Sunday, May 26, 2013

Just a Spoonful of Love Part Two - Chapter 29

 
Chapter 29


Julia's Point of View


It had been 8 weeks since Kath and Daniel went on some island the Rutherford owned to visit Kath's dying mother. Nakausap ko si Daniel at sinabi niya na may cancer ang mom ni Kath kaya nito pineke ang kamatayan niya dahil dun din naman daw siya darating.


It was an epic reunion sabi ni Daniel at mukhang masaya si Daniel na kasama ni si Kath kahit sa ganoong situation sila magkasama. Lumalapit na ang loob lalo ni Kath kay Daniel at masaya ako para sa kanila pero nalulungkot din dahil alam namin dalawa ni Daniel na kahit anong paglapit ng loob ni Kath sa kanya, babalik parin ito kay Sam.


Mahal niya si Sam.


Nasasaktan ako para kay Daniel dahil ramdam ko na sinusulit na niya ang mga panahon na kasama niya si Kath dahil sa oras na bumalik na sila, babalik na din si Kath kay Sam.


Naglakad ako papunta sa loob ng bar ng hotel, kakatapos lang kanina ng bridal shower ko. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan ko pang magkaroon nun kung hindi naman isang love match ang kasal ko kay Enrique.


Tatlong taon ang naging engagement namin pero wala parin akong nararamdaman kay Enrique at ganun din siya sa akin. Our marriage is just conventional for both of the families. Mutual respect lang ang meron kami. We never were a love match like Kath and Daniel.


Pero wala na akong magagawa kundi sundin ang pamilya ko, wala din naman magagawa ang pagrerebelde ko dahil gusto ko rin naman ng stability sa buhay ko, gusto ko ng sariling pamilya. And I would never have that if I don't marry now.


Malas ako pagdating sa pagmamahal.


Pansin kong wala masyadong tao sa loob ng bar ng hotel, bilang lang sa lima ang tao. Napalingon naman ako sa isang table dun sa may dulo at malapit sa bintana. Isang lalaking umiinom. Normal pero hindi lang siya basta basta isang lalaki, si Sam siya.


Nakita ko rin na may nag serve pa sa kanya ulit ng isang pang bote ng whiskey siguro. He dismissed the waiter using his hand and he continued to stare at the window while he was drinking his glass of alcohol.


Ang plano ko ngayong gabi ay kumuha ng isang bote ng Dom at iakyat sa suite ko, dito na kasi ako nakatira sa hotel na ito, my stay was supposed to last only for 2 weeks pero yung 2 weeks nadagdagan ng 2 weeks ulit at ayun kilala na ako ng mga staff sa hotel at hindi na din ako umalis.


I stayed here because of my overbearing parents.


Nagdalawang isip ako kung lalapitan ko ba siya o hindi pero wala akong nagawa dahil parang may sariling utak ang katawan ko at naglakad ako palapit sa kanya. Nasa tapat na niya ako at nakita ko yung isang bote ng whiskey niya ay ubos na at may bago na.


Why was he drinking anyway?


"If you have something to tell me, say it already and don't stare." nagulat ako nung nagsalita siya. Paano niya nalaman na nandito ako at nakatitig lang sa kanya. "I can still see you." sabi niya sabay turo sa bintana gamit yung kamay niyang hawak hawak yung baso niya.


"Why are you drinking?" tanong ko sa kanya.


"Isn't it obvious?" tanong niya sa akin, nilingon niya ako nakita ko yung itsura niya. He looked awful. His face unshaven for days or maybe weeks. "You can sit and join me." sabi niya at tinuro yung upuan sa tapat niya.


Ginawa ko naman iyon at umupo ako. I frowned at him nung nakita kong naglagay ulit siya ng whiskey sa baso niya. He raised his hand to call the waiter at agad naman dumating yung waiter. "Sir?"


"Anong gusto mo?" tanong sa akin ni Sam.


"Can you bring a bottle of Dom to my suite?" I asked the waiter.


Tumango siya. "With strawberries ma'am?"


Ngumiti ako sa kanya. See alam na alam na ng buong hotel ang preference ko. "Yes. At pwede bang pakitanong sa kitchen kung meron pa sila nung deserts na hinanda kanina. I would like some samples of it in my suite."


"Okay ma'am." sabi niya at umalis na.


