Wednesday, March 6, 2013

A Little Help from Destiny Chapter 29

Chapter 29 - Not lying, just not telling the truth


Another week passed by na nasa hospital ako, Kim left with Aunt Sachi simula nung pag-uusap namin nung gabing yun hindi na ulit kami nagusap, galit ako sa kanya at alam kong galit din siya sa akin. Pero hindi ako nagsisisi na nag-away kami. Tama lang siguro yun dahil simula nung nakilala ko si Kim, hinding hindi niya nilabas yung mga hinanakit niya sa akin. 


Tama lang na ngayon nalabas na yung kahit konti sa mga nararamdaman niyang galit sa akin pati na din ang mga insecurities niya kay Louie. 


2 weeks na akong hindi pumapasok, at ang dami ko ng nare-receive na texts sa mga classmates ko pero hindi ko ito pinapansin, nagpupunta na din sila sa bahay at tinatanong kung nasaan ako at sinasabi lang ng mga maids ay wala ako. 


Alam ng mga teachers ko ang nagyari sa akin, sympre yung school doctor yung nagpa-check sa akin diba kaya alam nila, at kinausap na din ni mama ang principal sa school along with my adviser. My teachers visited me with Cyril one time.


Narining kasi ni Cyril yung meeting ng mga teachers ko at ng principal tungkol sa condition ko kaya nagtanong agad siya kay Skye, at dahil nga magkaibigan yung dalawa, inamin ni Skye yung totoo. Hindi na kasi nagaaral si Skye sa school namin dahil pinalipat na siya ng parents niya kaya nahirapan pa si Cyril sa paghahanap sa kanya. Mahirap kontakin si Skye kasi eh.


Dahil nga alam na ni Cyril, hindi na ako nagsinungaling pa sa kanya. Pero siya lang ang makakaalam nito dahil I made him promise it to me. Sabi niya bat kailangan daw magsinungaling but I'm not lying, just not telling the truth. 


Mas mabuti ng kunti lang ang nakakaalam dahil pag nalaman nilang lahat, magbabago yung trato nila sa akin, at hindi na ako yung magiging Mary na kilala nila. Pag naiisip nila ako hindi na yung masiglahing Mary kundi yung sakiting Mary na.


Ayoko nun. Gusto ko kung paano nila ako nakikita dati ganun parin ngayon. Wala naman nagbago sa akin eh, kundi nagkasakit lang ako. Ako parin naman to pero sa oras na malaman nila, mag-iibia na ako, mawawala na yung dating ako.


Ngayon nalang ulit ako papasok. Hindi ko nga alam kung paano ako kikilos ngayon na may sakit na ako pero ang gusto ko yung kilos ko ganun parin kaso madaming magbabago. Hindi na ako pwedeng mapagod ng sobra.


Kasama ko ngayon si mama, kinakausap ni mama yung principal namin dahil nga sa akin. Alam na naman nila kaso sympre gusto ni mama, ibri-brief ulit sila. I remembered nung unang nakausap ni mama yung principal, ayun nga kasama si Dr.Gonzales at sinabi na nila yung totoo.


Our principal understood right away, every teacher signed the confidentiality agreement that our lawyers provided. Yung lagay ko kasi gustong itago ng pamilya ko sa lahat ng tao. Ayun nga then the principal remarked na kaya daw pala ako nawala sa top dahil sa sakit ko.


And my mom being mom agreed on that remark. Siguro nga totoo din yun na kaya ako nawala dahil deep down alam kong wala ng saysay kung nasa top ako kasi mamatay na din ako. Siguro nga unconsciously alam ko na.


After magusap nila mama, umalis na din si mama at ako naman umakyat na sa classroom ko, tapos na yung Worship, yung group ko pa naman yung naka-assign ngayon. Sana naayos na nila Carmina yung mga dapat ayusin.


Kinakabahan ako nung nasa tapat na ako ng pinto, pero alam kong kita na ako ng mga kakalse ko dahil sa pinto namin. Kaya lumabas agad si Ms. Ryn at niyakap niya ako. Siguro hindi niya napansin na nandun na ako kanina pa sa office ng principal.


"Kanina ka pa?" she asked me.


Nag nod lang ako sa kanya. "Nasa principal's office po kami ni mama kanina." sabi ko at sabay na kaming pumasok dalawa.


