mas maganda kung may thrill ang class natin, I prepared this." she said tas tinaas niya yung isang fish bowl na may mga papel. "Bubunot kayo dito kung ilan ang anak niyo. Maximum of three dahil haggang triplets lang." she smiled and sympre we all protested. Anong klase yun diba. mahirap kaya magalaga ng isa paano pag dalawa or worse tatlo? "Let's start." she said and tinulak niya sa akin yung fish bowl. 


Ako naman naexcite eto yung mga gusto kong gawin minsan eh, so umupo ako sa tass ng table at nasa gilid ko naman yung box, I opened the folder at tinignan yung first couple at natawa ako for the partnering na ginawa ni Ms. Leslie she knows us best talaga. 


"Ariel and Chris." I smiled, sila yung sa batch namin yung may pinakamahabang love story, since elementary may crush na si Chris kay Ariel pero sympre pakipot si Ariel. Nagtawanan yung iba dahil sympre nga naging pakipot si Ariel which led na magalit si Chris at ayun lagi na silang nagtatalo dalawa. Pinabunot ko na sila at swerte nila dahil isa lang. 


The rest goes on. Madaming natuwa sa partnership at madami din nainis dahil halatang nangiinis si Ms. It was a funny day talaga. Tawa kami ng tawa every time na may makakabunot ng triplets or twins. Tas minsan nagtatalo pa sa kulay ng anak nila. 


Ako na yung next at nagulat pa ako sa nakita kong name pero hindi ko pinahalata dahil baka malaman nila yung secret ko na haggang ngayon si Ms. Leslie palang ang nakakaalam dahil siya lang yung nasabihan ko ay mali pinilit niya akong aminin dahil nakita niya akong nagblush nung first Friday Mass. 


Tinignan ko ng masama si Ms. Leslie pero ngumiti lang siya. And urged me to continue so I did dahil sila din naghihintay pero ayoko talaga kasi mahahalata nilang lahat yung partner ko, obvious naman na yung partnership is arranged according sa crushes or couples. 


They were anticipating mine dahil natitira nalang naman na boys na laging nali-link sa akin ay sila Den at Rey pati si Cyril. I bet they're all betting na si Rey yan pero mali sila dahil napaka talaga ni Ms. Leslie. "Mary and Allen." I said. And yeah nagtaka sila kung bakit. 


"Bat hindi si Rey Ms?" tanong ni Paul. "Mas entertaining pag silang dalawa." he said, yeah mas entertaining nga! 


"Sawa na ako kay Rey bagong mukha naman dapat para kay Mary." she said and I blushed. 


Lumapit na si Allen "Sino bubunot?" he asked, classmates kami ni Allen first time ko siyang magiging classmate at crush ko siya. Bakit? Masama bang magka crush? Hindi naman diba? I motioned him to pick kaya siya na and luck was on my side dahil isa lang anak namin. 


Binigay sa amin ni Ms. Leslie yung isang negro na baby, tawa sila ng tawa after all maputi ako at si Allen naman medyo lang tas anak namin negro kaya pinalitan agad. 


Ang awkward lang dahil sa lahat ng classmate ko hindi ko pa nakakausap si Allen minsan lang. After matapos ng pamimigay, it was time for the birth certificate, ang arte lang talaga. Hiwalay hiwalay kaming lahat para ifill yung mga kailangan. 


Dun kami ni Allen sa bench malapit sa bintana. Nasa bench yung baby kami sa floor nakaupo. "Anong pangalan?" he asked. 


"Babae ba?" I asked, kaya tinignan namin kung babae at babae nga. "Ano bang gusto mo?" tanong ko sa kanya. 


"Ikaw babae kaya ikaw mapili." 


"Ehh..." I protested


"Mary Allen." sabi niya 


"Ms! Paano yung surname pati yung relationship?" tanong nung isa


"Bahala na kayo, kung gusto niyo married or what. Basta you need a story for it." she told us, dahil hindi lang yung baby yung icecheck after 8 weeks, sabi niya kanina dapat may kwento kami about sa buhay with the baby para bang basta ang hirap iexplain. 


Tinignan ni Allen yung papel namin "Teenage pregnancy?" he asked.


"Ayoko. Sure marami ng ganyan." I said 


"So married?" he said and I nodded nalang. And there we named our baby Mary Allen Zobel-Santiago. Nagusap lang kami ni Allen about the baby at paano aalagaan yung baby for 8 weeks, kung kanina kada araw tas bigla nilang kami naging hiwalay na mag-asawa na salit salit sa baby. 


Iniwan na kami ni Ms. at babalik siya pag uwian na, pero sa ngayon kami muna at lahat kami nageenjoy sa baby namin. 


Allen was with Baby Len, nickname ng baby namin, and ako naman ay tahimik lang medyo napagod kasi ako, naglaro kasi muna kami nung nawala si Ms nag habulan, kaya nakaupo muna ako, nag ring bigla yung phone ko at tinignan ko kung sino. 


Nagulat ako sa tumatawag dahil ang aga niyang tumawag, madaling araw palang siguro dun kasi 2 palang so mga 12 am palang dun. "Hello?" 


"Hey. Are you busy?" Kim asked. 


"Wala si Ms. bakit ang aga mong napatawag aren't you supposed to be sleeping?" I asked. 


"I just got home and I might not be able to call later." he said saan naman kaya ito nagpunta. "So what are you doing?" he asked. 


"Wait saan ka nagpunta?" I asked. 


He chuckled "I was in Manhattan." he said "So your turn."


"I have a baby na!" I told him


"What baby?"


"Duh simulated baby." I told him at nagkwentuhan lang kami ni Kim muna pero pinatulog ko na din siya dahil halata sa boses niya yung pagod. I didn't tell him about my partner, hindi niya alam na crush ko yung partner ko kasi magseselos yun at baka bumalik pa yun dito. 


Bumalik si Ms. with juniors helping her with boxes. "Nakalimutan ko yung stroller ng babies niyo." she smiled at pinapila niya kami para sa stroller at yung parang sabitan ng baby sa katawan. 


Allen and I decided na sa akin muna si Baby Len for this week, araw araw dapat dala namin siya kundi may deduction.


Our Home Ec project is actually interesting. 8 weeks with Baby Len and Allen.

No comments:

Post a Comment