Chapter 26 - My Birthday
I celebrated my birthday early with my high school friends dahil weekend natapat yung birthday ko. I held a small intimate gathering for them Saturday. I had fun with them. And when my birthday approached Kim called at midnight dito sa Philippines to greet me. I haven't been honest with him these past few weeks. But still I was thankful he didn't mind my distance.
I celebrated my day with my childhood friends during the day, sympre nauna kong pinuntahan si Louie bago ko sila sinundo for brunch and movies. It wasn't the same as before at nakakapanibago lang kasi nung nandito pa si Louie, he would be the first person to ever greet me.
I remembered last year, siya talaga ang unang bumati sa akin dahil he sneaked in at our house and to my room, he brought the red velvet cupcake that I loved with him. Siguro kaya yung nagawa ni Louie dahil alam niya the next year he wouldn't be here anymore to greet me.
He even threw me the party, napakasaya ko nung last year kong birthday pero ngayon wala, kulang na kulang, sure madaming bumati sa akin at madaming regalo. Pero kulang kasi wala yung nag-iisang tao na gusto kong marinig yung boses na binabati ako. Wala na yung lalaking babati sa akin with a smile plastered on his face.
I'm being dramatic pero since his birthday I felt so lonely. So alone again. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman yun lalo na ngayon. Pero I do feel so lonely. Miss na miss ko na talaga si Louie.
We had a family dinner at Inter-Continental for my birthday, it was always like that. My birthday would end with the dinner.
The next day, pumasok lang ako na parang hindi nangyari yung birthday ko, there was nothing special except Kim's constant calls during the dinner and his constant apology for the late birthday gift. He said I would love it kaya hintayin ko nalang daw.
And here I am papasok na ng buuilding nang napansin ko si Tita Elise sa may gate ng school, nung nakita niya ako she gave me a hug and greeted me a belated happy birthday. Siya lang kasi sa family ni Kim ang hindi bumati sa akin kahapon.
She made her visit short at binigay lang sa akin yung regalo niya sa akin, it was wrapped in a pretty gift wrap pero I was so sure it contained a book. Then binagay niya sa akin yung isang paper bag na light blue with a Tiffany & Co marking on it. She said it was Kim's gift to me.
She said goodbye na din cause she still needed to go to the Embassy and finish her work. Kaya pala siya nasa Manila ay dahil may inaasikaso siya sa Embassy.
Gusto ko sanang ipauwi nalang muna yung mga regalo especially Kim's kasi baka mawala ko pa. Pero nakaalis na kasi si Manong kaya pumasok nalang ako sa school holding two paper bags. Na touched ako kasi personally pinadeliver ni Kim yung regalo niya.
Dahil isa ako sa mga maagang pumapasok, wala pang tao nung nakarating ako sa classroom,so I had to open the air-con as well as check the room.
After that naupo na ako sa upuan ko and decided to open Tita Elise's gift first at tama ako, it was a book or rather books. She gave me Eat Pray Love and the The Hunger Games Trilogy. She knew how much I love reading books.
I wanted to read Eat Pray Love already pero I contained myself and decided to open the other paper bag, at nilabas ko yung box with a white ribbon on it. I untied the ribbon at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Sure I was happy Kim gave me a Tiffany necklace but why did it have to be similar to what Louie wanted to give me back then?
Bakit kailangan niyang bigay sa akin ay isang key pendant din, sure magkaiba sila ng design pero still that key pendant was the only thing I have that reminds me of Louie, ang arte arte ko kasi naiiyak ako dahil binigyan ako ni Kim ng isang necklace na dapat si Louie yung magbibigay sa akin. How did even Kim find out about the key pendant?
Hindi ko kinuha yung necklace instead kinuha ko yung white envelope at binuksan ito, Kim wasn't the type of guy who would write a letter but I guess nagawa niya. I didn't have it in me to read it right now. Natatakot ako kung ano man yung nakasulat. Hindi naman ako upset kay Kim dahil sa regalo niya actually I feel bad dahil ayoko yung regalo niya, dahil hindi ko man ma-appreciate yung thought niya nung binili niya iyon.
I'm such a self-centered person aren't I?
Nilagay ko na agad sa box yung letter at pinasok ulit yung box sa loob ng paper bag. Papatago ko nalang muna kay Ms. Leslie yung regalo sa akin kasi baka nga mawala ito, mahal pa naman ito dahil it was pure diamonds.
Palabas na ako nung room nang may papasok sa classroom so I gave way at tinignan kung sino yung papasok, nagulat ako kasi si Allen pala, lagi siyang late bakit napaaga ata siya. Sure this past few weeks din minsan nalang siya malate pero Monday ngayon, it was expected na late siya.
Nakatingin lang ako kay Allen na hindi ko napansin na may hawak pala siyang bouquet ng pink roses. Siguro ibibigay niya kay Ate Ericka, his girlfriend.
"Good morning." bati niya sa akin na nakangiti pa.
