Malapit na matapos yung project namin sa Home Ec, today would be the last day of our final exams, I didn't study for the exams, didn't even open my books to study. I was too occupied playing with Baby Len, nakakatuwa kasi yung baby na yun. Ang galing galing lang. Naging bata ulit ako sa project namin. Even my cousins played with me. We were too absorbed with the simulated baby.
But I did fine with my exams, madali lang naman yung exams eh. Tomorrow we'll be graded na for the project then wala ng pasok until Monday. And sa Monday second grading na namin. Ang bilis ng panahon.
Dahil nga medyo naging absorbed ako with Baby Len at madami din akong ginawa hindi ko na masyado nakakausap si Kim ganun din naman si Kim naging busy na siya kaya ayun hindi na talaga, minsan twice a week nalang at tuwing Sunday lang minsan.
Naging close ako kay Allen dahil sa project na ito, kasi sumunod na araw after ibigay sa amin yung project kinuha niya yung number ko at lagi kaming naguusap, una tungkol lang sa baby pero time passed by at ayun ang dami na namin pinaguusapan everyday. Siya na yung kausap ko araw araw.
We've grown close pero hindi naman ako isang assumera na iisipin na may something sa amin ni Allen dahil sympre may girlfriend yung tao at isa pa wala naman talaga akong dapat iassume, crush ko lang naman yung tao dahil gwapo siya. Pero wala na talaga.
"Kain tayo sa labas?" pagaaya ni Chelsea sa akin, she's my best friend sa school at nasa iba siyang section kasi ngayong year pinaghiwalayhiwalay na kaming batch, kung dati first year to third year block kami ngayon iniba na nila, dahil nga masyado daw kaming naging China (The closed door policy).
Nasa tapat kami ng classroom ko dahil I was still waiting for my adviser na matapos yung pagche-check ng room kung maayos na, leader kasi ako ng cleaners for this week kaya kailangan kong maghintay for my adviser.
"Tinawag ako ni Ms. Leslie kanina eh, sabi niya akyat daw ako sa lab." I told her. "Magchecheck ako ng test sama ka?" I asked her, minsan nalang kaming magsama samang group dahil sympre hindi na kami classmates kaya naiiba tas hindi ko sila kasabay na mag recess or lunch, ibang section kasabay ko.
"Intayin ka nalang namin sa labas." she said, sympre aayaw niyang mga yan na mag check ng test papers. I nodded then entered the room kasi tinawag na ako ni Ms. Ryn. Chelsea waved goodbye to me at umalis na din siya.
Paakyat na ako sa lab kasi sinamahan ko pa si Ms. Ryn pababa ng faculty, ayun nga paakyat na ako nung nakasalubong ko si Allen at Den na magkasama. Nasa may hagdan kami nagkasalubong kaya natigil kami dun sa gitna.
"Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Den, kumakain siya ng Cornetto at naiinggit ako.
"Sa taas." I said habang nakatingin parin sa ice cream ni Den.
Siguro napansin ni Allen na nakatingin ako kaya inoffer niya yung isa niyang dala. "Gusto mo?" he asked.
Sympre naman nahihiya naman akong kunin lang yung binili niya pero sympre inagaw ni Den at binigay na sa akin. Makakahindi pa ba ako kung binigay na nila sa akin? So I opened my ice cream with a smile at alam kong nakatingin sila sa akin. Dun ko lang naisip na madami akong test papers na ichecheck at hindi lang ang mga fourth year kundi pati third years.
"Sama kayo?" I asked. "Check tayo ng test papers." I said.
Si Den parang si Flash talaga dahil biglang nasa may baba na siya "Len una na ako. Bye Mary!" he said at tumakbo pa pababa.
Si Allen naman napakamot sa ulo niya, halatang mapipilitan siyang sumama sa akin. "Kung ayaw mo ok lang." sabi ko "Tutal binigyan niyo na ako ng ice cream. Ayos lang sanay na naman akong mag-isang mag check."
