Wednesday, March 6, 2013

A Little Help from Destiny Chapter 30

Chapter 30 - Betrayed by my own best friend


Allen broke up with Ate Ericka. Ayun yung sabi niya sa akin nung nag-usap kami nung araw na bumalik ako sa school. Uwian na nun at dahil cleaners ako nun, nandun din siya naghihintay. Hindi nalang siya pinansin nila Riley at naglinis na. Nang matapos kami at ako nalang yung natira pati siya kasi hinihintay ko pa si Ms. Ryn para sa pagche-check niya ng room namin. 


At isa pa wala pa si Cyril dahil may CAT sila nun at late uwi nila kaya hihintayin ko muna siya. Sabi niya kasi sabay kaming bababa at hahatid niya ako sa kotse at sasama pa daw siya. Ewan ko dun masyadong maalalanin. 


Umupo kami ni Allen at dun niya sinabi sa akin na nung break sila nag break ni Ate Ericka at tinanong niya ako kung pwede na ba daw akong maging girlfriend niya o kung gusto ko daw bang mangligaw din siya muna. 


I freaked out that time. Hindi ko naman kasi alam na kaya niyang makipag break kay Ate Ericka at yung mga iniisip ko nung panahon na iyon, tatapusin ko na kung anong meron kami. Yung MU thingy namin, it needed to end pero ayun siya telling me na mangliligaw siya. 


I was saved by Ms. Ryn dahil dumating na siya at nag check ng classroom, pagkatapos niyang mag check saktong labasan na nila Cyril kaya hinatak ko na nun si Cyril palabas ng school. Sumakay agad ako sa kotse at ganun din si Cyril. 


At since then umiiwas ako kay Allen, he tried to talk to me pero hindi ko hinahayaan na kaming dalawa lang, palagi akong may kasama, tuwing break si Cyril at lunch naman sila Carmina at Ella yung kasama ko. Pag naghihintay ng teacher, hindi ko hinahayaang umalis sa upuan si Riley o kung mapilit si Riley na lumabas, pupunta ako sa upuan ni Carmina at dun muna ako. 


Sa mga texts niya at tawag hindi ko din iyon pinapansin. Wala lang sa akin yung lahat pero sa totoo naawa na ako sa kanya, kasi he was trying so hard to talk to me while I was trying hard to get away from him. 


Pero eto yung tama kasi kahit pa break na sila ni Ate Ericka hindi pwedeng  maging kami. May sakit ako. At kailangan niyang lumayo na sa akin. Katulad ni Kim kailangan din niyang lumayo. Kim loved me and it would hurt him when I die. At ganun din kay Allen, sabi niya mahal daw niya ako kaya mas maganda ng lumayo ngayon na hindi pa katulad ni Kim na mahal na mahal ako. 


Kasi hindi ako naniniwala na mahal na niya ako, pwede ba yun ma in love ka within months of knowing each other?


Today busy ang mga tao sa bawat departments kasama na din ako dun dahil member ako ng Debate Team, ngayon kasi yung nominations sa buong school para sa mga quiz bee at mga declamation at debate sa March.


Hindi kasi basta basta nakakasali yung isang student sa mga contest na gaganapin sa March dahil gusto ng school yung mga contestants sa March, magagaling at nerve-wracking yung event at magagawa lang yun kung lahat ng contenstants na kasali ay hindi agad agad matatanggal sa first round kaya ngayon, nominations na, kumbaga sa March it will be the Battle of the Bests.


Madali lang yung sa amin sa debate team dahil obviously hindi kami kukuha ng contestants na wala sa ranking. Criteria for the debate would be dapat nasa overall ka. Hypocritical, I know. Dahil ako wala na sa top but still this is my rule. At isa pa hindi naman ako kasali sa mag debate, I'll be managing the event.


For the declamation naman, lahat ng gustong sumali ayos lang pero sympre ngayon mamimili yung mga judge kung sino sino yung finalists. Math club would hold a quiz bee as well as the History Club, pero in all honesty lahat ng club, quiz bee ngayon.


Masaya lang ngayong week kasi excused yung mga nag mamanage at isa ako dun.