Sympre ngumiti din ako sa kanya, "Morning may date kayo ni Ate Ericka?" I asked trying hard not to sound like I was bitter or jealous. Cause I'm not.
Napatingin din siya sa hawak hawak niyang bulaklak at napahawak sa may batok niya, hindi ko na hinintay yung sagot niya at nagpasyang pumunta kay Ms. Leslie para matago na yung mga regalo pag nakita pa ito nila Gael naku, baka mauna pa silang magbasa ng sulat ni Kim. "Teka lang." sabi ni Allen kaya napatingin ulit ako sa kanya.
Nagpunta siya sa upuan niya tas nilapag niya sa desk niya yung bulaklak at may kinuha sa bag niya. Lumapit siya sa akin at ako naman binigyan siya ng puzzled look, he then gave me the box na nakagift wrap in a weird looking gift wrap paper sabay bigay din ng bulaklak "Happy birthday." bati niya sa akin habang nakalahad parin yung kamay niya with the gift and the flower.
Why was he greeting me eh binati na niya ako kahapon at bakit may regalo pa? Sure I liked gifts, I accepted all of my friends gifts to me, even Cyril's pero bakit hindi ko magawang matanggap yung kay Allen dahil ba may kasamang bulaklak at ang awkward?
"Ummmm...." I tried to speak hindi ko alam yung sasabihin ko eh.
"Eto na yung oras na kukunin mo sa akin yung regalo at sasabihin thank you." he said na nahihiya pa.
"Oh right." I said at kinuha sa kanya kahit pa labag sa loob ko hindi ko naman kasi ine-expect na bigyan niya ako. "Thank you." I said sincerely.
Nilagay ko na yung regalo niya muna sa paper bag na may laman na regalo ni Tita. "Sino nagbigay niyang mga yan?" he asked pertaining to the two paper bags that I was holding.
"Tita ni Kim kanina nung papasok na ako." I answered him. "Wait bakit mo ako binigyan ng regalo at ng bulaklak?"
Magsasalita pa sana si Allen kaso bumukas yung pinto ng classroom namin at sila Chelsea yung nakita ko, Chelsea was holding a round cake while the others naman ay balloons, diba we already celebrated my birthday? And there was Cyril na may hawak na bouquet ng pink roses.
Napatigil sila sa pagkanta ng Happy birthday nung napansin nila kami ni Allen na nakatingin sa kanila, sila naman biglang napatingin sa bulaklak at dala dala kong paper bag.
"Oh my Gosh napadala na ni Kim yung regalo niya sayo?" Chelsea squealed in excitement while looking at the Tiffany paper bag. "At may flowers pa. Eh nagpabili na nga siya sa akin niyan eh." she said at turo kay Cyril.
I gave her a puzzled look "Okay. Kim asked for my favor na i-surprise ka daw namin, nagpadala siya ng pera para sa cake, balloons at sa flowers pero hindi niya sinabi na may flowers na." she said.
"Ahhh.. actually...." I tried to tell her na hindi kay Kim galing yung bulaklak at kay Allen kaso paano ko sasabihin na si Allen ang nagbigay they would question it lalo na si Chelsea. I just sighed at nilingon si Allen. Napatingin naman ako kay Cyril na nakatingin din sa akin at ngumiti lang siya sa akin.
Binigay niya yung bulaklak sa akin, dahil dumadami na yung tao sa classroom nag paalam na sila, sabi ni Chelsea yung cake daw ibobox nalang daw niya ulit at tatago sa Home Ec lab.
At ako naman umupo nalang sa upuan ko at nilagay yung dalawang bulaklak sa upuan ni Riley pati na din yung dalawang paper bag.
"Hindi mo ba titignan yung regalo ko?" narinig kong boses ni Allen, tinignan ko siya at ayun nakaupo siya sa gilid ko, yung seating arrangement kasi namin medyo magulo, una it was a U shape pero the next thing I know, kaming nasa likod which formed the U ay pina-forward. So ang style ng upuan namin ay kaming apat na row ay naka face sa board at yung sa dalawang gilid naman ay nakaharap sa aming naka harap sa board. Ang weird basta ganun.
"Maya nalang." I said "Pero thank you ulit."
"Yung tanong mo kung bakit kita binigyan, alam mo na yung sagot dun." he said. I sighed. Gusto ko man maniwala sa sinabi niya dati hindi ko magawa at hindi din naman pwede.
Instead na sumagot sa kanya, kinuha ko ulit yung paper bag at kinuha yung regalo niya. Dahan dahan kong i-unwrapped yung regalo, it was a book. Tinignan ko si Allen. "Narinig ko kasi kayo ni Ella na naguusap dati kaya ayan lang naisip ko." he said.
He gave me Nicholas Sparks' The Choose. Ngumiti ako sa kanya at nag thank you ulit.
At lunch nakatambay kami ni Ms. Leslie sa lab at kinakain naming dalawa yung cake. Dala dala ko yung regalo sa akin nila Kim pati na din yung mga bulaklak. Umagang umaga palang masyado na akong naging sikat na naman, lalo na sa mga teachers.
