Wednesday, March 6, 2013

A Little Help from Destiny Chapter 25

Chapter 25 - Louie's Birthday


Today would be Louie's birthday. Last year lang nandito pa siya at we celebrated his birthday through the internet. Nasa Singapore kasi sila nung mga panahon na iyon. Siguro nung mga panahon na iyon akala ko kaya sila nasa Singapore was to celebrate his birthday ayun pala nasa Singapore sila kasi they were asking for options. 


On mid-August, Louie was diagnosed with brain aneurysm, hindi niya sinabi sa akin, sa amin, tinago nila ni Lani yung sikretong iyon. Walang nakakaalam na may sakit siya, tinago niya and he was alone facing that illness, wala siyang mahahawakan dahil wala siyang pinagsabihan. 


I decided na pumunta kay Louie ngayon, I haven't visited him for quite sometime now. Nauna ako kahit sinabi nila Skye na sasamahan nila ako today. Pero ayoko dahil gusto ko ako lang, it's my day with Louie. Mine alone.


Naglakad na ako papunta kay Louie, I brought his favorite snacks and a bouquet of white lilies, umupo na ako sa grass and placed the bouquet sa may headstone. I read the epitaph.

"Music, when soft voices die, vibrates in the memory." - Percy Shelley
Your love will light my way, your memory will ever be with me.
In loving memory of Louie Francisco Salazar 
 September 26, 1994 - November 6, 2009 

"Happy birthday Louie." I greeted him and smiling brightly dahil alam kong gusto niya na nakangiti ako pag binati ko siya. "Happy birthday." I said again. 


I opened the box of doughnuts and placed one piece na may candle sa isang paper plate, nilagay ko ito sa may lapag lang while I opened the cup of coffee. "Ayan. Sabi mo dati ayaw mo ng cake." I said. "Sabi mo sa next mong birthday dapat may doughnut kasi nakalimutan namin nila Cass yung doughnut. So eto may doughnut na." I said as I let my tears fall. "Ayan na may doughnut na pwede bang bumalik na ka na?" I cried. 


Hinayaan ko lang yung sarili kong umiyak ngayon, sobra ko kasing namimiss si Louie. Sobra sobra na misan naiisip ko kung tama bang maging masaya ako habang wala naman siya sa tabi ko. 


I stayed there for a while, nakaupo lang ako dun at nakatingin sa puntod niya. I talked to him, nagkwento lang ako ng mga bagay sa kanya. 


Kinuha ko naman yung isa sa mga journals niya and read it aloud. 


September 26, 2009
Can I just have one wish? Just one. I don't want to die. I don't want to leave her alone, I made a promise to her and I can't break that promise because if I would, she would always believe that promises are meant to be broken. I can't let her believe those words because it isn't meant to be broken. I can't leave her when I know it would hurt her so much. One wish. Just one. It's my birthday so can I just have one wish? Can you still give me my one wish? I know I'm meant to die, I know it's inevitable so my one wish would be about her, can you promise me she'll be happy? That's all I wish, her happiness, don't take it away from her. 

When Louie died, binigay sa akin ni Lani yung ibang mga gamit ni Louie na gusto daw ni Louie na mapunta sa akin. And that included his journals. Gabi gabi noon binabasa ko lahat ng nakasulat sa journal niya kasi dun niya sinusulat yung mga hinanakit niya, yung paghihirap niya. 


Dun nakasulat kung gaano niya gustong sabihin sa akin pero hindi niya magawa dahil alam niyang hindi ko matatanggap yun. Na sobra akong masasaktan. 


October 10, 2009
It's Mary's birthday, I gave her a journal, I wanted her to write everything she's feeling into that journal so that even if I will soon leave her, she would feel I'm still beside her and listening to everything she has to say. Today I threw her a surprise party because I don't know if I could still be here during her next birthday, I wanted  her to celebrate it with me and I badly wanted to tell her everything. I just wanted to tell her so that I don't need to make up lies in front of her. But how can I even think of telling her during her birthday? How could I think about myself and not her? I can't ever tell her because I know her so much. I know her so much that I'm so afraid of leaving her alone. 

May magbabago kaya kung sinabi sa akin ni Louie? Ayan lagi kong tanong sa sarili ko may magbabago ba? Siguro wala pero alam ko gagaan ang loob niya. Kasi hindi na siya nag-iisa. Pero hindi ko nalaman. Hindi ko man nahulaan na may sakit siya. 


Diba dapat pag best friend mo alam mo kung anong meron sa isang tingin pero ako hindi ko man nalaman, siguro nga magaling magtago si Louie still dapat alam ko yun, yung simpleng sakit ng ulo dapat hindi ko binalewala dati. 


Siguro mga hapon na nung dumating sila Lani, niyakap ako ni Lani at ganun din sila, nag group hug kami and umupo na din sila, kulang lang sa amin ngayon si Phat. Nagbonding kami sa harap ni Louie, and we all talked about old times. 


How silly we were. How lucky we were to have Louie as our friend. 


We all said goodbye to Louie at nagpasya ng umuwi, we decided to have a sleepover at Lani's place. Kaya ayun we went there kasabay ko si Lani sa kotse ko dahil bago lang si Manong Rod at hindi pa niya alam yung place nila Lani at ako naman nahihirapan mag explain pag directions na. 


"Kamusta na si Kim?" Lani asked. 


"Busy sa school." I said. 


"Won't you ever give him a chance?" nagulat ako sa sinabi ni Lani. 


"I chose him didn't I?" I said. 