"Guys pila na!" sigaw ni Ella sa amin, aakytat kasi isa kami sa audi para manood ngayon, judge kasi yung teacher namin para sa oras na to kaya pinaakyat nalang kami para hindi na magbigay ng seat work.


Pumila na kami pero maya maya lang nagkawatakwatak na din yung pila, umakyat kami sa audi at nagsisimula na yung event, dahil ako yung nasa unahan, pinili ko yung sa may right side at umupo na sa harap. Sumunod naman yung mga classmate ko.


At dahil boring nagkwentuhan lang kami nila Ynna at Carmina. Pinipilit kong tumawa sa mga jokes nilang dalawa kahit ang awkward ng pakiramdam ko kasi naman alam ko na may nakatitig sa akin sa likod at sympre pinilit kong wag tignan si Allen.


Ang hirap kaya na tatawa ka kahit pakiradam mong awkward na. Siguro ramdam ni Carmina yung awkwardness kaya tawa lang din ng tawa. Siya lang kasi yung nakakaalam about kay Allen sa section namin. Ewan ko nga kung bakit niya nalaman basta isang araw nagtanong nalang siya.


Napatingin kami ni Ynna sa stage nung may nagsalita emcee ata yun eh. Hindi ko siya kilala ewan ko bakit. Pero dapat kilala ko siya dahil emcee siya at isa ako sa mga nagmamanage ng events ngayon. Kaya siniko ko si Ynna at bumulong sa kanya kung sino yun.


Pero si Ynna naman nilakasan yung sagot niya "Si Liu yan."sagot niya na sobrang lakas. "Crush mo ano!" inis pa niya.


Tinignan ko siya na parang baliw na siya at sasagot sana sa kanya kaso sumabat si Riley na umupo sa desk ng upuan ko at umakbay pa sa akin. "Crush mo yan?" gamit yung bibig niya tinuro niya yung Liu. Kinurot ko yung tagiliran niya "Uyy denial!" inis pa niya.


"Epal kayo. Nagtatanong lang kung sino!" I defended myself. Wala akong time para maghanap ng bagong crush.


Nung bumaba yung Liu, tinawag pa naman ni Riley, close ata sila eh. Ewan ko pero feeling ko pulang pula na ako sa ginagawa ni Riley sa akin. "Kev si Mary." pagpapakilala niya "Mary ayan oh si Kevin Liu."


Tinignan ko siya ng masama pero natawa lang si Riley. Tas tinignan ko si Ynna at ayun nauna pang makipag shake hands kasi ayaw kong tanggapin yung kamay nung Liu. Pero dahil mapilit sila edi ginagwa ko na, alam niyo yung feeling na parang may masamang elemento nakatingin sayo sa likod ayun yung pakiramdam ko kasi alam ko nakikita ni Allen yun.


Habang hindi pa sila tinatawag ulit sa stage nandun lang si Liu nakatayo sa harap ko habang si Riley naka-akbay parin sila yung naguusap ngayon. "Crush ka daw ni Mary." sabi ni Riley. Tinignan naman ako ni Liu at sabay sa pagpalo ko ng malakas kay Riley ang padabog na pagtayo ni Allen.


Tinignan ko yung likod ni Allen na naglalakad paalis. Gusto ko siyang puntahan. Gusto kong sabihin na hindi ko crush yung Kevin Liu kaso nakita ko na nakaupo si Cyril sa may gitna at nakatingin sa akin. I sighed dahil alam kong hindi yun papayag.


Binalik ko nalang yung tingin ko sa harap "Anong problema nun?" tanong ni Riley sabay lingon din sa harap.


"Lagi nalang bv yun si Allen." sabi ni Ynna "Simula nung naghiwalay sila ni Ericka."



"Baka hindi pa maka-move on." sabi naman ni Carmina na nakatingin sa akin.


Hayy buhay. Tinanggal ko yung kamay ni Riley sa akin at tumayo na ako "Nice to meet you pala." I smiled to Kevin Liu at tinignan ko sila Carmina "CR lang ako." sabi ko sabay lakad.


