Thursday, November 21, 2013

A Little Help from Destiny Chapter 37

Chapter 37 – Saying Goodbye to Allen

Before we head to Tagaytay, mom insisted that I come to see her. Hindi kasi siya umattend sa Christmas Ball dahil busy siya. Naintindihan naman yun ng school at sympre, hindi naman talaga nila kailangan si mom, ang kailangan lang naman talaga nila ay ang check for donation.

Hindi na kami nagpalit nila Ella ng damit dahil sayang sa oras at gusto na talaga namin na makarating sa Tagaytay, hiniling nga rin naman kayla Ms. Dory kung pwede kaming umalis ng maaga, at dahil malaki yung donation ni mom ngayon, napapayag na agahan yung awarding para sa akin.

It was easy how money could make everything better.

Pagkatapos namin mag paalam kay mom, inassure ni Ella kay mom na nandun yung parents ni Rhiannon at si mom naman pinaalala rin sa amin na wag masyadong mag-enjoy at mag-ingat kami.

Pinadalhan din niya kami ng mga pagkain, puno yung likod ng van ng mga grocery bag at hawak hawak naman namin nila Ella yung mga cake na binili pa niya. Minsan over masyado si mom sa pagbibili ng pagkain. Sure naman kasing maraming pagkain sa Tagaytay pero sympre mom is mom.

Nakaiglip kami at nung malapit na kami, ginising na kami ni Yaya para sa direksyon, kaya tinawagan na ni Ella sila Rhiannon para sa direksyon. Ayun naman mga ten minutes nakarating na kami sa bahay nila Rhiannon.

Nakabukas yung gate at rinig na rinig yung music pati mga sigawan ng mga classmates namin. Bumaba na kami at sinalubong kami ni Rhiannon kasama yung Yaya niya.

Tumulong naman yung iba pang kasambahay nila Rhiannon sa pagbaba ng mga grocery sa van. Sila Ella nauna na sa loob, ako naman hinintay muna na matapos sa paglalagay sa loob yung mga gamit at grocery.

Nung natapos na, lumabas na ulit sila Yaya at Manong. Nagpaalam ako kay Manong at hinarap si Yaya. “Nilagay na yung bag mo sa kwarto niyo daw nila Carmina. Yung gamot mo wag mong kakalimutan inumin ah.” Paalala niya sa akin.

Nginitian ko siya. “Okay Ya.”

Nagbuntong hininga siya. “Susunduin ka namin ng maaga. Tumawag ka nalang pag may kailangan ka pa.”

“Okay okay. Ingat kayo sa byahe Ya.”

“Sige na pasok ka na dun. Enjoy.”

 Pumasok na ako sa loob at pumunta sa may pool side kung nasaan silang lahat, halos kumpleto kami, yung mga hindi lang sumama ay yung mga recluse namin na classmates.

Napansin ako nila Riley at kumaway para pumunta sa pwesto nila. Nandun sila sa may kubo at yung mga boys nag-iinuman na. Hindi naman mawawala yan sa mga outing ng high school students eh.

“Hi guys!” bati ko sa kanila.

“Ganda natin ah Mary.” Tukso ni Tony sa akin.

Ngumiti ako sa kanya. “Kailan ba naging hindi?” sabi ko sa kanya.

“Prinsesa na prinsesa ang dating! May suot pa talagang tiara!” sabi naman ni Riley.

Napahawak naman ako sa may tuktok ng buhok ko at nakalimutan ko palang alisin kanina yung tiara na nilagay ni Yaya sa buhok ko. Binaba ko yung kamay ko at ngumiti lang ulit sa kanila. “Carm samahan mo ako sa kwarto.” Pag-aaya ko kay Carmina.

“Natatakot kang umakyat mag-isa ano?”

Lumapit ako sa kanya at hinila na siya. “Tara na.” aya ko.

Tumatawa siyang tumayo at ganun din si Ynna. Nagtawanan lang kami nung umaakyat na kami sa taas. Kinuha ni Ynna yung susi at binuksan yung pinto ng kwarto, pumasok kami at nakita kong nasa ibabaw ng kama yung mga bag ko.

