Sunday, May 26, 2013

Just a Spoonful of Love Part Two - Chapter 28

Chapter 28


Daniel's Point of View


Hindi ko na napigilan si Kath na huwag ng sumama sa akin dahil mapilit talaga siya at ang isang Kath na mapilit ay laging nasusunod. Ayun ang isang hindi nagbago kay Kath, kung anong gusto niya masusunod parin siya.


She was still the stubborn girl I met and fell in love with.


Kaya eto kasama ko siya ngayon paakyat ng top floor ng kompanya dahil nandun daw ang lahat ng board of directors at si Christopher Park. Hindi ko parin alam kung anong agenda niya, kung nandito ba siya para agawin ang kompanyang tinaguyod ng pamilya ng mga Rutherford o kung ano man.


Saktong paglabas namin ni Kath sa elevator ay ang paglabas din nila Julia at Sam sa kaharap na elevator namin. Napalingon si Sam sa amin at ganun din si Julia na gulat na gulat.


Hindi ko alam kung bakit parang nagulat si Julia na makita ako kung ako naman ang presidente ng kompanyang ito sa ngayon. Diba dapat ako ang magtaka kung bakit nandito siya sa kompanya?


"Sam what's happening?" Kath broke the silence and walked towards Sam. "And Julia what are you doing here?" tanong niya kay Julia.


Lumapit na din ako sa kanila. "May kailangan ka ba Julia?" tanong ko dito.


"We were together." sagot ni Sam. "Nagkasalubong kami sa hotel at dahil wala siyang sasakyang dala hinadtid ko na siya sa bahay para makita si Kathryn but we decided to eat lunch before we head home." paliwanag ni Sam.


"Sam tell me what's happening." Kath demanded and ignored the explanation of Sam on why they were together maybe because she truly didn't care. Wala naman kasing malisya talaga iyon.


"I don't know Kathryn."


"Lisa!" tawag ko sa sekretarya ko na kakadating lang sa may lobby. "Escort my wife and Miss Julia to my office." utos ko dito."Kath stay at my office first and then I'll go and try to explain everything later." sabi ko kay Kath.


Bigla naman sumimangot si Kath "I came here with you to listen not to wait." nakapamewang niyang sabi sa akin.


Ngumiti ako sa kanya "Please Kath?"


"No."


"Kathryn wait in his office. Then we'll go home." Sam interrupted us.


Tumingin sa kanya si Kath at bigla siyang nag-sigh "Alright." sabi niya sabay naglakad palapit kay Lisa. Sabay silang naglakad palayo ni Julia sa amin ni Sam.


I guesss kay Sam sumusunod siya at sa akin ay hindi.


Sabay na din kami ni Sam pumunta sa conference room kung nasaan nagkakagulo ang mga board of directors pati si Christopher Park. Tumingin silang lahat sa pagdating namin ni Sam.


Ngumisis si Christopher Park aka my father-in-law. "Oh andito na pala si Sam." nakangisi parin nyang sabi. "We can proceed."


"NO! Hindi kami papayag! Daniel will still lead this group not your lackey!" Mr. Santiago seethed.


"I'm Kathryn's guardian and eto ang gugustuhin ni Kath na ang mamuno sa kompanya niya ay ang isang taong pinagkakatiwalaan niya." aniya ni Christopher Park.


"Si Daniel ang guardian ni Kathryn dahil asawa siya nito!" sabi ni Mr. Santos. "And it's his within his rights to lead the company."


"Hindi nga siya maalala ng anak ko eh." nakangising saad niya. "In fact hindi nga niya kayo kilala."


Walang nakapagsalita sa amin sa sinabi niya. He was right hindi kami kilala ni Kath, para kay Kath parte lang kami ng nakaraan na nakalimutan niya, hindi ko nga alam kung makakasama pa ba ako sa future niya.


"Bakit mo kinuha si Kath at tinago?" bigla kong natanong sa kanya.


Tumingin ang lahat sa akin pabalik sa kanya. Nawala ang ngisi niya at tinignan ako ng seryoso. "Dahil anak ko siya." sagot lang niya sa akin. "Pinagkait na siya sa akin dati at gusto ko lang makasama ang anak ko."


"Kung ayun lang bakit pinipilit mo parin makuha ang kompanyang ito?" Mr. Santos asked.


Nilingon ni Christopher Park si Mr. Santos "Because this should have been mine!" he almost yelled at us. "Kung hindi dahil sa pagsusuhol niyo kay Eclair we should have been married and Rutherford-Park would be born but you took that away."