Bahala na si Batman. Kawawa naman si Allen eh, kaya pansinin ko nalang muna. Bahala na kung sermonan ako mamaya ni Cyril sama mo pa si Carmina. Pero I have this urge to comfort Allen. Hindi ko alam pero gusto ko siyang i-comfort siguro kasi sa kanilang dalawa ni Kim, hindi ko nagawang i-comfort si Kim kahit kailan.


Kahit kailan laging ako nalang yung kino-comfort dati ni Kim at ng ibang tao. Puro ako nalang simula pa dati at mas dumagdag pa yun nung nalaman na may sakit ako. Siguro epiphany to. Wow.


Nakita ko si Allen sa may likod at nasa loob ng cr ng boys, hindi ko tinignan yung loob ng cr ah. Nasa labas lang kasi siya ng cr kaya kita ko siya, nakatalikod siya at hindi pumapasok.


Naglakad ako palapit sa kanya, hinawakan ko siya sa may balikat niya at nagulat ata siya sa akin "Mary?" he called at ngumiti lang ako sa kanya.


Hindi ko alam kung anong meron sa akin kasi nung humarap na siya sa akin, hinawakan ko siya sa mukha niya, hindi ako affectionate na tao alam yan ng lahat ng nakakakilala sa akin. Hindi ako showy sa feelings ko, nawi-weirduhan pa nga ako pag nagiging ganito ako. Pero hindi ko alam kung bakit ko to ginagawa.


"Sorry." I told him sincerely habang nakatingin sa mga mata niya.


Bigla nalang niya akong niyakap, yung sobrang higpit, hindi ako makagalaw, naiipit yung kamay ko sa dibdib niya pero gustong gusto ko din siyang yakapin. "Ayos lang. Ayos lang." paulit ulit niyang sabi sa akin.


"Hindi ko crush yun." pag-aamin ko sa kanya, kahit I see no reason on telling him that information.


"Mahal kita Mary, please naman kausapin mo na ako ulit." he said habang yakap yakap parin niya ako.


Buti nalang at nasa likod kami at busy lahat manood sa stage at walang tumitingin sa amin. Kundi chismis na naman to.


I sighed at humiwalay na ako sa kanya. Ngumiti nalang ako sa kanya. "Sige kakausapin na ulit kita." I said. I've decided hindi man pwedeng maging kami, pwede pa naman maging magkaibigan diba?


Siguro dapat kay Kim din gawin ko to. Makipag-ayos na din ako kay Kim dapat. Para kahit pa mamatay na ako, no regrets. Sasama ako kay Louie na masaya ako dahil madami akong naging kaibigan.


Pagkatapos nun sabay kaming bumalik sa harap at umupo ako dun sa pwesto ko, si Allen naman tumabi sa akin kasi lumipat si Ynna sa likod para makipagchismisan. Nakita ko kung paano nawala yung ngiti ni Carmina kanina nung naglakad kami and how she shook her head disapprovingly sa pag-upo ni Allen.


Ayaw din niya kay Allen. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw nila kay Allen. Mabait naman siya eh. Siguro nga may ugali si Allen pero mabait naman siya eh.


Dahil dala dala ko yung bag ko, kinuha ko yung pagkain ko. Nagugutom kasi ako eh at lunch na maya maya kaya might as well eat a snack diba?


Nilabas ko yung mga Pocky ko, binigay ko yung isang box sa likod at isa naman kay Carmina peace offering ko na din. Tas yung isa pa, binuksan ko na at inalok ko kay Allen kumuha siya at kumain na kami. Nakangiti siya ngayon.


Mabuti naman at medyo umaayos na yung pakiramdam niya. Nagi-guilty kasi ako eh.


Lumapit si Liu kasama si Riley na nakaakbay sa kanya, nakita ni Riley na kumakain ako kaya ngumiti siya, favorite niya kasi to, nilahad ko yung box at sympre kumuha siya, inalok ko na din si Liu at ayun nahiya pa pero kumuha siya. Pansin ko na nakasimangot si Allen kaya tumingin ako sa kanya at ngumiti.


At ngumiti din siya sa akin, siguro nagets niyang nakikipagkaibigan lang ako sa tao.