“Tayong tatlo lang dito?”tanong ko. Naglakad ako papunta sa kama at umupo habang binubuksan yung bag ko.

“Ou. Tig-aapat dapat at apat sa lahat tayo lang natira dahil may sariling kwarto si Rhiannon.”

“Gusto nga nila Mandy at Gael dun ka sa kanila. Sympre hindi naman kami papayag na agawin ka sa amin!” sabi ni Ynna nang tumalon to pahiga sa kabilang kama.

Natawa lang ako, kung tutuusin nga naagaw naman talaga nila ako kayla Gael at Mandy. Dahil dati kong classmates sila Mandy at Gael kami yung magkakasama-sama kaso sympre ka-group ko si Carmina at si Ynna sa katabing group kaya madaling makipag-kwentuhan.

Ewan ko kung paano kami naging close tatlo basta isang araw, sila na ang kasama ko imbes na sila Gael. Siguro mas preferred ko sila dahil gets nila ako at puno lang kami ng kabaliwan.

“Baliw. Lilipat din naman ako kung ganun.” Sabi ko naman at napatingin ako sa may desk at nakitang nandun yung mga regalo nila. Yung mga akin naman nasa bahay na at naka display na sa ilalim ng Christmas tree. “Hindi niyo ba bubuksan yan?” tanong ko.

Parehas silang tumingin sa mga regalo. “Meron ka pala diyan!” sabi ni Carmina. “Pinabibigay nila Chelsea. Hindi mo raw sila pinansin nung pumunta ka sa classroom nila.”

I scoffed. Dahil dun sa sigawan namin ni Chelsea nung kakabalik ko lang sa school galing hospital ay nag-away kami. Hindi ko siya pinapansin. I know, parang bata lang pero naiinis kasi ako.

Diba dahil nga best friend niya ako, dapat kampi siya sa akin? Diba dapat mas naiiintindihan niya kung bakit hindi ko kayang mag let go pagdating kay Louie? Siguro nga mali na umasa ako na maiiintindihan niya ako. We were really different from each other anyway.

“Sus magbabati rin kayo niyan.” Sabi naman ni Ynna.

“Hindi ko naman siya kailangan. Nandito na naman kayo eh.”

“ANG CHEESY MO!” natatawang sigaw ni Carmina.

“Shit ang corny Mary!”

“Kinilig naman kayo!” sabi ko at tumawa na rin ako.

Hinubad ko na yung dress ko at nagsuot ng swimsuit, sympre nagsuot ulit ako ng dress, hindi naman ako magsi-swimming, gusto ko lang suotin yung dress na binili namin ni mom kasama yung swimsuit ko.

Bumaba na rin kami at nakisali na sa mga ginagawa nila sa baba.

On our first night, here in Tagaytay we had a blast. We stayed up until dawn.

e

Tanghali na kaming nagising nila Ynna ganun din naman yung iba at pagkatapos magsiliguan at kainan ay nag sightseeing kami sa Tagaytay. Parang field trip lang dahil ang daming may gustong pumunta sa Taal Lake kaya nagpunta kami dun.

Gabi na kami nakabalik sa bahay nila Rhiannon at si Riley yung nag-volunteer na magluluto ng dinner namin. Dahil wala naman may gustong magluto ay hinayaan na namin si Riley sa kusina kasama yung kasambahay nila Rhiannon.

Mga boys nagsimula ng mag-inuman at magsugal. Dapat nga sasali kami nila Ella kaso poker pala yung lalarunin nila at wala naman akong alam sa poker. Kaya kaming ibang girls ay nag-swimming nalang. Yung iba sympre kumuha ng mga picture lang.

Dahil nilamig ako sa swimming pool ay umahon na ako at nagpunas at sinuot yung dress ulit. Umupo ako sa tabi ni Ran at pinanood lang yung paglalaro nila.

Natapos magluto si Riley at tumulong nalang ako sa pag-aayos ng lamesa. Kumain kami at pagkatapos ay nagpahinga bago nag-aya si Rhiannon na maglaro kami ng treasure hunting.