Iniisip ko ngayon ano kaya talaga ang nangyari dati para magkahiwalay ang magulang ni Kath. Anong katotohanan?


"You were an insolent fool, you were no match for a Rutherford." Mr. Santiago told him.


Dahil ayaw ko ng marinig pa ang mga ito dahil naguguluhan lang ako, hindi ko kasi alam kung ano ba ang pakay ni Christopher Park sa mga buhay namin


"Paano mo napapayag si Paul na ilihim ang katotohanan?" tanong ko sa kanya kasi para sa akin ito ang pinaka-importanteng tanong sa lahat. Paano niya napapayag si Paul who vowed to bring Kath home no matter what. Na sobrang loyal sa pamilya ng mga Rutherford.


"Paul is Eclair's loyal lapdog and he would do anything for his mistress." Christopher Park said.


"Kathryn is the new mistress of the Rutherford Family so what are you suggesting that he did it because Kathryn wanted to?" asked Mr. Santiago.


He was right Eclair Rutherford died already that made Kath the new head of the family.


"Diyan kayo nagkakamali. Kathryn isn't the head of the clan." sabi niya. "Not yet that is." dagdag pa niya.


Sandali akong napag-isip ano ang ibig niyang sabihin?


"My mom is still alive, isn't she." lahat kami ay napatingin sa kakapasok lang na si Kath pero nakatingin lang siya kay Christopher Park at Sam. "That was why Paul agreed with you because you were blackmailing him." she stated. "Where is she?"


"Kathryn." Sam called her.


"Dad where is my mom?" hindi pinakinggan ni Kath si Sam at nanatiling nakatitig lang sa ama niya. "WHERE IS SHE?" she yelled and tears started falling from her eyes. Gusto kong lumapit sa kanya at yakapin siya. Gusto kong ako ang magpatahan sa kanya.


"In an island." sagot ng ama niya.


Tumango tango si Kath. "And Sam did you know?" tanong niya kay Sam. Nagkatitigan silang dalawa na para bang nag-uusap silang dalawa and I was jealous dahil may ganun silang connection. She put her hand to her mouth to cover it. "You knew."


"Kathryn let me explain." Sam pleaded.


She shook her head. "No. You lied to me." sabi niya kay Sam. May kinuha siya sa bag niya at nilabas niya yung phone niya na para bang may tatawagan siya. "Paul I want to see my mom." sabi niya sa kausap niya sa phone niya. "I know so bring me to her immediately." utos niya dito at binaba niya din ito agad. Tinignan niya ulit si Sam. "I'll be visiting my mom."


"I'll come with you." Sam offered.


"I think we need some time alone Sam." Kath said. "You lied about so many things." dagdag niya. Tumingin naman siya sa akin. "Daniel can you accompany me?" tanong niya sa akin.


Nagulat ako sa sinabi niya. Gusto niya akong sumama sa kanya? Ako? "Do you want me to?" I asked.


She nodded. "I still want to know my past and I trust that you won't lie about it so come with me.'


Ngumiti ako sa kanya dahil pinagkakatiwalaan niya ako. "Of course I'll go with you."


Ngumiti din siya sa akin tsaka niya tinignan ang ama niya at ang iba pang board of directors "Daniel won't leave his position in this company. Dad I trust that you won't make any fuss when I leave." sabi niya at tumingin ulit sa akin. "Come Daniel."


Sumunod na ako sa kanya. Kahit hindi ko man masyado naintindihan ang mga nangyari ngayon araw ayos lang dahil ako ang pinili ni Kath. Hindi ito maliit na bagay dahil alam kong may tiwala na siya sa akin.


Hindi ko man alam kung ako ba sa huli ang pipiliin niya ayos lang, tatandaan ko nalang palagi ang mga araw na magkasama kami.


Kahit anong mangyari mamahalin ko parin siya. Kahit sino pa ang piliin niya.


"Thank you Daniel." sabi sa akin ni Kath nang nasa elevator na kaming dalawa.


Kinuha ko ang kamay niya at nginitian siya. "No Kath, thank you for choosing me."


Ngumiti ulit siya sa akin. "I trust you because I know in my heart you will never lie to me." nagulat nalang ako nang bigla niya akong yakapin. "Paul said my mom is sick." ramdam kong umiiyak siya kaya hinayaan ko nalang siya.


"It will be alright." 

No comments:

Post a Comment