Saturday ngayon at grade deliberation ngayon, pati na din yung ranking. Si Yaya yung kasama kong kumuha nung grade dahil sympre busy si mom and dad. Si Yaya naman palagi kaya wala ng bago dun.
Kulang na nga lang pati guardian ko si Yaya na nakasulat kaysa kay mom eh. But whatever.
Nagpunta na kami ni Yaya sa school, as expected hindi na kami pumunta ni Yaya sa PTC meeting, my mom is the parent teacher council president dahil I won nung first year ako as the title beholder kaya nanalo din si mom and that was being the four year president ng council.
It's surprising nga na hindi pa nadidismiss si mom sa council eh, lagi naman siyang wala eh pero minsan nagpupunta siya pag may meeting lang kasama yung principal that is.
We walked inside the building and I stopped dun sa posting ng overall and I think my whole body froze. Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako o hindi pero sobra akong nagulat na naiiyak na din ako.
Wala yung pangalan ko.
Napansin kong tinignan ni Yaya yung posting tas tumingin siya sa akin "Baka nagkamali lang yan." she said pero we all know na hindi nagkakamali yan. That piece of paper was thoroughly checked by the committee.
Paanong nangyaring wala ako? I was the Top 3 nung third year. I was running for Salutatorian.
Parang ayoko ng umakyat sa classroom and face Ms. Ryn at paano ko din kakausapin si Ms. Raquel? Pero pinilit ako ni Yaya na umakyat. Ayoko sanang pumasok pero pinapasok ako ni Ms. Ryn, I saw how disappointed she was.
Pinalabas niya muna yung iba kong classmates na tumatambay lang, Riley patted me sa shoulder bago siya lumabas.
Pinaupo na kami ni Ms. Ryn at nakayuko lang ako nung binigay niya yung grade ko kay Yaya. "Nakita mo na ba yung posting?" she asked me. Tumango lang ako pero hindi parin ako makatingin sa kanya sa sobrang hiya ko "Lahat ng grades mo bumaba Mary. You ranked top 11 overall." she said.
Pero ano pang saysay nung top 11 ngayon na bago na yung regulation about sa honor roll? Na haggang top 10 nalang yung makakasama sa honor roll?
"Sinabihan na kita na take this year seriously. Sinabihan na kita dahil isa ka sa mga running for valedictorian Mary. You could have been the top 1 ngayon lalo na kung COS ka parin." Ms. Ryn lectured. I didn't know I was running for valedictorian ang alam ko salutatorian yun pero not valedictorian. Kung alam ko lang.....
"Ms. Leslie tried to savage your grade, pati na din ako with the other teachers mo pero Mary you have how many new teachers? They don't know you still. Wala ka daw participation sa class, lagi daw kayong nagkukwentuhan ni Riley sa likod. What's happening may problem ba sa bahay?"
I shook my head "I'm very disappointed Mary. Nilagay kita sa class na to dahil I have great expectations." she said. Alam ko naman yun eh, simula nung nalaman kong adviser ko siya alam ko na mataas na ang expectations niya sa akin. I felt pressured dahil ayoko siyang ma-disappoint sa akin pero ngayon eto ang ginawa ko.
I looked at her "Babawi nalang po ako ngayon." I said.
"Mary disqualified na yung mga hindi nakasama sa top 10." she said.
"Pero top 11 naman po diba ako? Kaya ko naman bawiin yun. Mataas yung extra co-curricular ko, yung acad naman Ms. kaya kong bawiin agad yun. Babawi ako Ms." I cried. Hindi ko kasi alam na matatanggal ako. All my years na pag-aaral would be wasted.
Hindi ako makakaakyat sa graduation to grab a medal of my own. Makukuha ko lang diploma pati loyalty award. How could that happen? Ang dami kong nakuha nung third year ako, tas ngayon masasayang lang dahil sa kababayaan ko.
"May dalawa pa naman grading Ms eh kayang kaya ko pang bumawi."
"Ayun nga Mary, dalawa nalang yung grading period. Second grading na and that's the regulation, alam mong first grading ang qualifiers, not second but first. Wala na tayong magagawa. Just do well sa mga subjects na angat ka sa iba. And I'll talk to the principal about your grades kung kakayanin mong bumalik then I'll do what I can. I promised Ms. Raquel na akong bahala sayo ngayon." she said.
Matagal din natapos yung pag-uusap namin, paglabas namin ni Yaya, nandun yung mga parents naghihintay. Niyakap ako ni Gael nung nakita siguro niya yung mata ko. At siguro nakita na nila yung posting.
Dapat aalis kami ngayon nila Chelsea pero nawalan ako sa mood at gusto ko lang umiyak sa bahay. Umalis na din kami ni Yaya at nung nasa sasakyan na kami, pinabili ko muna si Yaya ng ice cream kasi hindi ko na kaya yung kalungkutan ko. Nagmadali naman bumili si Yaya.
