Thursday, December 20, 2012

Just a Spoonful of Love Part Two -Chapter 13


Just a Spoonful of Love
Chapter 13

Daniel’s Point of View


I’m in love with her.


She’s the only one here in my heart, she’s my first love.


And I’d do anything to be with her, even if I have to beg my family for her.


I was being selfish because of her, all I ever wanted is to be with her, I didn’t think about the consequence of being with her. I risked the life her mom died for.


“Babe.” I felt a hand around my shoulder. I stood up and she looked at me. “What’s wrong babe?” she asked as if things are not right.


“Everything.” She looked at me again and now her eyes are full of pain. As if, I hurt her feelings, doesn’t she know I’m more hurt.


“Babe please.” Nagmamaka-awa na ang mga mata niya ngayon, she walked near me and tried to hold my hand. “Akala ko ba we’re working this out?” she asked me.


“Bea please, just leave me alone.” Naglakad na ako palabas ng classroom, it’s been two months since I last talked to her and it’s been hell.


“Hindi ka niya mahal Daniel.” Napatigil ako sa paglalakad “Masaya na siya kay Enrique.” Tumingin ako sa kanya.


Bea’s right, she’s happy with Enrique, she’s not in love with me. What if, just what if things were different? Would we have the happy ending we deserve? I love her and only her.


“If you didn’t interfere Bea, things would go different.” Alam kong masakit ang sinabi ko pero eto naman talaga ang nangyari, Bea’s interference.


“Sinabi mo hindi mo ako iiwan Daniel. You promised you’d be with me.” Bea said. Yes I made a promise I’d never leave her side because all she was sick and I’m the only one there for her, she is important to me but I never knew Kath would show up, the very first girl I ever love.


“I never promised a marriage Bea.” I walked away.


“Kakasal na siya Daniel, wake up.” She yelled but I didn’t stop from walking.


If only things are going my way maybe we’d be happy.


*Start of the Flashback*


Engagement Ball


Kinakabahan ako talaga. Ramdam kong may hindi magandang mangyayari, lalo’t na sinama ni Tita si Kath. Mas lalo akong kinabahan nang nakita kong naglalakad pabalik sa table namin si Julia.


Nang makarating na siya, umuwi agad siya “Akala ko ba kailangan ka na?” I asked and then I realized siya lang magisa walang Kath “Asan si Kath?”


Tinignan ako ni Julia “I don't know, tinawag ako nung babae telling me that magpapalit na ako then pinaiwan si Kath and then Tita told me na makakabalik na ako muna sa inyo.” She explained.


And that was it, tita knew Kath is alive and she’s going to let her be engage with Enrique kaya nagmadali akong tumakbo papunta sa taas pero nang malapit na ako sa kwarto kung nasaan si Kath, nakita ko ang mga guards nakabantay sa bawat pinto ng malaking kwarto kung nasaan si Kath.


Kaya umalis na ako, dahil alam ko na pagnakita nila ako, ilalayo nila ako kay Kath, hindi pwede. Lumabas nalang ako ng venue, kailangan kong matakas si Kath dun, pero paano? Paano ko siya makukuha? Paano?


Pero hindi ko siya pwedeng iwan.


“tomorrow at midnight let’s meet in the fountain at the park.” Suddenly I remembered what Kath said. Tama may paraan pa, magkikita kami bukas, lalayo na kami once and for all.


Pumasok ulit ako ng venue at nakita ko si Kath, pababa na siya kaso tumigil siya nang makita niya ako. I uttered the word promise but she can’t understand kaya inulit ako “Promise.” I said very slowly at with my hand I signaled 1 and 2 meaning yung promise namin bukas.


Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti din ako at ako ay nagmadali ng umalis ng venue hall upang hindi nila ako makulong. Pagkalabas labas ko nakita ko si Bea. Bakit siya nandito?


Ngumiti siya sa akin at bigla niya akong niyakap. “Daniel thank you for loving me.” Nagulat ako sa sinabi niya “Hindi kita bibiguin bilang asawa mo.” Humiwalay ako sa kanya at tinignan siya, asawa? Ngumiti lang siya sa akin.


“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko sa kanya.


“Yung promise mo matutupad na. Pumayag na silang magpakasal tayo pagkatapos ni Enrique.” Yayakap sana ulit siya kaso lumayo ako sa kanya. Tumingin siya sa akin na may pangamba. “Ba….bakit?” she asked.