Nakatingin sa akin lahat ng mga classmates ko kasi nga 2 weeks akong nawala, pinaupo na ako ni Ms. sa upuan ko, grabe namiss ko tong classroom ko. Tinignan ako ni Riley. "Saan ka nanggaling?" he asked.


"Diyan lang." sabi ko.


Hindi pinansin nila Tony si Ms at nagsilapitan sa akin. "Bat bigla ka nalang nawala?" he asked.


Napatingin ako kay Ms kaya pinaupo niya lahat ng mga classmates kong nagsipuntahan sa akin. "Class, wag niyong palibutan si Mary." sabi niya "Mary went overseas may inasikaso sila dun kaya ganun." she explained. Ayun yung excuse ko eh, nagpunta kami sa ibang bansa.


"Eh bakit pumayat siya?" tanong ni Ran. "Diba dapat tumaba ka?" he asked


"Ganun talaga. Napagod ako sa kakalibot eh!" I defended.


"Uy nagsalita na siya!" sigaw nila Tony. "Ms. wag na tayong maglesson! Welcome back party ni Mary!" he said.


Natawa kaming lahat. "Wait asan mga pasalubong namin!?" tanong ni Ella.


And of course, may props ako. "Dala dala ni Cyril eh. Mamaya kukunin ko nalang sa kanya." I said. Sympre nagpabili ako ng chocolates at nga mga souvenirs from New York kay Claire at pinadala nalang niya.


Dahil nga welcome back party ko daw ngayong araw, hindi kami naglesson kay Ms. Ryn hinayaan lang niya na kausapin ako ng mga classmates ko. And I tried my best to smile at them. Eto ang ayaw kong mawala pag nalaman nila. Yung carefree feeling na nararamdaman ko.


Napatingin ako kay Allen na nakaupo lang sa upuan niya habang kami naman nila Tony ay nasa harap kausap si Ms. Ryn. Kinuha nila Ran yung pasalubong ko sa kanila kay Cyril kaya eto kami kumakain ng chocolates at suot suot pa nila yung I  New York na t-shirt pati yung hat na naka style na statue of liberty. 


e

Sa two subjects namin hindi kami naglesson, dahil sinasabi nila sa teacher na welcome back party ko. Recess na at tinatamad akong lumabas ng classroom. May chocolate pa naman kaya eto nalang kakainin ko. 


Nagulat nalang ako kasi si Cyril pumasok sa loob ng classroom, may bitbit na sliced na apples na nasa plate na I'm sure galing sa lab pati na din ng fresh milk. Umupo siya sa upuan ni Riley, nagtitinginan nga mga classmates ko kasi ang weird naman talaga eh.


"Eto kainin mo." sabi niya sa akin sabay lapag nung apples sa desk ko. "Hiniwa ko pa yan sa taas." pagmamalaki niya "Sabi nga nila an apple a day keeps the doctor away!" 


Natawa lang ako sa kanya. Kahit pa naman wala akong sakit, Cyril knows how to take care of me. Kaya nga parang kapatid ko na to eh. "Hindi mo naman kailangan gawin yan eh. Kakain naman ako eh." 


"Ikaw?" he asked na parang nagulat pa siya "For sure hindi healthy kakainin mo kaya pasalamat ka sabay tayo sa lahat ng breaks." 


"Oh paano ka lalandi?" I asked jokingly at tinignan niya ako ng masama. "Diba may bago kang nilalanding first year?" I asked, nilalandi kasi hindi naman niya nililigawan, nambobola lang kumbaga. 


"Sabi nga nila bros before hoes." He said at pinalo ko siya sa braso niya sa sobrang tawa ko. He just describe that girl... "Ikaw ang mas mahalaga kaysa sa mga nilalandi ko." he said and smiled at me genuinely.


"Kahit si Jasmine?" I asked at nagulat ako sa lumabas sa bibig ko. Jasmine. Ilang taon na ba ang nakalipas at ang pangalang Jasmine ay isa paring sour subject hindi lang kay Cyril kundi sa lahat?


"She's gone. So yeah." malamig na sagot ni Cyril sa akin. Kaklase na namin si Jasmine since kinder, close kami ni Jasmine dahil nung mga bata palang kami mahinhin na din ako. She was the epitome of innocence and she was really beautiful. 


