Wednesday, April 3, 2013

Just a Spoonful of Love Part Two - Chapter 22

Chapter 22

Daniel's Point of View


I wasn't thinking straight. I now know I made a mistake. Alam kong maling itakbo siya. Pero nung nakita ko siya gustong gusto ko na siyang yakapin at makasama. Bakit ba pinagkakait nila sa akin na lumigaya kasama siya? 


She was crying quietly. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. I just kept on driving straight. Pero I stopped immediately nung may mga police cars na nagpalibot sa daan. At nagulat nalang ako nung may nagbukas nung pinto ng passenger seat. 


"Sam." Kath called the guy who opened it and agad itong lumabas at niyakap yung lalaki. Ang sakit makitang may niyayakap siyang iba.


And just like that I was arrested for attempted kidnapping. Tinignan lang ako ni Paul with guilt pero pinagpatuloy parin niya ang pag file ng kaso against me. Umalis na din sila agad. And I called for my Khalil para sa ate niya na lawyer, si Ate Jess. 


I also called Julia to let her know Kath is really alive, una hindi siya naniwala pero I told her everything and so she rushed here sa presinto. Dahil I'm a Vanderbilt kaya sa Captain's office ako nilagay at hindi dun kasama ng mga preso. 


Pagbukas na pagbukas ng pinto, boses na agad ni Julia ang narinig ko "Why do you have to kidnap her?"she asked. 


"She's my wife!" I exclaimed. 


Ate Jess sighed "Daniel kahit na pa asawa mo siya, it was against her will." she said. 


"Can't you just do something? Kailangan ko pang makita ulit si Kath." I said. I need to see her and let her remember me. Hindi pwedeng mag give up lang ako with one try. She's my wife at hindi dun sa Sam Gonzales na iyon. 


Ate Jess looked at me with sympathy "They filed a TRO Daniel." 


Nagulat ako sa sinabi ni Ate Jess. Ganun ba silang natatakot na makaalala si Kath kaya pati TRO nag file sila? Para lang hindi ako makalamit? Pero kahit anong gawin nila lalapit parin ako. Ikulong man nila ako wala akong paki. 


"Let's sue them." biglang nagsalita si Khalil na nasa tapat ng pinto at nakasandal lang dun. Tinignan namin siya "For fraud." sabi pa niya. "Buhay si Kath." 


"Pero I benefited with her death remember?" I told him. "What do you think ate?" I turned to ask Ate Jess who was thinking a strategy. 


"Sa tingin ko tama si Khalil. They did fake her death. It's good we could counter-attack them with fraud against the kidnapping charge and TRO." sabi ni Ate Jess.


We were still talking about how we will handle things when the door burst open and the board members came in. Nagulat ako kasi paano nila nalaman ito? Mr. Santos walked in front of me "Is it true?" he asked. "Totoo bang buhay si Kathryn?"


I nodded. "Christopher Park faked her death." sabi ko sa kanilang lahat at lahat sila ay nagulat nung sinabi ko yung pangalan na iyon. They begun whispering to one another. "Sino ba siya talaga?" I asked. Ang alam ko lang tatay siya ni Kath pero ano pa. 


"Our rival company." sagot ni Mr. Santiago. "The late madam was to marry him for the merging. Pero sa huli they betrayed us."


"We all knew Kathryn was Christopher's daughter........" sabi nung isa. 


"What should we do?" I asked. "I want to get her back pero nag file sila ng TRO against me." 


"Then tell your wife na bumalik na sa atin."


Nanlumo ako sa sinabi ni Mr. Santos. Kung kaya ko lang, kung pwede lang... "May amnesia siya."  I told them all at nagulat ulit sila. "Pero gagawin ko ang lahat para mabalik siya." I told them. 


Mr. Santos weakly smiled at me and patted me at the shoulder "That's the spirit Daniel. You could not let Christopher Park infiltrate our group. Once he's in mawawala ang lahat sa atin. He almost took everything before kaya wag mong hayaan na magawa niya ito ngayon."pagpapaalala niya. What did really happen before at parang takot na takot silang lahat sa pagbalik ng isang tao. 


"Kung nandito lang si Paul, maayos natin ito agad." Mr. Lee said. 