“Hindi kita mahal, hindi kita papakasalan.” Sabi ko at nagmadaling tumakbo papaalis ng venue hall.


“No one can stop me Daniel.” She yelled pero I never looked back. Kung ako ay magpapakasal sa iisang babae lang ako magpapakasal. Kay Kath lang. Sa kanya lang.


*


Nagaayos ako ng mga gamit ko para mahanda ko na ito para sa pagtatanan namin ni Kath mamayang gabi, masaya ako dahil sa wakas magsasama na kami, kami lang. Excited na ako para mamaya.


Pero kamusta kaya si Kath? Sana ayos lang siya.


Palabas na ako ng kwarto ko nang pumasok si Tita sa loob ng kwarto ko, tinignan niya ang maletang dala dala ko “Going somewhere Daniel?” she asked.


“Lalayas na ako Tita. Hindi niyo naman ako kailangan diba?” matapang kong sabi sa kanya.


“Don't say that Daniel. Kailangan ka. You need to marry Bea.” Sabi niya “Hindi ka aalis ng mansion Daniel. I already placed guards.” Sabi niya at lumabas na ng kwarto ko.


Lumabas ako ng kwarto ko kaso hinarang ako ng mga limang guard. Ayaw niya akong paalisin dahil alam niyang itatakas ko si Kath. Pero paano na? tumakbo ako sa bintana kaso may nagbabantay din.


Umupo ako sa kama ko at napasabunot nalang. Narinig kong nagbukas ang pinto. “Get out.” Paguutos ko.


“Kaya kitang itakas.” Napatingin ako sa kanya, “Tara na habang hawak hawak ng mga bodyguards ko yung guard sa labas.” Sabi niya kaya tumayo ako at tinignan ang pinto, yung mga guard nakatumba silang lahat.


Alam kong hindi dapat ako magtiwala kay Bea pero siya lang ang pagasa ko, siya lang ang pwedeng ilabas ako sa mansion. Kaya sumama na ako sa kanya. “Ipunta mo ako sa park.” Paguutos ko sa kanya, sinabi niya sa driver niya at umalis na kami.


Ang 10 minutes na byahe ay tumagal, tinignan ko siya dahil paikot ikot lang ata kami, dapat kanina pa kami nasa park “Bea ano ba?” pagsisigaw ko sa kanya.


Tinignan niya ang relo niya at ngumiti “Mahal kita Daniel. Mag-iingat ka ah.” Sabi niya at nakarating na kami sa park tumakbo ako papunta sa fountain, umuulan pala sana may payong si Kath.


Pagkadating ko sa fountain walang Kath. Hinanap ko siya sa buong park pero hindi ko siya makita. Hindi siya dumating. Pero bakit?


*End of Flashback*


Naglalakad na ako ng makasalubong ko si Julia, babatiin ko na sana siya kaso nakita kong may kasama siya, si Kath. Ang tagal ko na siyang hindi nakikita. Bakit siya nandito?


Napatigil sila sa paglalakad nang mapansin nila ako. “Kath.” Pagtawag ko sa kanya.


Si Kath ang una at huling babaeng mamahalin ko.


“Hi Daniel. Where’s Bea?” she asked, her voice is as passive as it could be. Walang buhay. Hindi ganyan dati ang boses niya. Hindi ganyan. Mali bang umasa na baka dahil nangungulila siya sa akin kaya ganyan ang boses niya?


“I’m here Kathryn.” Biglang pumulopot ang kamay ni Bea sa akin, kalian pa siya nakasunod sa akin? “What are you doing here Kathryn?”


“Anong masama sa pagbisita sa school kung saan ako nagaaral? But for argument sake I’m here for Julia.” Tinignan niya si Julia “Julia tara na.” si Julia magkaibigan parin sila ni Kath pero bakit ako hindi na?


Palakad na sila nang biglang dumating si Enrique hinawakan niya sa may bewang si Kath at ngumiti lang si Kath sa kanya nagpaalam na sila at umalis na.


Masaya siya kasama si Enrique.


Si Kath nakangiti kasama si Enrique.


Si Enrique kasama yung babaeng minamahal ko.


Ang babaeng unang nakatakda para sa akin. 

A/N:
My Christmas gift to all Kathniel fans who were waiting for this one.

1 comment:

  1. Ang complicated! Ano ba talaga? Excited na ko sa revelations na magaganap! Pinlano ni Bea kaya pagdating ni Daniel, wala na si Kath. :((

    ReplyDelete