Inayos na raw ng Yaya niya yung mga nakatagong treasure at mapa at hahanapin daw namin yung mga yun. Para na rin tong courage test dahil sobrang lawak nung lot nila Rhiannon at napakalaki rin ng bahay nila. Nakakatakot pa dahil may mga portrait ng mga ancestor ni Rhiannon na sobrang nakakatakot yung itsura. Tas yung mga mata pa, sumusunod talaga.

By partner yung laro kaya hinatak ko si Riley sa akin.

May mga nakita kami mga treasure, mga candy pala to at habang naglalakad kami ni Riley ay kumakain na rin kami, ang dami namin nakitang candy at sympre, kinain lang namin yun. Ayun pala paramihan ng makukuhang candy.

Nagsisihan kami ni Riley, keso ako daw ang unang kumain at sabi ko naman ay siya. Pero sa totoo lang ako talaga ang nag-ayang kainin na namin. Ang swerte nga nila Ran at Ynna dahil sila yung nakahanap nung pinaka-treasure, isang box ng Godiva.

Pagkatapos nung laro ay puro laro rin sa pool yung ginawa namin.

Nakapaikot kami ngayon sa living room, dapat kukunin ni Rhiannon yung Ouija board sa attic kaso masyadong mapamahihin si Riley at sabing wag daw, kaya hindi naman ginawa. Sayang nga eh.

So we played truth or dare.

The questions were too personal and the dare were too daring. Kaya kahit anong piliin mo walang safe choice. Sympre, ako dahil ayaw kong ma-dare dahil matatakutin ako pero dahil ayaw ko rin ng mga personal questions ay sinubukan kong mag excuse nung ako na.  Pero hindi ako nakawala dahil hindi daw ako magaling magsinungaling. The irony in that.

 I chose dare, mas ayos na sa akin yung dare kaysa naman tanungin nila ako ng mga sobrang personal na tanong. Nagkamali ako ng choice dahil si Elsie yung magda-dare, and she was too clever.

“I dare you to answer five of our questions!”

Dahil wala naman rules na bawal yung ganun ay ayun yung nangyari. And how I wished the ground would swallow me for those questions. Yung iba nakakahiya lang pero yung isa talaga, yung last na tanong dun gustong gusto ko ng lamunin talaga ako ng lupa.

“No offense ah, curious lang talaga kaming lahat. Diba guys?” Elsie said. “Have you slept with Kim?”

Siguro sobrang pula na yung mukha ko, pakiramdam ko nga lahat ng dugo ay umakyat na sa mukha ko. Hindi naman dahil sa guilty ako pero sympre anong klaseng tanong naman kasi yun.

Katapat ko nun si Allen at napansin ko na parang nagulat din siya sa tanong ni Elsie.

I shook my head. “Never.”

“Platonic talaga kayo? Never ba kayong nagkiss?” sunod sunod na tanong ni Elsie.

“Oy sobra na sa lima.”

“KJ naman nito, sagutin mo na. Hindi ka pa nahahalikan ni Kim?” si Ella ang nagtanong.

Sympre lalo akong namula. Hindi ko naman alam ang sasagot sa kanila. Alam kong ayos lang umamin anong masama dun diba at fourth year na naman ako, imposible na wala pa akog first kiss o ano.

Pero kasi nahihiya akong sagutin lalo’t na nakikinig si Allen.

“Isang beses.” sagot ko. I still remember that rainy afternoon when Kim kissed me for the first time ayun din yung last. Platonic naman talaga kami ni Kim at isa pa, nasa kabilang dako siya ng mundo.

“Ano yun peck lang or yung make out talaga? Yung may dila pa!” tanong ni Rhiannon.

“Ano ba yan girls mga tanong niyo!” si Ran sumingit.

I shot Ran a grateful smile.

