Sunday, June 2, 2013

My Sweet Revenge Chapter 8


My Sweet Revenge Chapter 8


Nanatiling nakatingin si Art kayla Anna at Ren na nasa may labas na ng pinto ng mansyon, aalis si Ren ngayon papuntang New York dahil sa isang emergency sa kompanya nito, narinig pa ni Art ang pagtatalo ng dalawa kahapon dahil aalis si Ren at iiwan mag-isa si Anna dito.


Yumakap si Anna kay Ren at nakita niya na parang naiiyak ito at natatakot na maiwan ni Ren dito sa Pilipinas pero ayun sa napakinggan niya kagabi ay kailangan manatili dito ni Anna para sa tulungan ang Glow sa party nito ngayong Linggo.


Nangako naman si Ren na babalik din siya sa Linggo para sa party na iyon. Alam niya na mahal na mahal ni Ren si Anna dahil halos lahat ay gawin nito para sa dalaga, katulad nalang ng pagbili ng lupain nila. Alam ni Art na si Anna ang may pakana ng lahat, alam niyang gustong maghiganti ng dalaga sa ginawa sa kanya ng pamilya nito.


Nakatingin parin siya sa dalawa at nakita niyang hinalikan na ni Ren si Anna, kahapon nung dumating na ulit ang dalawa pabalik sa mansyon na ito, nakita ni Art kung gaano nila kamahal ang isa't isa, lalo na si Ren, wala itong nagawa kundi sundin ang gusto ni Anna para lang maging masaya ito.


Hindi alam ni Art pero sa nakita niya kahapon ay sobra siyang nasaktan, mahal niya si Anna alam ng puso niya iyon, alam din niya na hindi na babalik sa kanya pa si Anna pero masakit parin para sa kanya ang marinig may ibang sabihan si Anna ng I love you.


Nagseselos siya. Ou. Isa siyang malaking tanga ng iniwan niya at sinaktan si Anna. Ilang taon ba niyang pinagsisihan ang iyon? Pero sa unang kita niya kay Anna, hindi niya magawang tanungin ang sarili niya, did their break up resulted her to be on top?


Akala niya aayos ang buhay niya kaso hindi iyon ang nangyari, na karma ata sila ng pamilya niya sa ginawa nila kay Anna at ngayon eto na si Anna, successful at confident na ito sa sarili niya. Lalo pa itong gumanda, dati ang ganda ni Anna ay yung may pagka-inosente pero ngayon sopistikada na talaga ang itsura niya, hindi mo aakalain na nanggaling ito sa hirap.


Ngangamoy pera na ito ngayon.


Kahit paglalakad niya ngayon may elegance na.


"Jealous aren't you?" sabi ng ate niya sa kanya na nakatingin din sa dalawa. Nakangisi ito habang nakatingin sa dalawa. "Sino nga ba ang magaakala na ang isang Anna ay magiging ganyan?" bitter na saad nito.


"Envious aren't you?" Art smirked.


"Bakit naman ako maiingit sa kanya? She just got lucky landing Ren Thorpe." siguro nga tama si Lilac nadaanan lang ng swerte si Anna.


Swerte.


Simula nung umalis ito sa bayan parang dun umayos ang buhay niya. Siguro nga si Art lang ang humatak sa kanya pababa dati.


"Mahal mo pa ba siya?" Lilac asked. "Oh wait minahal mo ba?" alam ni Art na kahit pa may pagka-maldita ang ate niya ay nag-aalala parin siya dati para kay Anna. Hindi man niya ito pinakita pero alam ni Art na she cared for Anna.


"Iiwan ko ba siya kung mahal ko siya?" Art countered. He won't ever give Lilac the satisfaction of knowing that he truly did love Anna, alam ng lahat ay kaya niya iniwan si Anna ay dahil hindi niya ito mahal.


 "You really love Ashley?" tanong ni Lilac na parang nagulat pa sa tanong niya, sakto din na dumaan si Anna sa kanilang dalawa pero hindi ito huminto.


