Label.
Ayan ang wala pa kami ni Kim haggang ngayon. Label. Hindi ko
alam kung ano nga ba kami. Kami na nga ba tulad ng sinasabi ng iba dahil
ginagawa namin ang mga ginagawa ng couple? Tulad ng dates, him holding my hand,
paghatid sundo niya sa akin kahit nasaan man ako, kausap palagi. Kami na nga
ba?
Pero hindi ko pa siya sinasagot diba? Still we act like we’re
a couple are we now? I don't know and I don’t wanna know. Hindi ko alam pero
parang ayoko munang lagyan ng label kung ano nga ba talaga kami dahil siguro madami
pang unresolved issues around me.
I don’t want to be in a relationship where I am not yet in
love with the guy I’m with. Hindi ko pa mahal si Kim, he’s important alright
and yes I do care for him but I don’t love him as a man.
And there’s the Ash thing. Until now hindi ko parin alam ang
isasagot sa kanya. Kung tatanungin ako ngayon I will answer yes mahal ko parin
siya, sa loob ng matagal na panahon lagi ko siyang minamahal, pangalawa siya sa
lalaking minahal ko, at as of now dalawa palang ang lalaking mahal ko. I’ve
been infatuated with someone like Rey but the truth is dalawa palang ang
minamahal ko, at haggang ngayon mahal ko parin silang dalawa.
Kung sino ang mas matimbang halata naman kung sino sa dalawa
kong minamahal ang mas matimbang eh, of course it would always be Louie. Nang
mawala si Louie, mas lalong naging madali ang pagtitimbang ng pagmamahal ko
sa kanila. Dahil all this time mahal ko pala si Louie lubos pa sa pagmamahal ko
kay Ash.
And now may isang lalaki na gustong pumasok sa puso ko,
gustong magkaroon ng puwang, ou siguro nga meron na siyang puwang pero
yung puwang na yun ay kahati niya ang mga kaibigan ko at pamilya ko. I still
can’t give him the space where Louie and Ash are. Hindi ko pa kaya.
Natatakot akong pag binuksan ko yung puso ko kay Kim, baka
magkulang yung puwang sa puso ko. Baka pag binigyan ko siya ng pagkakataon na
magkaroon ng space ay baka mawala yung isa o dalawa. And I’m scared.
Takot akong malimutan ang dalawang lalaki na nasa puso ko
ngayon lalong lalo na si Louie. Kaya haggang ngayon hindi ko parin kayang
mahalin si Kim dahil hindi ko kayang ibigay ang gusto niya. I can’t give him my
heart fully.
That's why I can’t deal with the labels. Kung ano man kami
ngayon ok ng walang label muna, masaya naman ako ganun din siya.
“Mary pwede bang i-print mo yung recipe na lulutuin
natin?” pagtatanong ni Tita Elise, nandito ako ngayon sa bahay nila Kim
dahil naginvite si tita ng dinner with my family, kaya nandito ako para
tumulong sa pagluluto.
Ngumiti ako kay Tita at pumunta na ako sa study, nandun kasi
yung desktop at yung printer kaya umakyat na ako papunta dun. Pagpasok ko
inopen ko na yung file ni Tita na sinend niya through email sa desktop. I
clicked the print button at pumunta na ako sa side ng printer.
Nang matapos bumalik ako sa desk at kinuha yung clear
folder, inayos ko yung mga recipe tas nilagay ko na sila sa folder. Paalis na
sana ako kaso nacurious ako sa isang package, yung yellow na envelope na parang
package.
Kaya nilapag ko muna yung folder na hawak hawak ko at kinuha
ko yung yellow package. Tinignan ko kung saan galing. May parang puting sticker
na nakadikit dun sa likod, address ata at galing ito sa US pa. Medyo natigilan
ako dahil yung address, nakasulat yung adress ng Brown University.
Alam kong mali na makielam ng gamit ng iba pero hindi ko
alam masyado kasi akong pakilemera at curious lang ako kung bakit may envelope
galing sa Brown University. Ang taba kasi nung package.
Binuksan ko ito, bukas na naman kaya hindi na halata na nakielam
ako, pagbukas ko nilabas ko yung laman, isang booklet at may isang white
envelope, ayun yung kinuha ko at naka-address ito para kay Kim.
I had the feeling already but still I insisted on reading
the letter. And as I read the letter I was right. Acceptance letter galing sa
Brown University, Kim got accepted into an Ivy league university. Kim’s really
a genius after all, to get an early acceptance letter and a course catalog it
only means it’s been decided. Kim’s going away.
Pero bakit hindi sinabi sa akin ni Kim yung tungkol dito?
All I thought he’d study in La Salle tas next year nasa La Salle na din ako but
I was wrong. Kaya pala hindi pa siya nag eenroll sa La Salle kasi he’s going to
Brown.
And now I’ve realized aalis na talaga siya. That’s what they
were talking about. That’s why may tumawag informing them na nandito na sa
Pilipinas yung eroplano nila dahil aalis na siya.
I didn’t know that I asked him a wrong question, I should
have asked him “Bakit nandito yung private jet niyo?” I should have
asked him that. Hindi dapat kung paano sila nagkaroon kundi bakit nandito.
