Isang linggo na sila Anna at ang chauffeur niyang si Lucas sa hacienda ng mga Monteverde at hindi parin nakakarating si Ren Thorpe sa Pilipinas, sa loob ng isang linggo yun, iniwasan lang ni Anna si Art at pinagtuunan nalang ng pansin ni Anna ang mga designs niya na gagamitin para sa Fashion Week three months from now.
Isa si Anna sa mga prominenteng fashion designer sa New York, hindi talaga ang fashion designing ang gusto ni Anna, she wanted to be an architect pero nung umalis siya sa bayan na ito at nagpunta sa Manila, the president of a very well known brand of clothes for women found her talent, nagtrabaho kasi siya as the general manager's assistant at ayun she was sketching yung mga damit na pangarap niyang isuot balang araw nang mapasama yung isa sa mga sketch niya sa mga papeles na dinala ng general manager dun sa president at dun siya na discover.
The president asked her to sketch for her portfolio para ipadala sa mga Fashion School sa New York at Paris. And they even taught her French para if ever na sa France siya mag-aaral ng fashion design pero dahil mas maganda ang inoffer ng Parsons, sa Parsons siya nag aral.
She went on intensive training and with that she was always the top in her class. And she found her new found passion for clothes. Sa unang taon niya sa Parsons nakilala na agad ang mga designs niya by Bendel's at they offered her a line for her clothes. It was an achievement. Her line was a masterpiece and starting then she became a regular in Page Six.
She was always invited to the High Society Events. Naging isa siya sa mga socialites sa New York. Unang dating niya sa New York wala siyang kapera-pera at yung allowance lang na binibigay ng Glow (yung brand ng damit na pinagtrabahuhan niya dati), sila din yung nagbabayad ng tuition nito pero after having a line in Bendel's, she had money. At dahil dun siya na ang nagbabayad ng sarili niyang tuition at nakakuha na din siya ng apartment sa Upper West Side, it was a start.
She met Ren Thorpe at her own party during the time when her new line was going to be in Barney's. Isa sa mga investors ng Barney's si Ren kaya nagkakilala sila nang ipakilala siya nito. Ren easily fell for her ayun ang laging sinasabi ni Ren kay Anna. Na for the first time in his life, he fell hard for a woman.
During her fourth year in Parson's, her internship was one of the most-talked in town. Dahil madaming mga fashion designers ang gustong kumuha sa kanya, isa na sila Donna Karan sa mga designer na nagtatalo para sa kanya. But in the end she was scouted by Valentino Garavani. It was said sa mga fashion magazine Valentino was her mentor till he retired from fashion. And with his help, Anna ended up with her own fashion line.
She became prominent after she began her own fashion line, she opened her own atelier. And her success will always be written in the fashion history.
"Look who's here." napatigil si Anna sa ginagawa niya at tumingin sa taong nagsalita. And it was no other than the sister of Art, the ever so maarteng Lilac Montervede. Dahan dahang nilapag ni Ana ang sketchbook niya. "Anong ginagawa mo dito at nagfefeeling donya ka?"
Ngumiti si Anna ng napakatamis. Hindi pa ata nila alam na siya ang magiging may-ari ng lupain nila once na napirmahan na niya ang mga kontrata.
"Kung iniisip mo na babalik sayo si Art nagkakamali ka, kahit anong suot mo ng magandang mga damit, isa ka paring basahan. Kaya siguro hindi pa umuuwi si Art kasi nandito ka at nabighani sa mga damit mong galing Divisoria. Alam mo Anna, wala ka ng babalikan dahil hindi na kay Art tong hacienda na to." natawa nalang si Anna sa sinabi ni Lilac. Basahan. Hindi na siya isang basahan dahil kung tutuosin mas mayaman pa siya ngayon at mas sikat pa siya.
"Alam kong hindi na sa kanya to." she smiled her ever so sweet smile. Nagtaas naman ng kilay si Lilac. "Dahil akin na to."
Lilac laughed. "Ang taas mo din mangarap haggang ngayon Anna. Isang Amerikano ang bumili nito at ikaw ano ka? Amerikanang hilaw?"
"Ma'am." biglang dating ni Lucas na parang hiningal pa. Napatingin siya dito at tinaasan ng kilay, dahil kay Lucas hindi na niya masagot si Lilac. "Parating na po si Mr. Thorpe." sabi ni Lucas.
"Tignan mo parating na yung tunay na may-ari nito. So shoo Anna." sabi ni Lilac na hindi ata napansin na si Anna yung kinakausap ni Lucas. "Ikaw naman hanapin mo na si Art at sabihing darating na yung bagong may-ari." utos niya kay Lucas.
Napatingin naman si Lucas kay Anna asking for her permission at tumango lang ito. Kaya umalis na din si Lucas at si Lilac naman nagmadaling pumunta sa tapat ng pinto para abangan si Ren. Natawa nalang si Anna. Tinuloy nalang niya ang ginagawa niya, Ren would go to her and greet her. Kaya hindi na niya kailangan pang tumayo at tumabi dun kay Lilac.
After 5 minutes, narinig na niya yung sasakyan. Dahil namiss na niya talaga si Ren at gusto na niya itong makita at sympre she wanted to see Lilac and Art's faces when they see her together with Ren. Sakto naman na pagdating niya sa labas ay lumalabas na ng sasakyan si Ren at tinignan siya ni Lilac ng masama pero ngumiti lang si Anna.
Pagkababa ni Ren ay tumingin siya sa paligid at sa mga taong nakatayo sa harap niya, si Lilac, si Art, si Lucas at sympre si Anna na katabi lang ni Lilac. Kaya lumapit si Ren na nakangiti towards Anna. "Wel---" naputol na sabi ni Lilac.
"I've missed you Anna." Ren said as he took her in his arms.
"I've missed you too." she said and she pulled away and kissed him in the cheeks. She turned her gaze to Lilac na nanlaki ang mga mata. "Ren this is Lilac and Art Monteverde." pagpapakilala niya sa dalawang magkapatid.
Tumingin naman si Ren sa dalawa, nagtagal ang tingin niya kay Art, alam ni Ren ang nakaraan ni Anna, hindi naman isang sikreto ang nakaraan niya sa New York. Pero si Ren lang ang nakakaalam ng lahat. She told him her past before she agreed in marrying him.
"It's a pleasure to meet you two. My lawyers have read the contract that your father sent and I think it's okay so tell him we'll proceed with the signing." Ren said "Anna." pagtawag niya dito "As we talked about you're going to sign it." he said.
Tumango lang si Anna. "Come on let's go inside, you must be tired." sabi niya kay Ren "Lucas bring Ren's suitcase in the room okay?" she looked at Lucas.
Naglakad na sila ni Ren papasok ng mansion and they started talking about things. And she really missed Ren.
* * *
"What just happened?" tanong ni Lilac, naiwan sila ni Art dito sa labas ng bahay. "How could........"
"Fiance ni Anna yun." sagot naman ni Art. Nagulat din siya nang unang malaman ang tungkol sa engagement ng dalawa. He even searched for it in Google at ayun nga nasa entertainment news sila.
Their courtship was featured in Us Weekly. Madaming nabasa si Art tungkol kay Anna, how successful she'd become.
"That gold digger. Paano naman niya nakilala yun?" Lilac said. "Isa lang naman siyang basahan. Isang pobre."
"She's not the same Anna, Lilac." she's not the Anna, who fell in love with me and agreed to marry me.
No comments:
Post a Comment