Gustong gusto ni Art na sana huminto ito pero hindi niya ginawa, wala na talagang pakielam si Anna.


"No." sagot niya. "Mahal ko si Anna at babawiin ko siya." determinadong sagot niya sa ate niya. Sa kanya si Anna wala ng iba pa ang nag mamay-ari kay Anna kundi siya.


Siya lang.


"Art, why do you chase things that you can't have?" Lilac asked concerned with her brother.


Ang sagot lang diyan ay dahil si Anna iyon. Sa kanya si Anna dati palang. At ngayong isang linggong wala si Ren sisiguraduhin niya na makakasama niya si Anna, hihingi siya ng tawad at babawiin niya ito.


"She's mine, she will always be mine."



* * *


"Do you really have to go?" Anna asked Ren. 


Hawak hawak ni Ren ang kamay nito, ngumiti ito sa kanya "I'll be back before you know it." 


"Alright but take care okay?" paalala niya kay Ren. Ayaw niya talagang umalis si Ren at iwan siya sa Pilipinas mag-isa ayos lang sana kung pupunta lang siya ng Maynila pero hindi eh, pupunta itong New York at hindi makakasama si Anna dahil nangako na siya sa Glow.


Hindi naman niya pwedeng bawiin yung pangako niya dahil malaki ang utang na loob niya sa Glow. Kung walang Glow na nakadiskubre sa kanya edi hindi siya nakapunta sa New York para makapag-aral.


"You too okay? Don't stress yourself with the party and collaboration." Ren reminded her. Madami din siyang dapat tapusin. Hindi lang ang party ang kailangan niyang atupagin kundi pati na rin ang collaboration niya at ang nalalapit na fashion show. "I don't want to go back here with you being sick okay?"


Tumango si Anna at nginitian si Ren. "Don't worry about me."


Ren then walked forward to kiss her, it was a sweet kiss promising her that he would be back in no time. As she opened her eyes, she saw Ren staring at her with love "I love you."


"I love you too my Ren."


Umalis na din si Ren pagkatapos nun at naglakad na si Anna papasok ng mansyon, nakita niya ang dalawang magkapatid na nag-uusap. Hindi nalang niya ito pinansin at naglakad nalang siya.


"You really love Ashley?" tanong ni Lilac sa kapatid nito.


Napahinto siya pero agad din siyang naglakad papalayo. Hindi niya alam pero ayaw niyang marinig ang sagot ni Art. Diba dapat wala na siyang pakielam kung mahal nito si Ashely o hindi. Pero eto siya ayaw parin marinig ang sagot na kahit siya ay alam na ang kasagutan.


Iiwan ba siya ni Art kung hindi niya mahal si Ashley?


Isa lang siyang laro para kay Art at si Ashley ang tunay na mahal nito.


Pumunta na siya sa garden kung nasaan ang mga gamit niya, ngayon siya magii-sketch, kailangan niya ng mga bagong designs hindi lang para sa collaboration niya kasama ang dating mentor niya, kailangan din niyang mag-isip ng mga bagong designs para sa Fall Collection.


Pilit niyang inalis sa isip ni si Art at ang sagot niya. Kailangan niyang mag-concentrate sa ginagawa niya.


Pero hindi niya iyon nagawa at hindi niya namalayan na ini-sketch na niya pala ang mukha ni Art. Pinagpatuloy lang niya ito kahit hindi niya maintindihan kung bakit.


"Wow ang galing mo parin magdrawing." nagulat siya sa nagsalita.


Napatingin siya at nakita ang isang Art na nakangisi sa kanya. Hindi niya ito pinansin dahil sa isip isip niya isa lang itong aparisyon. May mali sa utak niya at siguro kailangan na niya itong patignan.


"Bakit laging parang nakatingin ako sa malayo sa mga sketch mo?" tanong ng aparisyon.


Dahil pinapakita nito na kahit nasa tabi mo na ako, sa malayo ka parin nakatingin. Hindi ka sa akin nakatingin kundi sa kanya.


