Chapter 5
Anna had always hated the beach. Pero hindi niya alam kung bakit siya dinala ng kanyang mga paa dito sa lugar na to, sa lugar kung saan napakadaming memorya ang nagawa niya kasama si Art, ang unang lalaking minahal niya. Ang unang lalaking pinapasok niya sa kanyang puso.
Dito siya unang napansin ni Art, dito sila unang nagkausap. Hindi pa niya kilala si Art ng mga panahon na iyon dahil sa ibang bansa nag-aaral si Art ganun din si Lilac pero nauna niyang nakilala si Lilac, hanga nga dati siya kay Lilac, pero nagbago lahat yun nung nakita niya yung tunay na kulay ni Lilac, akala niya mabait ito ayun pala nagbabait-baitan lang.
Si Art naman ay umuwi isang taon after bumalik ni Lilac sa Pilipinas, dun niya ito nakilala. Busy kasi ang mga trabahador ng mga ito sa pag-aayos ng mansyon at ng mga pagkain dahil nga darating na yung anak na lalaki, yung taga pamana ng lupain ng mga ito. Madami ding mga bisita ang darating para dun.
Pero dahil hindi naman nagtratrabaho si Anna para sa loob ng mansyon at sa bukid lang siya, hindi niya kailangan tumulong. Kaya nagpunta siya sa beach para mag drawing, hilig na niya dati palang ang pagii-sketch lalo na ng mga bahay. Minsan mga tao naman.
Dun siya natagpuan ni Art. At dun nagsimula ang pangloloko ni Art sa kanya. Ang pagkuha ng puso nito. Ang pagtaksil nito sa kanya.
She shivered just when the memories came flashing back at her. The painful memories, the day she got left at the altar, the exact day her father needed money for surgery, the day she no longer heard from Art. He just left.
They built beautiful memories pero lahat pala iyon ay laro lang para kay Art. Laro lang. Dahil probinsyana siya, siya ang pinagdiskitahan ni Art, dahil sa boredom. Dahil walang magawa si Art, linaro niya yung puso nito.
"Mahal kita Anna." pag-aamin ni Art kay Anna. "Marry me." and he got down with one knee and opened a small box that contained a very simple diamond ring.
Tila tumalon ang puso ni Anna, hindi niya alam ang gagawin niya. Eto yung lalaking sobra niyang mahal, gusto siyang pakasalan. Siya na walang class na babae, siya na walang wala sa mga babaeng kaibigan nito.
Tumulo ang luha niya ng mga oras na iyon, sobra siyang natutuwa, kinikilig siya masyado dahil eto sila nasa may tabing dagat at nag propose bigla sa kanya si Art. "Ang bata palang natin Art." sagot niya kay Art.
Kahit pa gusto na niyang pakasalan si Art, hindi naman pwede iyon, bata palang sila, hindi papayag yung tatay ni Anna dahil 19 palang si Anna. Sinong magulang ang papayag na magpakasal ang anak nito agad agad?
Tumayo si Art at hinawakan siya sa dalawa nitong braso at tumingin ng mabuti sa kanyang mga mata "Mahal mo ba ako Anna?"
"Sobra." sagot ni Anna na binaba ang tingin niya dahil nahihiya siya kay Art.
Tinaas ni Art ang mukha nito at nagtingan ulit sila at unti unti siyang ngumiti "Mahal din kita Anna at gustong gusto na kitang makasama, kaya pumayag ka na Anna. Hindi ka magsisisi." pagpipilit nito kay Anna.
"Paano si tatay?" Tanong ni Anna kay Art. "Paano ang pamilya mo Art?" alam niyang hindi ito papayag, sino nga ba naman ang papayag na pakasalan ng anak nila ang isang katulad niya?
"Wala akong pakielam sa kanila. Basta pumayag ka lang Anna, ako na ang bahala sa lahat." Art said "Mahal na mahal kita Anna." he told her "So marry me."
Dahan dahang tumango si Anna at ngumiti kay Art "Mahal din kita Art."