Aalis siya at iiwan din niya ako. Pero tama naman na umalis
siya diba? It’s a great opportunity for him.
I heard the door open kaya nagmadali akong ibalik yung laman
kaso too late, nakita na ni Kim yung hawak ko, lumapit siya sa akin at kinuha
yung package. Tinignan lang niya ako hindi ko makuha yung tingin niya, I never
do.
“Aalis ka?” tanong ko sa kanya.
“I…I’m not yet sure. I want to stay here with you.”
sabi niya. Nasasaktan ako pero hindi dapat. “I promised you I won’t leave
your side.” Promise, ilang tao na ba ang nangako sa akin pero sa huli hindi
naman nila ito tinupad?
I don’t want to be a hindrance in Kim’s life. Hindi pwedeng
dahil sa akin hindi siya umalis. Maling mali na nandito siya at wala doon.
“Congrats Ian. Ivy league yun.” I tried to smile at
him.
“Tell me not to go and I won’t Mary.” Tinignan ko
siya, alam kong nagsasabi siya ng totoo. For the few months na nakilala ko
siya, alam ko kung kalian seryoso siya at kung hindi. I know Kim, I know how
much his love for me means, alam kong kaya niyang gawin lahat para sa akin. At alam
kong isang sabi ko lang he’ll definitely stay.
Gusto ko siyang magstay pero napaka-selfish ko naman. Porket
ayoko lang maiwan ulit ako ng mga taong nagmamahal sa akin, hahayaan ko bang
sirain niya yung buhay na dapat ay sa kanya?
“Umalis ka. Kunin mo yung opportunity, minsan lang yan
Kim, and with your skills you could be anyone. Kayang kaya mong ma-achieve ang
lahat ng pangarap mo kaya go and study at Brown.” Pagsasabi ko sa kanya.
This is the right thing to do, to let him live his life, maling maging shadow
lang siya.
“But you’re one of my dreams Mary, I can’t leave you.”
alam kong seryoso kaming naguusap pero
kinikilig ako dahil ang cheesy niya
masyado.
“Hindi mo naman maiisgurado na maa-achieve mo na makasama
ako eh kahit nandito ka. Kaya take that opportunity Ian. And maybe one day
pag natupad na yung mga pangarap mo isa na din dun yung makuha mo yung puso ko
ng tuluyan.” I smiled at him.
“How could I win your heart if I’m not around?” he
asked.
“Absent makes the heart grow fonder.” Ngumiti ako sa
kanya “Kung pipiliin mong manatili dito at tanggihan yung opportunity na
binibigay ng Brown then I’m sorry Ian, mali pala ang pagkakakilala ko sayo. I
won’t accept you kung tanging rason mo lang para magstay dito ay dahil sa akin. Dahil natatakot kang hindi mo makuha yung puso ko. Ayokong maging dahilan kung bakit hindi ka nagpunta sa Brown. So go and make
all of your dreams come true. Malay mo next year nasa US na din ako.”
Ngumiti siya sa akin pero hindi ito yung signature smile
niya, may halong sakit yung ngiti niya “You’re going to try next year?”
he asked me.
It was one of my goals dati, to study in an Ivy League
university. Pero napakahirap naman kasing makapasok lalo na kung foreign
student. I haven’t even taken the SATs. But maybe I should try.
“Well hindi sa Brown but in Yale. But still nasa US parin
ako kaya Kim, go and study at Brown. I believe in you.” I've always dreamed of studying in Yale.
Hinawakan ni Kim yung dalawa kong kamay “But how could I
leave without even knowing what we are.” He said.
Labels. In the end kailangan din lagyan ng label ang isang
relationship.
I smiled at him “As of now hindi ko alam kung ano tayo
Kim. Sabi ko naman sayo dati eh, ayokong pumasok sa isang relationship kung
hindi ko pa mahal yung guy, hindi pa kita mahal, mahal kita bilang kaibigan
pero hindi pa sapat yon para lagyan natin ng label kung ano man tayo.” Pagaamin
ko sa kanya.
Alam ko dapat sinabi ko nalang sa kanya na kami na para
mapanatag siya at umalis pero feeling ko kasi pagsinabi ko iyon, baka mas
lalong hindi siya umalis, at ayokong umasa siya na mahal ko na siya.
“I get it.” He
smiled at me “But will you wait for me?” tanong niya sa akin. Parang
mali naman siya eh, dapat ako ang nagtatanong niyan kasi haggang ngayon siya
ang naghihintay sa akin diba?
Tumango lang ako “10 years from now, kung handa kang
maghintay ng 10 years at wala ka pang ibang mahal at ganun din ako then I would
marry you Kim.” Nagulat ata siya sa sinabi ko kasi his jaw dropped open. “Magaaral
tayo ng mabuti at in 10 years pagtayo talaga edi tayo. That’s our 10 year plan
Ian.”
That’s when I formulated our 10-year plan, the plan that made
me think about the future.
But before I didn't know that that plan wouldn't be made
possible.
No comments:
Post a Comment