Lahat ata ng lalaki may gusto sa kanya kaso Cyril was the only man she ever acknowledged to court her. Grade 5 palang kami simula nung nagligawan yung dalawa at nung first year na kami, dun sinagot ni Jasmine si Cyril with her parent's approval. 


Everybody liked Jasmine even the teachers and staffs. She was sweet and caring. Lahat talaga namangha sa kanya. At nung naging sila ni Cyril, ayos lang sa lahat, we even portrayed them as the perfect couple sa batch namin. 


Pero isang araw, hindi na bumalik si Jasmine. Hindi na siya pumasok. Bigla nalang siyang nawala parang bula. Kahit mga teachers hindi alam ang nangyari sa kanya. Kahit si Cyril walang kaalam-alam. Ang daming lumabas na balita tungkol sa kanya, iba sabi nag migrate na sa ibang bansa, at ang pinakamalala sa lahat ay kasama daw si Jasmine dun sa mga namatay sa paglubog nung MV Princess of the Stars. 


Kung iisipin mo, pwede kasi nagpaalam pa si Jasmine kay Cyril na aalis sila ng family niya muna at pupunta sila ng Cebu. Eh diba sa Cebu ang route ng barkong iyon.


Pero hindi namin alam ang totoo. Sabi nila hindi pa daw nakukuha ni Jasmine yung record niya sa school, pero dineny ng school yun. But some think na hindi nagsasabi ng totoo yung school. Anyway, Jasmine is until now the Greatest unsolved Mystery of St. Peter High. 


Simula nung nawala si Jasmine, wala ng naging girlfriends si Cyril, sabi ko nga nanglalandi lang siya pero hindi nangliligaw. Siguro sa isip niya sila parin ni Jasmine kasi they never broke up. 


Why am I telling you the story of Jasmine? This is my story. 


Kumain nalang ako ng tahimik, not wanting to say anything dahil baka ma-bad mood pa si Cyril. Para kay Cyril, Jasmine's name is a taboo. We don't talk about her. 


"Have you ever thought that maybe she was really in that ship?" I asked out of curiosity. Ayaw kong maging sour yung mood niya pero I'm really curious sa mga iniisip ni Cyril tungkol sa nangyari kay Jasmine. 


"Kahit kailan hindi ko naramdaman na wala na siya sa mundo Mary." Cyril answered me. "Hindi pa siya patay."


"Pero bakit bigla siyang nawala? She didn't even say goodbye." 


"Ewan ko." he said. 


"Do you still love her?" I asked. 


Tinignan niya ako "Diba ikaw na din nagsabi Mary, first love never dies." he said. So inaamin na din niya na si Jasmine parin after all these years. Wow. 


"Won't you try to move on? Let go?" 


"Bakit ikaw Mary? Kaya mo bang pakawalan si Louie?" he asked and looked at me pero yumuko ako, alam naman natin ang sagot niya and so I shook my head "That's what I thought." he said to me "Kung ikaw hindi mo kayang pakawalan si Louie kahit alam mong hindi na siya babalik, mas hindi ko kayang bumitaw sa pag-asa na babalik siya." Kawawa naman ang Cyril ko. 


Still hoping that one day she'd come back. Pero siguro katulad ko alam na din ni Cyril yung totoo, she really did die in that ship. There was no other explanation kung bakit bigla siyang nawala, but still Cyril is not giving up. Still hoping for that day to come. Kahit alam niya sa puso niya yung totoo. Na hindi na babalik si Jasmine. 


Mahirap naman talagang bumitaw sa isang bagay na buong buhay hawak hawak mo na. 


I changed the topic after that kaya nasiglahan na ulit si Cyril. 


Napatingin kami ni Cyril sa likod ko nung tinawag ako bigla ni Allen, may hawak hawak siyang Chips ahoy at Chuckie. "Bakit?" I asked smiling at him. 


"Binili kita ng favorite mo." sabi niya sabay alok sa akin nung Chips ahoy. 