Maya maya din, gutom na talaga ako, pero hindi pa kasi tapos yung program. Nakakainis lang. Napansin kong may tao sa may gilid ko na nakatayo at tinignan ko kung sino, si Cyril lang pala pero yung tingin niya alam kong galit siya sa akin.


"Tara na kain na tayo." pagaya niya sa akin tas tumingin siya kay Allen na nakasimangot.


Kung iba siguro maga-assume na nagseselos si Cyril pero alam ko yung totoo. Hay buhay. "Hindi pa tapos yung program ah." sabi ni Allen.


"Hindi naman ikaw yung inaaya ko. Mary tara na." sabi ni Cyril at alam kong dapat sumunod na ako sa kanya, kasi nga katulad din siya ni Louie, pag galit na dapat sinusunod mo na para wala ng gulo.


Tumayo na ako at tumingin muna kay Allen. "Kain lang kami." sabi ko sa kanya.


"Baka hanapin ka ni Ms." sabi pa niya.


Ngumiti nalang ako sa kanya kasi sure akong nagpaalam na si Cyril kay Ms. na kakain na ako. Kailangan ko pa kasing uminom ng gamot. "Hayaan mo siya." sagot ko at tumalikod sa kanya at hinarap si Cyril at ngumiti ako sa kanya kahit alam kong kahit anong ngiti ko galit na siya. I linked my hand to his arm at nagpacute sa kanya "Tara?" I said at tumango lang siya naglakad na kami "Sorry na Cy-Cy." sabi ko.


He sighed "Kumain nalang tayo." sabi niya kaya bumaba na kami at pumasok sa Home Ec lab. Kahit hindi pa ako special talagang minsan dito ako kumakain pero ngayon talagang mas preferred na dito nalang ako kumain para tago pag umiinom na ako ng gamot kasi aayusin pa ni Cyril yung gamot ko.


Hinanda na ni Cyril yung baon ko na dinala ni Yaya. Kumain kami ng tahimik pero I couldn't take the silence kaya tumigil ako ganun din siya, tinignan lang niya ako "Sorry na kasi Cy. Bahala ka pag hindi mo ako kinausap hindi na kita papansinin kahit kailan." I said.


"Kasi naman nangako ka na Mary."


"Break na sila!"


"So kung break na sila, hindi mo titigilan niyan?" Tanong niya "Sabi mo dati ayaw mo yun pero bakit ngayon?"


"I'm trying." I said at yumuko na ako "Sinusubukan ko naman eh. At hindi ko naman siya nilapitan kasi gusto kong maging kami, nilapitan ko siya kasi Cy gusto ko ng maging maayos yung lahat. Friends. Please Cy pumayag ka naman na maging friends kami." sabi ko "Kasi napag decide na ako na dapat makipag ayos na ako sa kanila ni Kim so please."


"Mary kung sayo kaibigan lang, aasa at aasa sila. Hindi ko gustong maging masama pero Mary ikaw na nagsabi sa akin, hindi mo na kayang ibigay yung gusto nila, kasi sarado na yan at si Louie lang at dahil may sakit ka. Una hindi ako pumapabor sa dahilan mong may sakit ka kasi gagaling ka at hindi ka naman mamatay pero sabi mo kasi kaya ayaw mo na din kasi hindi mo naman kayang magmahal na. Natatandaan mo pa ba yung una mong sinabi sa akin nung tinanong kita tungkol kay Kim? Sabi mo it will always be Louie." Cyril said. Tama naman siya eh "Aasa sila Mary. Si Allen aasa na pwedeng maging kayo ganun din si Kim. Pareho silang aasa. Friends sige kung ayan yung gusto mo pero para sa kanila, pwede pa nilang i-widen yun. Aasa sila na pwede. Na pwede pa."


Naiiyak na ako sa mga sinasabi ni Cyril kasi parang pinapalabas niya na pinapaasa ko yung dalawa. Hindi naman diba? Gusto ko lang naman bumalik sa dati eh, gusto ko lang yung dating buhay ko.