Tinignan ko siya "Paul's on the other side." sabi ko sa kanila. "He found her years ago pero hindi na siya bumalik pa." Paul betrayed us. Sabi niya he's doing this dahil loyal siya sa mga Rutherford eh bakit ngayon nasa Park siya? 


"Paanong nangyari iyon?" Mr. Lee asked. Sympre nagulat sila dahil sino bang hindi. Paul was the most loyal. Sabi nga nila his family would always serve the Rutherford's. Pero why noww diba? 


"In any case, Daniel asawa mo si Kath kaya kahit pa may amnesia ka ikaw parin ang may laban. Ikaw ang asawa kaya sa mata ng batas dapat ikaw ang nagsisilbing guardian niya." Mr. Santos said. 


"Sabi ni Paul hindi daw valid ang kasal namin." I told them "And she got married with Sam Gonzales." 


"I told you Rudolph can't be trusted!" Mr. Lee exclaimed. "Pero Daniel valid ang kasal niyo at hindi dun kay Sam."


"Pero sabi ni Paul..... she's no Rutherford."


"She's a Rutherford at hindi Park Daniel." Mr. Perez said kanina pa siya tahimik sa sulok pero ngayon nagsalita na siya. "Hindi kami pumayag noon na maging isang Park siya kaya Rutherford siya. Now Ms. Estrada, charge them with fraud and also question the marriage with Sam." sabi niya.


Just like that nagsialisan na sila and I was bailed out of prison. The members were on my side. And grateful ako sa kanina. Dahil nabibigyan ako ng pagasa. Pagasa na makasama ulit si Kath. 


Ate Jess also begun her work. At umuwi na ako sa bahay with Julia tailing around. Siguro she wanted to make sure na ayos lang ako. 


Pagpasok namin dalawa sa bahay, I faced her "Ok lang ako Julia." sabi ko. 


Tinignan niya ako "Yung lalaking pinakasalan niya...." she started. 


"Sam Gonzales." sagot ko naman, hindi ko alam kung bakit nagtatanong ngayon si Julia eh narinig naman niya kanina kung sino.  She looked down and I knew something was wrong. "Anong meron Julia?" I asked. 


She lifted her head and weakly smiled and shook her head "Wala. Pamilyar lang yung pangalan niya." sabi niya but I knew something was wrong. She's my best friend. 


Then I remembered 3 years ago, yung lalaking pinaguusapan nila lagi ni Kath, the guy Julia said she instantly fell for pero hindi niya ito mahanap. "He's the guy isn't he?" I asked. 


She nodded. "It's nothing Daniel." she said. "Wala lang talaga dahil soon I'll be getting married. Tatlong taon na yun." she said. From what I know hindi lang sa gala nung una nilang pagkikita or rather paguusap. Julia tutored that guy through emails. 


Niyakap ko agad si Julia "Just bring Kath back Dan." sabi niya sa akin "Bring her back. Siya yung mas importante para sa akin ah." 


Alam kong masakit para sa kanya to. Na yung best friend niya ay nagpakasal sa lalaking gusto niya, parehas lang kami ng nararamdaman ni Julia. Parehas kaming nasasaktan kaya dapat isipin ko din si Julia at hindi lang ang sarili ko. 


"Don't do things irrationally. Hayaan mo ng sila ang mag settle bago ka ulit lumapit kay Kath ah. Baka ilayo nila ulit ito sa atin."  


Umalis na din si Julia after eating dinner with me. At ako naman ay nagsimula ng magtrabaho ulit. I cannot stop working kailangan ko parin itong gawin. 


Tomorrow I'll go find Kath. 


Tama si Julia dapat hindi ako gumawa ng gulo pa. Kath might already think of me as a creep kaya hindi ko na pwedeng ulitin yung stunt na ginawa ko kanina. I need to get her back no matter what but of course I need not to scare her away from me. 


Pero in any case I'll be sleeping content dahil alam kong buhay siya. Dahil alam kong kunting panahon nalang. I didn't wait in vain dahil buhay siya. Kaya lang kapiling siya ng iba.


So I need to get her quickly. I need her back. I want her back.


I need her back.

1 comment:

  1. Eto pala yun. yung important piece na gaganapan ni Sam Gonzales. I didn't see this coming.

    ReplyDelete