Tinignan naman ako ni Cyril, I know I know. The day I learned about me, napag-usapan na namin ni Cyril to. I need to end whatever it is with Allen. Pero nakakahiya naman kung hindi ko tatanggapin yung alok niya. "Diba Mary may sasabihin ka kay Allen bat hindi mo pa sabihin." Cyril said at nakatingin siya sa akin na para bang sinasabi na Hindi ko nakalimutan yung pinangako mo sa akin.


I sighed. Ayokong mapahiya si Allen pero ayoko din naman baliin yung sinabi ko kay Cyril. He's my best friend. But si Allen. "Uhhh....." tinignan ko si Cyril para siya na yung magsalita.


"Nakadami na ng matamis si Mary kaya no thanks nalang daw." Cyril said to Allen. Tas siniko siko pa ako na parang sinasabi na Sabihin mo na o ako.


"Ahh Allen, pwede ba tayo magusap mamaya?" I asked him. Tama naman yung gagawin ko eh. Kasi si Kim nga pinalayo ko na dapat lang pati siya. 


"Sige." ayun lang sinabi niya tas nilapag parin niya yung chips ahoy pati chuckie sa desk ko at naglakad siya palabas ng room. 


Pinalo ko agad si Cyril nung wala na sa paningin ko si Allen. "Kaw lalaki ka!" I said at sinabunutan ko pa.


"Aray aray!" he said. "Sorry na. Sabi mo dati tatapusin mo na eh!" he said. Nagsipasukan na yung mga classmates namin kaya siguro time na so tumayo na si Cyril at tinignan yung labas, pumasok na din si Allen kasama sila Ran. "Sige mamaya nalang." sabi niya sabay kuha nung binigay ni Allen "Sabi ko naman sayo eh, naka-quota ka na sa matamis!" he winked at me at tumakbo palabas at ang paglabas niya pumasok na yung teacher namin. 


Nagsiupuan na sila. 


Naglesson sympre yung teacher namin. Hindi naman kasi papatalo niyan. 


"Ri" (Ray) pabulong kong tawag kay Riley, tumingin siya at halatang bored din. "Naaalala mo pa si Jasmine?" I asked. Okay I know, obsessed ako kay Jasmine today ewan ko ba pero nacurious ako sa babaeng yun. 


Tinaasan niya ako ng kilay, ang bakla talaga tong si Riley! "Anong meron kay Jasmine? Siguro ikaw nagbanggit nung pangalan na iyon kay Cyril ano?" he asked.


"Paano mo naman nasabi may ginawa ba si Cyril?" I asked. 


"Hindi mo ba nakita yung mukha ni Cyril nung lumabas siya ng room? Akala mo natalo sa lotto." He said at nagmake sound pa ng tsk. 


"Paano ba yung mukha ng natalo sa lotto?" I asked. Knowing him, mauuto ko to. 


And yes, nagmake face siya at grabe tawa ako ng tawa pero mahina lang, napatingin sa amin yung magkabilang side buti nalang nagsusulat sa blackboard yung teacher.


"Pero anong meron kay Jasmine? Bakit mo nabanggit yun kay Cyril?" he asked seriously. 


I shrugged "Wala lang naisip ko lang kung bakit siya nawala ng hindi nagpapaalam." I said. 


"Knowing Jasmine, may tinatago yun dati. Imposible naman kasing tahimik ka at wala kang tinatago eh. Baka ayun yung dahilan." he said. "Pero wag mong gagawin yun Mary ah! Yung mawawala bigla." he said seriously. "Alam mo ba naglokohan sila Edmond na Jasmine II ka daw." he said. "Muntik na ngang magkasuntukan sila Den at Edmond eh. Kasi naman ang tagal mong nawala." 


Muntik ng may nag-away dahil lang dun? Pero sabi ko naman sainyo sour topic si Jasmine. Yung joke na may Jasmine, dadagdag sa apoy na lumiliit na. 


"Basta ah, pag aalis ka ulit, magpaalam ka naman sa amin o kaya mag paramdam ka parin!" sermon niya.


Ngumiti lang ako sa kanya dahil alam ko hindi ko kayang ipangako sa kanya iyon dahil hindi ko alam kung haggang kailan pa ako.


Siguro kaya ko nabanggit si Jasmine ngayong araw kasi alam ko na gagawin ko din yung ginawa niya. Ang mawala ng hindi nagpapaalam.

No comments:

Post a Comment