Ako naman pumasok na sa loob at agad kong tinawagan si Kim. And when he answered hindi pa siya nakakapagsalita umiyak na ako sa kanya, tahimik lang yung linya at ako lang yung umiiyak. Iyak lang ako ng iyak dahil sa nangyari.
Hindi parin kasi ako makapaniwala sa nangyari. Kasi yung pinaghirapan kong maabot nawala lang na parang bula.
Nakabili na si Yaya at nung nakita niya akong umiiyak binigay niya agad sa akin tas tahimik lang sila ni Manong habang ako kumakain ng ice cream at umiiyak kay Kim sa phone.
"What's wrong Mary?" Kim finally asked me.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Kim. I know he'd be disappointed in me too. Alam ko yun. Kasi when I told him about the UPCAT, na hindi ko sineryoso yung test he told me I should had.
"Wala na ako sa top." I said.
"How did that happen?" Kim asked, he was astonished with what I just said.
"Diba sabi ko naman sayo tinatamad ako...."
"I told you to study Mary--"
"Please Kim, hindi ko kailangan yung lecture mo ngayon. Kailangan ko ng masasandalan. Please wag muna ngayon yung I told you so. Pwede bang umiyak nalang muna ako sayo?" I cried and he then let me. He then played the piano and I listened as I calmed down.
Monday, my eyes were swollen from crying for two days, mom still don't know about my grades at hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na wala na ako sa top. I don't want to disappoint them both.
Tahimik lang din ako sa classroom, hindi ako nagsasalita at pag recess hindi ako lumabas ng classroom, nakaupo lang ako with my head rested on my desk. They all tried to talk to me pero hindi ko sila lahat pinansin.
They might think na sobra kong madrama sa ginagawa ko pero kasi I am a disappointment. It's so embarrassing to face them all. I was one of the student na running for the valedictorian or even the salutatorian spot pero eto ako ni wala sa top 10.
Top 11.
Lunch dun ako niyaya nila Gael kaya sumama na ako sa kanina, we ate in silence or ako lang yung tahimik? Nauna na akong natapos kaya sabi ko babalik na ako ng room, pababa ako nung nakasalubong ko si Ms. Raquel.
Nung Saturday I decided na kailangan hindi kami magkita ni Ms. Raquel kasi I don't watn to see her being disappointed in me. I promised her before that I'll do my best this year, na I will make sure na aakyat ako sa stage not as the first honorable mention but a salutatorian.
But again isa siya sa mga nadisappoint ko.
And just like that, she lectured me with things. Sobra na akong naiiyak pero pinigilan ko. Her last words were that she was very very disappointed in me. Umalis na ako na umiiyak, pumasok ako ng classroom na umiiyak, walang tao sa room dahil yung group ng cleaners for this week ayaw na may pumapasok tuwing lunch sa classroom.
Dun ako umiyak. Naramdaman ko nalang na may pumasok pero hindi ko inangat yung ulo ko. I tried not to make a sound nalang.
"Mary?" Allen's voice called. Ramdam kong umupo siya sa upuan ni Riley "Mary?" tawag niya ulit while patting my back. "Ayos ka lang?" he asked and I shook my head. "Yaan mo makakabawi ka din." I shook my head again.
"Galit sa akin si Ms. Raquel." I said between my sobs.
"Hindi yun. At yaan mo siya nandito naman kami para sayo eh." he said and he tried to lift my head pero I put pressure sa ulo ko still naangat niya, he weakly smiled before hugging me. "Sige lang iyak ka muna habang wala pang tao pero pag may pumasok na bawal ka ng umiyak ah. Hindi ko man mapapangako na magiging maayos din ang lahat, masasabi ko lang hindi mo na kailangan maging malungkot nandito kaming lahat, nandito ako."
I stayed in Allen's arm for I don't know how many minutes, alam ko din na may pumasok na sa classroom at pinabayaan lang nila akong umiyak kay Allen. Lumapit na din sila Ella at sila Tony.
Si Tony ginulo yung buhok ko "Tama na iyak lalo kang pumapanget eh." he teased.
"Tama na chansing kay Allen." sabi ni Tina.
I laughed softly at pinunasan ni Ella yung mga luha ko.
Kahit man nawala ako sa top, naramdaman ko yung pagiging close ko sa mga bago kong classmates. Akala ko hindi na ako magiging close sa kanilang lahat pero eto silang lahat they were comforting me. Sila Tony at Ran nasa may platform at nagpapatawa. Allen was my by side. Ella giving me tissues. And the others giving me encouraging looks.
They were all my shoulders to lean on. And I'm so glad they're my classmates.
No comments:
Post a Comment