Ngumiti ng napakalaki si Art at bigla siya nitong niyakap at nagsisigaw. Tuwang tuwa siya ganun din si Anna. "Mahal na mahal talaga kita Anna." sabi niya nang humiwalay na siya kay Anna at tumingin ito sa mga mata ni Anna "Pangako hindi ka magsisisi." he said and leaned forward to kiss her soulfully.
And the rest was history.....
Anna smiled bitterly at the memory, nangako sa kanya si Art na hindi ito magsisisi pero simula ng iwan siya nito sa altar, nagsisi na siya, nagsisisi siyang nakilala niya si Art, na minahal niya ito, na umuo siya dito, at nagsisisi siya na binigay niya ang sarili niya kay Art ng gabing iyon.
A tear fell from her eyes and she hastily brushed it off. Bakit siya naiiyak? Walong taon na ang nakalipas dapat hindi na siya naaapektuhan lalo na at isang mapaklat na memorya nalang ang mga ito. But her tears just can't seem to stop from falling.
Hindi siya nasasaktan, wala siyang nararamdaman pero bakit may mga luhang pumapatak ngayon? Bakit pa niya kasi inalala ang mga iyon?
Dapat kalimutan na niya ang mga iyon, ang mga memorya na sobrang sakit pero kahit pa gustong gusto na niyang kalimutan ang mga ito, hindi niya magawa, it keeps on haunting her even in her dreams.
Sa malayo nakita niya si Art na may kasamang babae, sophisticated yung kasama niya halata kahit pa nasa malayo siya, nagtago siya sa may likod ng puno para hindi siya makita ng mga ito. They looked so sweet, magkahawak ang mga kamay, at naguusap.
At dun niya nakilala ang babae, yung best friend daw ni Art. Kilala niya ito pero hindi sila nagkakilala personally. Sa mga litrato lang niya ito nakilala. At pag dumadalaw ito at sinabi niya kay Art na gusto niyang makilala ang best friend laging gumagawa ng dahilan si Art. Ayaw niya lagi. At pagdumadalw ang babaeng yan, tila nakakalimutan siya ni Art. Si Ashley Garcia.
Sa malayo nakita ni Anna kung paano hinalikan ni Ashely si Art sa labi. At ganun nalang nagsisibalikan ang lahat kay Anna, kung bakit ayaw siyang ipakilala ni Art kay Ashley. Kung bakit lagi nalang ayaw nito. Dahil sa simula palang hindi sila mag best friend.
Lumabas sa pagkatago si Anna, bakit kailangan niyang magtago? May nagawa ba siyang mali? Nagsimula ng maglakad si Anna palayo sa kanila, wala na sa kanya kung makikita pa nila siya.
"Anna." she stopped when she heard him calling her. Lumingon siya at dun lang niya nakita na malapit na pala silang dalawa sa kanya "Anong ginagawa mo dito?" he asked.
Nataas ni Anna ang kanyang kilay. "Masama bang pumunta dito?" she asked.
"Hin...hindi naman pero bakit mag-isa ka ata?" Art asked, a small smile crept into his face and it was creepy for Anna.
"It's none of your business Mr. Monteverde." Anna said.
"Art?" Ashley called Art. "Mind introducing us both?" she asked.
"Ahh... Ash si Anna." pagpapakilala ni Art sa kanya. "Anna si Ash."
"I didn't ask." Anna said coldly. "Now if you'll excuse me Mr. Monteverde I will go now." sabi niya sabay lakad palayo.
"Siya ba si Anna?" Ashley asked Art. So kilala din pala siya ni Ashley. Nakwento siguro ni Art siya dati, kung paano niya ito lolokohin.
"Siya nga." sagot ni Art, and Anna smiled bitterly at his answer, alam ni Ashley kung sino siya sa buhay dati ni Art, siya yung pinaasa, siguro pinagtawanan nila siya nung pumayag itong magpakasal kay Art.
She sure did make a good laughing stock for them.
Hindi pa siya nakakalayo narining na naman niya yung pagtawag sa kanya ni Art, ayaw na niya sanang huminto pero gusto niyang ipakita na wala lang sa kanya "Bakit?" tanong niya
"Kailan ka aalis?"
"It's none of your business Mr. Monteverde, do tell your father that his time is running out. By tomorrow we expect the money back." she said and turned her back to him.
