Sunday, May 19, 2013

Just a Spoonful of Love Part Two - Chapter 27

Chapter 27


Daniel's Point of View


Ang dami ko ng naririnig na sinasabi ng tao sa akin kapag nakikita nila ako, mga bulong bulongan nila tungkol sa buhay ko ngayon. Na ako ay isang martir. Nakikita ko din sa mga mata ng iba ang awa nila kapag natingin sila sa direksyon ko.


Ako na galing sa magandang pamilya ay kinaaawaan ng madla dahil sa mga desisyon ko. Dahil hindi ko magawang talikuran ang babaeng mahal ko pero hindi ako maalala at nasa kamay ng ibang lalaki.


Madami na din ang nagpayo sa akin tungkol sa grounds ng annulment, pwedeng pwede daw ma-annul ang marriage namin ni Kath para daw makapag move on na ako. O di kaya daw ay hayaan ko nalang na magsama si Kath at Sam sa London at isipin na patay na talaga siya.


Na hindi siya bumalik sa buhay ko.


Pero hindi ko magagawa yun dahil bumalik siya sa buhay ko.


Hindi ko magagawang talikuran ang pagmamahal ko kay Kath dahil siya lang ang nag-iisang babae sa akin. Hindi ko siya magawang limutin dahil kaytagal ko siyang hinintay na bumalik sa akin.


Martir na kung martir pero eto ang nararamdaman ng puso ko, kahit pa minsan ako ay nasasaktan kapag kasama niya si Sam at sa tuwing naaalala ko na hindi na ako ang laman ng puso niya.


Umaasa parin ako na baka sakaling bumalik yung memorya niya at balikan niya ako. Umaasa ako na babalik siya sa akin, na mahalin niya ako ulit.


Siguro nga nakakaawa akong tignan pero kapag nagmahal ka na at alam mong tunay itong pagmamahal, hindi mo man kailan man magagawang talikuran ang pagmamahal na iyon, hindi mo kailan man malilimutan basta basta.


Ayos na sa akin na makita siya kahit isang beses sa isang araw, ayos na sa akin na makausap siya kahit saglit lang, na makita siyang nakangiti. Sapat na sa akin ang mga iyon hindi na ako hihiling pa dahil alam ko din naman sa sarili ko na kahit anong hiling ko hindi iyon matutupad.


"Daniel?" napatigil ako sa pag-iisip ko at tinignan si Kath na may halong pag-aalala ang pagtingin niya sa akin. "Are you okay?" tanong niya.


Ngumiti ako sa kanya at nakita ko kung paano nawala yung pag-aalala niya. "I'm fine. Shall we go back to our lesson?" tanong ko at tumango naman siya sa akin.


Tinuturuan ko siya ng Filipino at nandito kami sa garden ng bahay nila ni Sam, ang hirap man sabihin pero ayun ang totoo ngayon, kahit anong dokumento pa ang nagsasabi na ako ang asawa niya, si Sam parin ang tinuturing niyang asawa at hindi ako.


Araw araw ko siyang tinuturuan ng Filipino, minsan ay lumalabas kami ng bahay nila dahil gusto niyang mapuntahan lahat ng napuntahan niya noon. Noong isang linggo lang ay naghanda ako ng maliit na pagsasalo sa bahay namin ni Kath, sa hardin kung saan kami kinasal.


Nagustuhan niya iyon at alam kong nasiyahan siya kaso nang nalaman niyang umalis na si Sam nakita ko yung disappointment sa mukha niya. Dun ko lang din naintindihan na mali lahat ng iniisip ko. Na hindi dahil nasanay na siya sa presensya ni Sam kaya niya ito pinili, na dahil si Sam lang ang nakilala niya sa loob ng tatlong taon ay mas pinili niya ito. Mali pala ako.


Pinili niya na 'wag iwanan si Sam dahil mahal niya ito. Sobrang sakit man na malaman na mahal niya ito at na baka wala na talaga akong pag-asa, wala akong nagawa kundi paligayahin siya. Masakit man pero hindi ko talaga kayang bitawan yung natitirang pag-asa na pwede.


Isa akong masokista pero diba lahat naman tayo?


"Daniel?" tawag niya ulit sa akin. "Are you really okay? You've been spacing out a lot."


Ngumiti lang ako sa kanya. "I'm fine really Kath, no need to be worried."


She flushed. "I... I wasn't worried!" she stammered.


I chuckled and her cheeks grew redder. "Okay, say Mahal kita." I instructed her.


"Mahal kita." sabi niya na akala mo talaga alam niya ang sinasabi niya at ako ang sinasabihan niya. Sinasaktan ko ang sarili ko pero gusto ko lang itong marinig mula sa kanya.


"Mahal din kita."


"Mahal din kita." ulit niya sa sinabi ko. Tumawa ako sa kanya. "What?" she pouted.


I shook my head "Nothing Kath. Nothing."


"What did it mean?" she asked.


Alam kong pag sinabi ko lalayo na naman siya sa akin, naalala ko yung isang araw na sinabi kong mahal ko siya sabi niya masakit ang ulo niya kaya bumalik nalang daw ako kinabukasan. Hindi siya kumportable pagsinasabi ko iyon.