Ang dami namin nilaro nun, nagpaalam lang ako at umakyat sa kwarto pala inumin yung gamot ko at tawagan si Cyril. Nung nasa kwarto na ako uminom na ako ng gamot pagkatapos ay lumabas ako sa may terrace at tinawagan si Cyril.

Nag-usap lang kami at sabi niyang sasama daw siya bukas sa pagsundo sa akin dito. Nung pagkatapos namin mag-usap napatingin ako sa may pool at napansin na may tao dun sa gilid.

Nakilala ko yung likod nito, nagdalawang isip ako kung bababain ko ba siya o babalik nalang ako sa living room kung nasaan yung iba. I sighed and decided to go to him and talk.

Bumaba ako gamit yung hagdan dito sa terrace na diretso papunta sa pool. Umupo ako sa tabi niya at binabad din yung paa ko sa pool.

Napatingin siya sa side ko kaya nginitian ko siya. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya.

He shrugged lopsidedly. “Nabored ako sa loob.” sabi niya.”Ikaw?”

“Nakita kita kaya bumaba ako.” sagot ko naman. I looked up and gaze at the sky, there were so many stars tonight and it felt good.

“Alam mo una hindi ko maintindihan yung relationship mo kay Kim. Naririnig ko lagi kayo ng mga kaibigan mo, sila Chelsea botong boto sa kanya. Dati ko pa iniisip kung anong meron ba talaga sa inyo.” Pagsisimula ni Allen. “Sabi mo best friend mo lang siya, aaminin ko natakot ako nun. Uso yung ma-in love sa best friend diba? Natakot ako kasi mas kilala ka niya kaysa sa akin.”

Hindi ako nagsalita, hinayaan ko siyang magpatuloy at hindi ko rin siya tinignan dahil natatakot ako sa pwedeng makita ko.

“Wala talaga akong alam sa buhay mo Mary. Alam kong walang wala ako kay Kim. Best friend eh. Pero lagi kong naririnig sa inyo na best friend lang talaga ang turing mo sa kanya. Kaya umasa ako kasi Mary, naramdaman ko rin na mahal mo ako.” ramdam kong nakatingin siya sa akin pero ayaw ko siyang tignan, ayaw kong makita yung sakit na alam kung nandun sa mga mata niya.

“Matagal ko ng alam na selfish ako, marami rin nagsabi na ganun daw talaga ako siguro dahil sa pagpapalaki sa akin. Pero lately na-realize ko na sobra pala talaga akong selfish na hindi ko namamalayan na nakakasakit na pala talaga ako.” sabi ko habang nilalaro yung kamay ko. “Alam ko dapat sabihin ko ng diretso na hindi pwede. Pero natakot kasi akong maging mag-isa, natakot akong makahanap ka ng ibang babaeng mas deserving. Kaya kahit alam ko sa sarili ko na kahit kalian hindi ko mare-reciprocate yung pagmamahal na binibigay mo – niyo ni Kim, kuha parin ako ng kuha. At hindi ko man inisip na nasasaktan ko na hindi lang ikaw kundi pati si Kim. Tama silang lahat paasa ako.” I smiled bitterly at him when I turned to look at him.

“Naiintidihan ko naman kung bakit Mary. Sympre una hindi, kasi para sa akin tama si Chelsea, patay na si Louie. Hindi ko kilala si Louie kaya nagtanong ako kayla Gael, kinuwento nila si Louie sa akin. Alam mo kung hindi nila sinabi sa akin yung tungkol sa kanya hindi ko malalaman na may nangyaring ganun sa buhay mo, na namatayan ka ng best friend. Kasi Mary, hindi mo pinapakita yung lungkot, lagi kang nakangiti at sa totong lang lalo ata kitang minahal dahil dun. Kasi kahit anong mangyari, nakangiti ka parin, hindi nawala yung ngiti mo. Pero nainis din ako, gusto kong sabihin sayo na umiyak ka, na hindi tama na nakangiti ka at niloob yung sakit.”

Tama si Allen, na lagi akong nakangiti at niloob yung sakit na nawala na sa akin si Louie para lang masabi sa lahat na ayos ako.