"At lagi akong nakangiti!" aniya.


Dahil masaya kang nakatingin sa kanya obviously. 


"Pero sa lahat ng sketch mo yung pinakamalungkot ay yung isang babae na nasa may tabing dagat." sabi nito sa kanya. Ang galing naman ng aparisyon na ito, alam na alam kung anong mga drawing niya, sabagay gawa gawa lang ng utak niya ang lalaking ito. "Isang tingin mo lang sa drawing alam mo ng nasasaktan ang babae."


Ang tinutukoy nito ay yung isang sketch ni Anna na ginawa niya noong kinabukasan ng pag-iwan sa kanya ni Ren sa altar. Nasa tabing dagat siya noon at dala dala ang sketchbook na binigay pa sa kanya ni Ren, nandun lahat ng mga drawing niya nung mga panahon na kasama niya si Ren.


Sa lungkot niya hindi niya namalayan na nagii-sketch na pala siya. Isang babae na nakatayo lang sa may dagat habang may alon na nasa paanan niya, yung mahaba nitong bestida at buhok ay hinahangin at ang araw naman ay palubog na. May mga bakas ng mga paa sa buhanginn papaalis ng tabing dagat. Ang dalawang kamay ng babae ay nakayakap sa sarili niyang katawan habang nakatingin ito sa dagat na sobrang vast.



"Why did you draw that?"


Napatigil siya sa ginagawa niya at tinignan ulit ang akala niyang aparisyon pero ngayon alam na niyang hindi ito aparisyon. Si Art ang nasa harap niya. At hindi niya alam kung bakit nandito ito at nagtatanong ng isang bagay na hindi naman niya dapat alam.


Iniwan niya ang sketchbook na iyon sa may tabing dagat para alonin nalang.


It was her depiction of my life that moment.


"Wala lang." sagot niya dito at sinara niya ang sketch book niya. "Anong kailangan mo?"


"Tinatanong ni dad kung gusto mo daw bang sumalo sa hapuan gayong wala ka naman kasabay dito."


Natawa siya ng mapakla. Inaaya ba siyang maghapuan ng mga Monteverde? Siya? "I'd rather eat alone than lose my appetite."


"Come one Lilac is cooking."


"And all the more reason to  reject." Bakit naman siya kakain kasama ang mga ito? Baka mamaya may lason na ilagay ang mga ito sa pagkain niya.


"Then I'll cook." Art suggested. "Kaldereta." ngumisi ito.


Alam ni Art na paborito niya ang kaldereta, dati hindi siya madalas makakain nito dahil mahal ang baka at hindi kaya ng budget nila ng ama niya ang baka. Minsan siyang makakain nito nang ipinagluto siya ni Art, nagustuhan niya ito. Masarap magluto si Art lalo na ng kaldereta.


"I'll pass."


"Come on Anna, ilang taon na bang nasa ibang bansa? Hindi mo ba namimiss ang mga lutong Pinoy?" pagpumilit sa kanya ni Art. "Ako magluluto tas tayong dalawa lang dito."


It sounded so good pero ayaw naman niyang makasama si Art mag-isa. Who knows what could happen. Baka mmaaya sumbatan lang niya si Art.


"I'll take that as a yes." sabi nito sa kanya at sabay hinila siya nito patayo,


"Anong sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong niya dito.


"Sasamahan mo akong mamili." sabi nito sa kanya at hinatak na siya paalis ng mansyon.


Mamili. Ibig bang sabihin nun ay pupunta sila sa palengke at mamimili? Makikilala kaya siya ng mga tao?


She can't wait to see their faces.


"Teka lang magpapalit lang ako." sympre hindi pupwede ang damit niya, naka shorts lang siya. Magsusuot siya ng magarang damit.


This better be worth it.


Author's Note:
Will be the start of No-Ren Thorpe chapters for a while. And also will be the start of Anna-Art Romance and Past.

No comments:

Post a Comment