Hindi na ako sumagot kay Cyril at nagpatuloy na sa pagkain. After eating, nilabas na ni Cyril yung mga gamot kong kailangan niyang i-crush para lang mainom ko. Pati yung Chuckie.


Iuna niya yung syrup tas yung crush na gamot na nilagay sa tubig, mapait pero kailangan kasi hindi ko kayang uminom ng mga capsule o tablet. After that yung chewable na.


"Tara na sa clinic." sabi niya sa akin at pumunta na kami. Isa sa mga gamot ko tinuturok sa akin once a week at since it's Friday eto yung time for me to have that medicine.

e

Nag-uwian na at gloomy na ako dahil sa nangyari sa amin ni Cyril, alam kong galit siya pero naghintay parin siya sa labas ng classroom at sabay parin kaming lumabas. Nung nasa tapat na kami ng sasakyan, binuksan na ni Manong Rod yung pinto tas pumasok na siya sa driver seat.


"May gagawin pa ako. Kita nalang tayo sa Monday." paalam ni Cyril sa akin at bumalik siya sa loob ng school.


Pagpasok ko sa sasakyan, umiyak na ako. Sabi ni Manong Rod wag na daw akong umiyak gusto kong sabihin sa kanya pati ba yung pag-iyak bawal na din ngayon? Na lahat nalang bawal dahil nakakasama sa akin.


Galit sa akin lahat ng lalaking mahalaga sa akin. Si Kim, hindi ko alam kung kaya kong ayusin yun. Si Cyril na akala ko kahit kailan hindi magagalit sa akin kasi dati ako yung nagtatampo pero hindi siya, kahit anong inis ko sa kanya, hindi siya nagagalit pero ngayon galit siya sa akin.


And I badly wanted to talk to someone.


Pag-uwi ko, I decided na kakausapin ko si Kim. Alam ko selfish ako kasi tatawagan ko siya ngayon dahil wala akong makausap pero kasi nassaktan ako at nag-iisa.


Pagpasok ko sa kwarto ko, binuksan ko na agad yung laptop ko, naka-sleep lang naman kasi yun eh, tas online naman ako kaya hihintayin ko nalang din si Kim.


Hindi na muna ako nagpalit at nakatunganga lang ako sa desk ko, inangat ko yung legs ko at niyakap ito habang nakatingin sa screen.


Nag buzz kaya matamlay kong binuksan yung email sa akin ni Claire. At sobra akong nasaktan kasi saktong sakto pagkakita ko nung email nag-online na si Kim.


Ang sakit sakit. Bakit ganun sila sa akin? Bakit nila to ginagawa sa akin? Sobra na ba akong masama kaya nila ako niloloko ng ganito? Kaya ba gumaganti sila sa akin, sobra ba talaga akong makasarili at nagagalit lahat ng tao sa akin?


Bakit ganito? Akala ko ba best friend ko siya? Bakit niya nagawa to sa akin.


Ngayon lang akong nagpakitang online kay Kim, kaya siguro nag pm siya sa akin pero hindi ko siya makausap kahit mag pm pa siya ng pm. I felt betrayed.


No. That would be an understatement to what I feel right now.


Claire just emailed me a picture of Kim and Phat together. It was a link sa isang news sa school nila ni Phat. Kim was invited sa isang event sa school nila Phat and he was Phat's date.

Sissy, what do you want me to do? I swear I didn't know about it. Phat came in with him and she told everyone they're dating. That bitch.

Umiyak lang ako ng umiyak dahil sobra akong nasasaktan, hindi ako nagreply kay Claire at si Kim naman patuloy sa pagp-pm sa akin. I feel so disgusted.


My own best friend betrayed me. Alam ko naman na hindi ako dapat nagagalit kasi wala akong claim kay Kim, hindi akin si Kim pero Phat knew how badly I miss Kim, alam niyang hindi kami maayos ni Kim, alam niya lahat ng nangyayari pero nagawa niya akong traydorin.


Bakit ganun? Ganun ba niya kagusto si Kim na handa siyang sirain yung pagkakaibigan namin?


If so, then siya ang nauna.


Ngayon ko nalang ulit  naramdaman na nag-iisa ako.

No comments:

Post a Comment