Nagulat siya ng may humawak sa braso niya at si Art lang naman iyon, tinignan niya kung nasaan si Ashley at ayun nakasunod kay Art na tumakbo "Hindi na ba magbabago ang isip mo?" he asked.
"Bakit ko naman gagawin iyon? Para ba may mainsulto na naman kayo? Para ipamukha niyo sa akin na isa lang akong basahan? O para gawin na naman akong katawatawa?" She asked.
Hindi siya binitawan ni Art "Hindi Anna." sagot niya "Alam kong nasaktan ka ng pamilya ko. Alam kong sobra mong kaming kinamumuhian pero isipin mo naman yung mga taong naghahanap buhay para sa mga pamilya nila. Naging pamilya mo din ang mga ito dati."
Pamilya? Hindi nga siya tinuring nga mga ito ng ganun dati eh, katulad ng mga Monteverde, pinagtawanan lang siya at ginawang basahan. Bakit kailangan niyang tulungan ang mga ito? "Bakit ko sila iisipin at tutulungan? Tinaboy nila kaming dalawa ni tatay. Katulad ng pamilya mo, wala silang kwenta para sa akin." she said. "Bitawan mo ako Art." sabi niya.
"Sabihin mo munang pag-iisipan mo."
"No Art. Nakapagdecide na ako, hindi namin bibilhin ang lupa niyo." Anna said firmly "But give me one good reason to think it over again." she said dahil alam niya ang isasagot ni Art "it's a good business."
Pero hindi niya inaasahan ang isasagot ni Art. "Dahil mahal kita at gusto kong nakikita kita araw-araw." he said. Kung dati mapapaniwala na siya ni Art ng ganun kabilis iba na ngayon.
Hindi na siya yung dating Anna, siya na yung Anna na malakas at hindi basta basta magpapaloko. Lahat talaga gagawin ng mga ito para lang bilhin nila ulit ang lupain ng mga ito. Pati ang magsinungaling at nakita ni Anna yung mukha ni Ashley nung sinabi iyon ni Art, gulat at sakit.
Handang handa talaga ang mga Monteverde na makasakit basta sila ang makikinabang sa huli. "Not a good reason Mr. Monteverde." she said. "At isa pa, sa tingin mo bibilhin ko yung lupa niyo pagsinabi mong mahal mo ako? Bakit sa tingin mo ba mahal parin kita? I don't love you at hinding hindi na ulit ako magkakamaling mahalin ka pa ulit. I love Ren and it's even greater than what I felt for you before." she said at napansin niya ulit na wala na si Ashley. She must have left. "Siguro nga puppy love lang iyon."
"Puppy love?" Art laughed "Ibibigay mo ba sa akin yung sarili mo kung puppy love lang iyon?" he asked "I was your first in everything. You gave me yourself that night when I asked you to marry me." he said "You easily gave yourself at sasabihin mong puppy love ang iyon?"
Her tears are starting to fall pero pinigilan niya. Tama si Art. Binigay niya yung sarili niya ng napakadali para kay Art. Sinabihan lang siyang mahal siya nito at inaya lang siyang magpakasal at ganun nalang.
"Matalino ka at alam mo yung ginagawa natin, alam mong I could easily get you pregnant but still you trust--" he cut off dahil gamit ang isang kamay ni Anna ay sinampal niya ito.
And she harshly took his hand off her. Gulat si Art sa nagawa niya, hindi naman niya talagang planong sampalin si Art kaso one memory crept into her mind and she snapped because that was the most painful memory ever.
Her tears fell at wala na siyang pakielam pa. "And I was a stupid fool to trust you that night. A stupid fool to give you my all that night. So stupid." she said and walked away.
Tanga. Ayan siya. Sobra siyang tanga dahil naniwala siya kay Art. Dahil pinagkatiwalaan niya ito.
She trusted him so much that she lost so much too. How could she ever forget everything when it's still haunting her? Tama si Ren, they should continue on with her revenge.
She almost forgot everything they took from her. Muntik na niyang makalimutan na hindi lang para sa kanya ang revenge niya.
It's not for her, not for her father but for the unborn child they took from her.
No comments:
Post a Comment