Kay Ms. Leslie ko lang sinabi na si Allen yung nagbigay nung isang bulaklak.
"Kayo na ba ni Allen?" she bluntly asked.
Nagulat naman ako "Hala ka Ms. bakit mo naman yun naisip?" I asked.
"Sa kilos niyong dalawa?" she shrugged.
"Anong kilos diyan we rarely talk sa school." sabi ko. Sure close kami ni Allen pero sa labas lang yung ng school kasi sympre sa classroom hindi naman kami masydo nakakapagusap, minsan tuwing recess sa hapon pero minsan lang talaga kasi lagi akong nakatambay kasama sila Cyril.
"Eh bakit lagi kayong magkausap sa cellphone mo at lagi ka din naghihintay sa lounge?" She suspiciously asked me.
"Si Cyril ang hinihintay ko at masama na bang makausap siya? Eh minsan naman conference call yun eh!" I defended myself.
"Sabihin mo na kasi sa akin."
"May girlfriend yung tao..."
"So kung wala kayo na?"
I sighed and decided to tell her the truth kahit pa she might judge me sa mga nagawa ko o sa ginagawa ko. I trust Ms Leslie kaya siguro nasabi ko sa kanya yung lahat. Walang nakakaalam kundi siya lang. I told her about how things progressed between me and Allen during the baby project and also when he comforted me nung nawala ako sa top at kung paano kami naging super close and lastly when he bluntly confessed. Hindi ako nagyayabang but he did, magkasama kami sa lounge nun kasi hinihintay ko si Cyril dahil si Cyril yung maghahatid sa akin sa bahay wala kasi si Manong nun kaya ayun. He told me his feelings and know what? Hindi lang pala crush yung meron ako sa kanya, I do like him pero I told him no dahil may girlfriend siya na haggang ngayon hindi pa niya hinihiwalayan.
Pero that didn't stop whatever we had, lagi parin kaming nagkakausap at magkasama. Hindi ko naman sinasabi na hiwalayan niya si Ate Ericka kasi ayokong makasira ng relationship at isa pa napaka-unfair ko kay Kim. Kaya I've been distant with him.
"Ikaw kasi may kasalanan nito eh." sinisi ko si Ms. She looked shocked "Kung hindi mo kami pinartner edi matapat pa ako kay Kim!"
She laughed a little pero she became serious again "I get it na sa tingin mo you're cheating on Kim pero hindi naman Mary. Hindi kayo. Sure you two promised ten years after pero walang kayo Mary. Hindi mo nilgayan ng kayo. Kaya don't feel guilty na nahuhulog ka kay Allen."
"Mali parin Ms." I said "Pinapaasa ko si Kim tas si Allen naman...."
"Edi sabihin mo kay Kim yung totoo. Masasaktan siya pero given na yun Mary. As for Allen, let him decide, hindi ko sinasabi na ayos lang kung ano man meron kayo ni Allen dahil teacher mo ako Mary at I need to be a give you advice na makakatulong. Hindi kita kukunsintihin sa ginagawa mo. Alam mo sa sarili mo na mali yung makipagrelasyon sa lalaki na may girlfriend. Kaya ikaw bahala. Pero sa tingin mo ba talaga na worth it yung pagtatago niyo? Stop it haggang hindi mo pa siya mahal."
I huffed "Ms. hindi ko kahit kailan mamahalin si Allen."
"At bakit naman?"
"Kasi si Louie parin yung nasa puso ko. And it would be so unfair para kay Kim kung biglang si Allen yung minahal ko diba?"
"Hindi mo naman kasi natuturuan yung puso Mary. Kung darating na mamahalin mo si Allen, kahit gaano mong isipin na unfair para kay Kim, hindi. Kahit kailan hindi naging unfair dahil Mary you tried your best to try diba? Pero hindi eh."
I sighed "So overall Ms. kailangan ko ng sabihin kay Kim na haggang best friend lang kami?" I asked. She nodded "Pero paano pag nawala siya sa akin?"
"That's the price Mary. Alam kong natatakot kang mawala siya pero mas lalo siyang mawawala sayo kung papaasahin mo parin siya. Mahal na mahal ka nung tao diba? Nasasaktan mo na siya kaya tama na."
"Masama ba ako Ms kasi hindi ko siya minahal?"
"Hindi ko kasi nakilala personally si Kim pero I heard he's a great guy. Pero hindi ka masama Mary, alam mo kung bakit?" she looked at me and I shook my head "Kasi hindi mo kasalan kung hindi mo kayang mag let go." hindi ko alam kung paano ia-analyze yung sinabi niya, na hindi ko kayang mag let go "Hindi mo kasalanan kung si Louie lang talaga. He was a great guy after all."
Sympre Ms. did know Louie personally diba nga close ako sa kanya talaga.
"Thanks Ms." I said.
Pagkauwi ko naman dun ko binasa yung sulat ni Kim. And it made me cry. I was his first love.
And here I am going to break his heart when he did nothing to deserve it.
No comments:
Post a Comment