"Ah hindi tara samahan na kita." he said at nauna ng umakyat.
This is what you call reverse psychology!
Ayun nag check kami ng mga papers ng third year dahil tapos na yung sa amin, kung hindi pa pinaalala ni Ms. Leslie yung baby baka nakalimutan ko na siya! Naiwan ko pala yung baby sa classroom.
"Ayy may deduction yan. Sinong magulang ang makakalimot sa anak. Tsk. Tsk." Sabi ni Ms. Leslie sa akin, tumakbo pababa si Allen para sa baby, siguro kukunin pa niya yung susi sa faculty ulit. Kawawa naman yung baby.
The next day, wala na akong ibang dalang gamit kundi yung baby at yung mga ibang project na ipapasa ngayon. Pasahan kasi ngayon.
We were assembled sa great hall para sa pagbibigay ng project.
Physics yung nauna kaya, we all passed our project, sunod naman yung sa Math na worksheet lang, the rest goes haggang sa Home Ec na.
Hinuli talaga nila yung Home Ec kasi we are to tell them our story.
Last pa kami ni Allen dahil yung sinunod na sequence ay yung pagbibigay ko ng babies before. Nagkwentuhan lang kami sa likod ni Allen at nung iba pa dahil ang boring nung mga nasa harap. Tama nga hula ko at ginamit nila yung teenage pregnancy.
"Kamusta na pala si Kim?" tanong sa akin ni Gael, isa siya sa mga haggang ngayon classmate ko pa rin at sympre being my classmates before kilala nilang lahat si Kim. Sa ngayon kong classmates hindi pa nila kialla si Kim kunti lang nakakakilala sa kanya talaga.
"Buhay pa." I said.
"Siya ba yung dati na kasama mo nung nagpunta ka sa school nung summer?" Allen asked. Hindi ko naman maalala yung sinasabi niya eh. "Yung may training kami tas kinausap mo si Sir." he reminded me. Ahh that day, nagpasa ako nun ng short story ko at bigla akong tinawag ni Sir Raymond.
"Hindi naman siya pumasok sa loob nun ah." I said.
"Sinundan ka nila Riley at nakita kang nakasakay sa isang bmw." Pagkukwento niya.
"Oh? Hindi ko alam yan ah." sabi ko. "Pero ou siya nga yung Kim."
"Naku Allen ang sweet ni Kim diyan kay Mary. Spoiled na spoiled." sabat ni Mandy.
"Boyfriend mo ba yun Mary?" tanong ni Tony.
"Hindi ah." sagot ko naman.
"Denial queen talaga tong babaeng to." sabi ni Chelsea, nasa likod ko pala sila."Sila na nun." she said.
"Oy hindi ah!"
Natigil kaming lahat sa pagkukwentuhan nung turn na namin ni Allen. We presented our family to be a broken family but in the end for the sake of the child nagkabalikan kami dahil ang pangit for an infant na agad ng sira yung pamilya niya.
Kami lang ata yung broken family style ewan ko dahil hindi naman ako nakinig kanina eh.
Isa isang sinabi ni Ms. Leslie yung grade namin at napatalon ako dahil we received 98 nagjoke pa si Ms. na kung hindi daw namin nakalimutan si Baby Len kahapon 100 kami. Isa kami sa highest. At dahil sa tuwa napayakap ako kay Allen at naghiyawan yung mga tao even Ms. Leslie parang kinilig, si Ms. Ryn naman a grim face.
Sympre humiwalay na din agad ako. And said sorry.
Our class decided to celebrate dahil sa buong seniors nasa amin yung mga highest, kaya we decided na kumain sa labas.
We looked for a table first at nung meron na sasama sana ako sa mga bibili kaso sabi ni Allen libre na daw niya ako kaya ayun nakaupo lang ako, kasama sila Gael at Mandy.