"Pero hindi mo naman siya hinahayaan na magkalugar diyan sa puso mo." Lani said. "Puro si Louie nalang. Hindi ko naman sinasabi na kalimutan mo na yung kakambal ko, kahit kailan hindi ko hihilingin sayo iyon pero sana Mary wag mong kalimutan na pwede pang buksan yang puso mo." she said. Bakit ba niya to sinasabi ngayon? Hindi ko din siya maintindihan 


"Bakit mo to sinasabi Lani?" I asked her. 


"Nakausap ko kasi si Phat nakausap daw niya si Kim at he asked her about Louie. Alam mo ba sa pagkukwento ni Phat, mararamdaman mo parin yung awa niya kay Kim dahil Kim said na sobra siyang nahihirapan makipagkompetensya kay Louie." She said. 


"Ayoko naman na masaktan si Kim eh kaya nga haggang ngayon hindi ko pa siya sinasagot eh. Dahil ayokong masaktan siya."


"Ayun lang ba talaga ang reason mo Mary? Na kaya ayaw mo dahil masasaktan mo siya o may iba pa?" She asked. 


At dun naalala ko yung paguusap namin dati ni Cyril about Kim. 


"Bakit haggang ngayon hindi mo pa siya sinasagot kung siya na pala yung perfect boyfriend material?" Cyril asked me. 


He knew the answer, pero mas gusto niyang sabihin ko ito, na lalabas ito galing sa bibig ko. Hindi man ako umarte na nag-iisip pa ng sagot dahil mabilis ko siyang sinagot. "Because he's not Louie." Na kahit gaano kaperpekto ni Kim kung hindi naman siya si Louie ano pang saysay? 


It will always be Louie.


"It would always be your twin Lani." I answered her. "Kahit anong gawin ko Lani, si Louie lang ata talaga kayang mahalin nitong puso na to eh. Hindi ko alam Lani pero si Louie lang talaga. Mahal ko si Kim bilang kaibigan haggang dun lang yun. Siguro in time makakaya ko na."


"Mary buksan mo kasi yang puso mo. Hindi lang si Louie yung lalaki na pwedeng magmahal sayo. Na pwede mong mahalin. Don't be stuck with the past and don't close your heart to every possibilities." Lani said as she held my hand and squeezed it. "Open you heart for Kim. Hindi magagalit si Louie kung susubukan mo." 


Nakarating na kami sa bahay nila, and they decided na sila ang magluluto habang ako ay nagpunta sa kwarto ni Louie, hindi nila binago yung kwarto, hinayaan lang ni Tita na ganito to, same as before. 


Parang ako lang si Tita eh, ayaw mawala yung kung ano pang natitira kay Louie, parehas kaming hindi kayang mag let go. Tito and Lani wanted this room to be cleared, to put all of Louie's things in storage pero Tita protested and so did I. Alam kong wala akong karapatan mag protesta dahil hindi ako kamag-anak pero hindi ko kaya. 


Nanalo kami ni Tita at hinayaan nila na magstay yung kwarto ni Louie as is. Walang pagbabago, even the things at his desk walang nakielam, nililinis pero kahit kailan hindi ginalaw at inaba ng pwesto yung mga gamit. 


Sa kwarto ni Louie, I can find peace, dito kasi ramdam ko parin siya. Kaya dati lagi akong pumupunta dito para lang gumaan yung loob ko. Ramdam na ramdam ko si Louie dito. Na safe ako dito. 


I went to his desk and sat on the chair and took his journal out, yung last journal niya. Madami pang blank pages dun kaya I decided to write. It won't be my first time writing in it dahil yung una, ay yung nagrereklamo ako sa kanya, yung nagagalit ako sa kanya kasi inawan niya ako. 


This would be my second time. 


Dear Louie,
Happy birthday. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin, kasi baka naririndi ka na pag sinabi ko ulit na miss na miss na kita. Baka ayaw mo ng marinig yun. But I do miss you so much. Sabi ni Lani, buksan ko daw yung puso ko pero paano ko magagawa yun Louie? Paano ko bubuksan yung puso ko kung wala naman sa akin yung susi? Kasi nung nawala ka dinala mo ata pati yung susi eh. Louie gusto kong bigyan ng pagkakataon si Kim kasi diba simula nung nawala ka nandito na siya para sa akin? Pero bakit haggang ngayon Louie ay hindi ko parin kaya? I did choose him over Ash and I let Ash go. Pero akala ko pag pinakawalan ko na si Ash, pwede na si Kim mali pala ako Louie kasi nung nawala si Ash lalo kong hindi mabuksan yung puso ko kay Kim. Louie I have something to confess sana ah wag kang magagalit sa akin, sana wag mong isipin na napakasama kong tao pero Louie siguro nga masama ako kasi Louie may isang tao ngayon sa buhay ko na mas gusto kong bigyan ng puwang kaysa kay Kim. Masama ba ako Louie kasi kay Kim na nandiyan para sa akin ay may lumamang pa. Pero hayaan mo Louie kasi kahit ano man ang mangyari, ikaw lang ang mamahalin ko wala ng iba. Ikaw lang dahil ako lang naman ang minahal mo diba. So para fair parin tayo. I miss you so much Louie. Ayokong maging unfair kay Kim Louie kaya siguro dapat siya yung pagtuunan ko ng pansin kaysa dun sa isa diba? Kasi kung ibabalik mo yung susi sa akin, dapat kay Kim ko unang buksan yung puso ko diba? Pero hindi ko sinasabi na bigay mo sa akin yung susi Louie, ayoko. Natatakot ako Louie kaya wag na wag mong ibabalik yan dahil hindi ko kukunin. I won't let you return it to me because I won't ever let you go. I can't. 
Loving you,
Mary. 

No comments:

Post a Comment