"I called him to give you your drink now." Sam said.


"Well I'm not staying that long." sabi ko sa kanya. "So bakit ka nandito at umiinom?"


"Kathryn left me." sagot lang niya.


"She didn't."


"Anong event meron kanina dito?" pag-iiba niya ng topic. Diyan magaling si Sam, hindi man kami magkaibigan, I'm well acquainted with him. Nakilala ko din siya at during our lunches before dun ko nalaman yung mga yun.


Alam kong ayaw niyang pag-usapan iyon kaya sinagot ko nalang siya. "Bridal shower."


"May kakasal kang kaibigan?" tanong niya.


"My bridal shower." sagot ko sa kanya. Mukha siyang nagulat dahil napatigil siya sa pag-iinom at tinignan niya ako. Hindi ko mabasa yung expression niya pero mukha siyang seryoso.


"I didn't know you're engaged."


I smiled. "I am. Hindi ko pa nabibigyan ng invitation si Kath kaya siguro hindi niya nasabi." sabi ko nalang.


"I don't see a ring."


Tinaas ko yung kamay ko at tinignan ito, wala ngang engagement ring. "Kath has the Vanderbilt ring." sagot ko. Though may engagement ring naman na binigay sa akin si Enrique, ayun yung promise namin sa isa't isa na we will have respect and friendship sa marriage namin. Pero hindi ko ito sinusuot.


Why wear something that reminds you that you're entering a loveless marriage? That you'll always be the second choice?


"You're marrying his cousin?" he asked.


"Yes the cousin. We're going to tie the know in two weeks." I stated. Hindi ko alam kung bakit ko ba to sinasabi sa kanya.


"Ganun kabilis?" tanong niya. Tas tinignan niya yung buong katawan ko pero nagtagal sa may tiyan ko. "Buntis ka ba?"


"God no!" I said sabay tinakpan gamit ng dalawa kong kamay yung tiyan ko. "At hindi ganun kabilis, it has been a long engagement. Three years in fact." I pointed out.


"Why just now?"


"Gusto namin idelay ni Enrique."


"Bakit naman?"


"We wanted to have freedom." sagot ko lang. "Pero our parents got tired waiting so sila na nagdesisyon na itigil na yung paghihintay at ikasal na kami."


"You're not marrying for love?" he asked na parang gulat siya.


"In my world love isn't one of the reasons why I ought to marry." ngumiti ako sa kanya ng pilit. "Love is a necessity that I don't have." dagdag ko.


Nagpunta ulit yung waiter kaya hindi na nakapagsalita pa si Sam. "Ma'am nasa suite niyo na po yung mga pinahanda niyo."


"With the deserts?"


He grinned. "Yes ma'am. At po pala inayos na po nagdala yung mga regalo at dinala sa spare room daw po."


"Thank you and please do tell the hotel manager that I would be speaking with him regarding the rehearsal dinner." sabi ko and umalis na din siya agad.


"Talagang magpapakasal ka kahit hindi mo mahal ang papakasalan mo?" Sam asked me seriously.


Ngumiti ako ng malungkot sa kanya. "I told you love isn't a necessity in my life." sabi ko sa kanya. "I should go." tumayo ako at tinignan siya "Don't drive Sam. Call a driver to drive you home." sabi ko. "And Kath will be home soon, she's my maid of honor so she'll be back." naglakad na ako palayo sa kanya.


Nagulat nalang ako nang may biglang humawak sa braso ko, agad akong napatingin sa kanya. "Do you know I've been avoiding you?" Sam asked me as he tightened his grip in my arm.


"Let go Sam." I said.


"Did you know that? I've been avoiding you and then here you are!"


"What's your point?" tanong ko sa kanya. Hindi ko maintidihan kung bakit niya sinasabi sa akin iyon.


"What I'm trying to say is that stop trying to seduce me!"


I was taken aback with what he just said. Seduce him? "I'm not seducing you! Ikakasal na ako!" I yelled at him. "You're clearly too drunk."


"Then why are you always on my mind?" tanong niya sa akin na lalong nagpagulat sa akin. "Bakit ka laging nasa isip ko? Bakit mo dinadagdagan ang problema ko? Mahal ko si Kath pero bakit nasa isip kita?" medyo nawala yung pagkahigpit nung pagkahawak niya sa akin.


Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Ano bang dapat sabihin sa kanya? Sa ganitong situation? Aminin na mahal ko siya para ano pa? "You're just drunk." sabi ko at nagmadaling umalis.


It was all too much.



My rehearsal dinner came and Kath said they will be going home for my wedding. Hindi ko lang alam kung kailan. At simula nung nangyari sa bar ng hotel hindi na ako pumunta dun at sa front desk ko nalang sinabi yung mga gusto kong inumin.


Mukha ngang pati ang pag-inom ko alam na ng buong staff. Dahil isang gabi nalang nandun na yung isang bote ng Dom kahit hindi ko pa sinasabi sa front desk.


Pitiful life. I know.


Nasa may terrace ako ng event hall ng hotel dahil nakita ko si Khalil na nagpunta dito. Matagal ko na din hindi nakakausap si Khalil at may gusto lang akong kumpirmahin.


Naramdaman niyang nasa likod niya ako kaya lumingon siya at ngumiti. "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.


"You loved her didn't you?" diretso kong tanong sa kanya. Dati ko pa ito gustong tanungin sa kanya kaso lagi nalang wala sa timing kaya ngayon kahit wala sa timing gusto kong itanong. "And you knew her mother before you even met her as Kathryn Park. You've always known who she was." I stated.


Sa mga panahon na nakita ko si Khalil lalo na nung nagpunta siya sa bahay nila Kath at Daniel at nagsorry siya dun sa picture frame, nagtaka na ako nun pero akala ko dahil lang kakamatay lang ni Kath pero naulit iyon. Nakikita ko siyang malungkot habang tinitignan yung picture ni Kath kasama yung mom ni Kath.


"You knew the plan of her mom to fake their deaths or maybe only Kath's death pero alam mo. Pero hindi ko lang maisip Khalil kung alam mo at mahal mo siya bakit hindi ka lumaban? Ikaw ang may alam ng katotohanan bakit hindi mo ito ginamit?"


He shrugged. "Dahil mahal niya si Daniel." sagot lang niya. "Ipagkakait ko pa ba sa kanya iyon kung ayun ang tanging dahilan kung bakit ko sinuggest na gawin nila iyon? Gusto ko rin magkaroon ng simpleng buhay si Kath gusto kong maramdaman niya yung tunay na pagmamahal. At kay Daniel niya iyon makukuha hindi sa akin Julia." dagdag niya.


Tumingin siya sa malayo "What I feel for Kath is true, I love her but I will never be the one to make her happy. When you love someone you set them free." sagot lang niya at nagsimula na siyang maglakad palayo. "My only mistake was I couldn't protect the love they shared." and he walked away.



Ngayon ang balik ni Kath at sinabi niyang dun na ako maghintay sa kanya sa bahay nila ni Sam, ayaw ko sana dahil ayaw kong makita si Sam pero sabi ni Kath wala daw si Sam dun ngayon, nasa Tagaytay daw ito.


Dumating si Kath at agad naman umalis si Daniel, nagpunta kami ni Kath sa patio nila at dun hinintay yung tea at cookies. Hindi ko mabasa yung nasa isip ni Kath pero mukha naman siyang masaya.


Tahimik lang kaming uminom ng tea, hindi ko alam kung anong sasabihin. Ano nga bang dapat sabihin ngayon? Hindi ko alam kung pwede ko bang tanungin yung nangyari sa island or what.


"Sam lied." pasimula niya. Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ako nagsalita. "He said we danced during the midnight ball but until now the only recollection I had that night was dancing with Daniel alone. I thought he wouldn't lie anymore but he lied."


"He didn't lie." sabi ko. Hindi ko alam pero nasa instinct ko na talagang protektahan si Sam. "He thought he was dancing with you."


"What do you mean by that?"


I smiled bitterly, might as well tell her the truth. "We decided to exchanged our masks and shawls. I was the one dancing with him. So he didn't lie to you because he thought you were me." tumayo na ako at tumingin sa kanya na nakangiti. "See you on my wedding okay." sabi ko at umalis na din ako.


Hindi ko nga alam kung bakit ko sinabi iyon kay Kath. Pero ganun din naman iyon eh, walang magbabago kung sasahin ko o hindi.


Ganun parin ang resulta.


Ikakasal parin ako at mahal parin ni Sam si Kath. 

No comments:

Post a Comment