"Ikaw ahh. Chansing ka kanina kay Allen." pang aasar ni Gael, silang dalawa lang yung nakakaalam tungkol sa pagkacrush ko kay Allen not even Chelsea knows about it kasi maka Kim yun at baka magalit bigla.
"Hindi ko naman sinasadya eh!" I said.
"Kahit na." Sabi ni Mandy "Pero kamusta yung feeling nung niyakap mo?" she asked excitedly.
I smiled nung naalala ko yung kanina ewan ko pero feeling ko namula yung mukha ko "Kakaiba basta naramdaman ko niyakap niya din ako eh!" I said na kilig na kilig.
"Nakita ko yun! Yung kamay niya!" Sabi ni Mandy.
"Hindi ko nakita kasi kinilig ako sa ginawa mo." sabi ni Gael.
"Hoy babae, ang daming binili ni Allen na pagkain ah!" biglang sabi ni Ella na may dala dalang tray ng food niya. Umupo na siya.
"So?" I said.
"Ikaw ah!" she said "Ang kuripot mo at ang dami mong pinabili kay Allen."
"Uy sabi ko lang kahit ano!" I protested.
Dumating na din si Allen at umupo sa tapat ko and handed me my foods, ang dami nga, may chicken at spaghetti na may fries at burger pa. "Thanks." nahihiya kong sabi.
"Ikaw pa."
We all ate happily, siguro after ng two hours nagsimula na kaming magdisperse, kakatext ko lang sa sundo ko na sunduin ako. Kasi sabi ko kanina tatawag nalang ako pagsusunduin na ako dahil walang exact time yung dismissal ngayon.
"Saan ka?" nagulat ako sa nagtanong akala ko kasi nakaalis na siya.
"Ahh babalik ako sa school." sabi ko dun nalang ako maghihintay sa lounge para mas safe ako. "Kaw?" I asked.
"Wala ka pang sundo?" he asked without answering my question.
I shook my head. "Sige balik na ako sa school." sabi ko at lumabas na.
"Samahan na kita." he said at wala na akong nagawa pa.
Sinamahan niya akong maghintay sa lounge at kwentuhan lang kami habang naghihintay. Siguro mga 30 minutes din yung paghihintay.
Nalaman ko lang nung tinawag ako ni Cyril "Bes andun na si Manong Rod." sabi niya sa akin at biglang tingin kay Allen at nagnod lang siya.
Tumayo na ako at ganun din si Allen "Sige una na ako. Thanks sa pagsama." I said at lumapit na kay Cyril na kinuha yung shoulder bag ko at siya nagbuhat. "Bye ingat sa paguwi." I said.
"Ikaw din." sabi niya.
At naglakad na kami ni Cyril papunta sa kotse, "Anong meron at magkasama kayo ni Allen?" he asked. Cyril is one of my closest guy friend, before he ranked as my second best friend pero sympre dumating si Kim so naging pang third siya.
"Sinamahan niya lang ako maghintay. Bakit?" I asked.
He just shrugged "Napapadalas ata ah."
I poked him sa may tagiliran niya "Uy nagseselos si best friend." I said teasingly.
"Sympre naman!" he said at inakbayan niya ako at naglakad na ulit kami "Sige ingat ka." he said nung nasa tapat na namin yung kotse, si Manong pinaandar na yung kotse at si Cyril binuksan na yung pinto ng kotse.
"Bye Cy." I said at pumasok na ako.
Kinuha ko agad yung phone ko sa bulsa ng palda ko at nakitang madaming nagtext, nakalimutan ko to kanina nung kasama ko si Allen. Mga GM lang naman kasi to eh.
I received a text from Allen.
From: Allen Santiago :)
ingat pauwi.
I smiled sa text niya kahit simple lang. And just like that nagring yung phone ko at tumatawag si Kim kaya sinagot ko ito. And I told him my day well except for the part that I hugged Allen and that he made my legs go weak.
No comments:
Post a Comment