“Hindi ko masasabi sayo na naiintidihan kita kasi Mary, hindi pa nangyari sa akin yung mawala yung pinaka-importante sa buhay ko. Hindi ko pa nararansaan yung sakit na naranasaan mo Mary. Pero ang masasabi ko lang Mary, napaka-swerte ni Louie dahil siya yung mahal mo. Na haggang ngayon, pinapahalagahan mo parin yung memorya niya. Hindi ko sasabihin sayo na mag move on ka na kasi patay na siya kasi alam ko hindi mo kaya yun, kasi sa puso mo buhay na buhay pa siya. Na kahit anong pilit namin sayo na mag move on hindi mangyayari yun. Kaya kahit masakit, naiintindihan ko na siya lang yung lalaking mahal mo.” Allen said as he took my hand and intertwined it with his.

I squeezed it as I let a tear fall. “I'm sorry.” I croaked. “I never wanted to lead you on. I never wanted to hurt you Allen. What I felt for you was true, kaya sana paniwalaan mo yun kahit anong mangyari.”

Tumango siya at ngumiti sa akin. Pakiramdam ko hirap na hirap siyang ngumiti sa akin ngayon. Nahimik lang kaming dalawa at hinayaan ko yung katahimikan dahil pakiramdam ko eto yung kailangan namin ngayon. Kaya hindi ako nagsalita at hinayaan lang na nasa kanya ang kamay ko.

It always felt good whenever he was holding my hands and I wanted good right now.

Binasag niya yung katahimikan sa isang tanong na hindi ko rin naman alam kung kaya kong sagutin. “Mary, kung walang Louie, sino sa amin ni Kim?”

I never liked the idea of choosing, I hated it. And sometimes I don’t know the answer, I don’t know what to choose but with his question, I knew who.  My answer would change things and I don't know if I can answer him.

“Hindi ko kayo makikilala kung walang Louie.” I told him truthfully. It was the truth anyway. “Hindi niyo makilala yung Mary na to kung walang Louie dahil Allen, si Louie yung dahilan kung bakit may Mary. Alam mo nung bata ako wala akong kinakausap. Hindi ako nagsasalita, they all thought something was wrong with me, they heard me speak but I never did play or talk with anyone. Siguro kung hindi ko nakilala si Louie nun, ganun parin ako Allen.” kwento ko sa kanya. “I would never be here with you guys if it weren’t for him.”

I couldn’t really answer his question, I knew the answer but I couldn’t. It would be unfair not just to him but also to Kim. I don’t want to hurt anyone anymore so I think this one question would be best if left unanswered.

“Mas lalo kong naiintidihan yung impact ni Louie sayo. Sana nakilala ko siya.” He just said. I know he wanted to broach the subject. To know the truth because he knew also that I have an answer to his question but he let it slide. Because he was Allen, a good guy beneath all this exterior of a bad boy.

Sumandal ako sa braso ni Allen at hinayaan lang ulit yung katahimikan sa paligid namin. It was the kind of silence that I could bear. It was comfortable but I knew as he also did that it would be the last time.

Mahirap yung gagawin ko kasi sobra akong natatakot. Natatakot sa hinaharap kaso eto yung tamang gawin ko. Masyado na akong nakasakit at dapat lang na sabihin yugn totoo para wala ng masaktan pa.

Masakit kasi alam ko kung ano yung papakawalan ko, kung gaano kaswerte yung babaeng mamahalin niya kung sakali. Masakit pero tama dahil hindi ako yung babaeng yun. Mas deserve niyang makita yung babaeng mamahalin siya ng buo hindi tulad ko na maraming dalang bagahe.

It was not just Louie holding me back but also the sickness that I had. I was going to die whether others believe it or not. I knew I was because I could still feel death hanging around me.

Therefore, this was the right thing to do. If I die, it would devastate him, it would do him good to tell him that I couldn’t be with him because of Louie and not because of death hanging around me because like Kim, he would stay.

“Allen.” I started and I felt him stiffen, maybe because he knew what was I was going to tell him. “Let me go.”

No comments:

Post a Comment