"You asked about Paul before right?" tanong ko pag-iiba ng topic namin.


"Daniel." she started.


Bago pa man niya masimulan ang sasabihin niya inunahan ko na siya "It meant..." I love you. "Expensive. Mahal." sagot ko sa kanya.


She open her mouth to say something but then closed it and then open but in the end she sighed. "Tell me about Paul."


"Paul was your mom's trusted assistant." sabi ko. "He was devoted to you and your family."


"Then why did he lie to me about my real identity?" she asked.


"I don't know." ayan lang ang nasagot ko sa kanya dahil ako din hindi ko alam kung bakit hindi niya binalik si Kath. He spoke that it was because he wanted her to have a normal life but I could only guess that what Kath had in London wasn't that normal and simple.


"Do you think he did it because of the money?" she asked. At kitang kita ko na ayaw niya na ganun ang rason ni Paul sa paglihim ng katotohanan sa kanya.


"I really don't know Kath. I wish I know more because I really want to know why he had to keep you away from me." I told her honestly.


Ininom niya muna yung tsaa niya bago siya tumingin sa akin "What do you think of my father?"


Sa totoo lang nung nagpakita na si Christopher Park sa kompanya, hindi ko magawang i-judge ang buong pagkatao niya, hindi ko alam kung dapat ba akong matakot sa kanya dahil sa hinding mababago-bagong expression ng mukha niya at ng kanyang aura na alam mong isa siyang makapangyahiran na tao.


Hindi ko alam kung saan siya ilulugar.


"The day I saw him he looked very stern."


Tumawa siya pero yung mahinhin na tawa lang. "That's daddy for you. Had you noticed that his expression doesn't change?" tanong niya, halata na natutwa siyang pinaguusapan ng ganito ang daddy niya. Na para bang naglalabas siya ng mga kwentong hindi niya pa nakukwento kahit kanino.


"Oh yes. How can one do that?"


She shrugged "Daddy seemed to have mastered having a poker face. In three years I've been with him, he never did give any sign of emotion another than that straight stern look of his." saad niya. "Was he scary for you?"


"No, intimidating yes but not scary."


"Yeah daddy have some ways for people to feel intimidated when he's around." sabi niya. "But daddy is a good person." she defended her father.


He's not, at least that's what the board thinks.


Natapos ang usapan na iyon at tahimik lang kaming dalawa habang umiinom pareho ng tsaa at ng scones. Masarap yung katahimikan na nararamdaman ko, hindi ito yung napaka-awkward pero yung katahimikan na kuntento ka na.


"Tell me did you confess first or did I?" nagulat ako sa tanong niya, kahit kailan hindi niya tinanong sa akin yung mga bagay tungkol sa aming dalawa lang.


"I did. Not in a very romantic way but the moment I saw you, I made you my girlfriend." naalala ko yung unang araw ng bagong buhay ni Kath sa school namin. Laking tuwa ko lang nung nakita ko siya.


"Really? And I said yes that easily?" gulat na din tanong sa akin.


"You had no choice." I smirked.


"You blackmailed me to be your girlfriend?" tanong niya na na nakataas ang kilay pero kita mo sa mga mata niya na natutuwa siya sa pinag-uusapan namin.


"You could say that." I shrugged. "One day on our way home after our date, you asked me why I wanted you to stay by my side and I told you I loved you."


"What did I say?" she asked eager to know what happened.


"I told you not to say anything. Then a month later Julia came and you became jealous of her."


"I did?" tanong niya sabay turo sa sarili niya.


"Yes you did and with that you finally admitted you loved me too."


She smiled. "We really were happy weren't we?"


"We were." I said. "But we faced so many trials before, you almost married Enrique because you thought I wasn't in love with you that I played you because of Bea." pagkukwento ko sa kanya.


"Bea?"


"You thought I was in love with Bea. And Bea was an old friend."


"But you weren't, were you?"


I chuckled "My, my. Are you jealous Kath?"


Nagblush siya "I'm not!" she said defensively. "Sometimes I wish I could remember that past." sabi niya at tumingin siya sa akin, hindi ko mabasa ang sinasabi ng mukha niya.


I wish that you could too.


Sasagot na sana ako nang biglang dumating ang sekretarya ko na hingal na hingal "Sir may emergency."


Hindi ko alam kung paano niya nalaman na nandito ako kay Kath o was it a common knowledge that I was always spending my time with Kath?


"Ano yun?" tanong ko.


"Christopher Park wants you out of the Rutherford Group and be replaced by Sam Gonzales." sagot niya. I heard Kath gasped.


Napatayo ako agad sa kinauupuan ko. Nilingon ko si Kath "Kath I'm sorry but I have to leave." sabi ko sa kanya.


"What's happening? What is my father doing in your company?" she asked.


"It's your company." sagot ko sa kanya. "I have to go. I'll talk to you tomorrow." sabi ko sa kanya at naglakad na paalis.


"I'm coming with you."


Author's Note:
3 chapters more on next Sunday. And yet the ending is still unclear for me and you.
To get a glimpse of the ending, you should look at the banners and covers of this story. 

1 comment:

  1. Naks. "I'm coming with you" daw oh. Bakit Kath? May itutulong ka ba?

    ReplyDelete