Tuesday, June 25, 2013

My Sweet Revenge Chapter 9

Chapter 9


Nang matapos magbihis si Anna ay bumaba na siya ulit at nakitang naghihntay sa kanya si Art sa may dulo ng hagdan. Bumaba na siya habang si Art naman ay napatingin sa kanya mula ulo haggang paa. Nagpalit lang naman siya ng isang maxi dress at nagsuot na din ng malaking sombrero at sunglasses.


Gusto niyang ipakita ang bagong Anna sa mga taga-bayan na pinagtawanan at pinagtabuyan siya noon. Kung titignan parang napakababaw ni Anna, na angyayabang lang siya kaso sa buong walong taon niya, isa lang ang gusto niyang mangyari at ayun ay ang ipakita sa lahat ng nanlait sa kanya na hinding hindi na nila siya kaya pang apakan.


She wanted to prove them wrong.


"Bakit nagpalit ka pa sa palengke lang naman tayo." reklamo ni Art sa kanya nang nakababa na siya. Mukhang inip na inip na siya sa paghihintay kay Anna.


"Hindi ako lalabas ng bahay kung nakapambahay parin ako." sagot lang niya dito.


Sabay na silang naglakad ni Art palabas ng bahay. "Sus parang pang-alis na din naman yung suot mo kanina. Dati nga nakaduster kang lumalabas ng bahay niyo eh." ngumisi sa kanya si Art na para bang pinapaalala nito na dati wala siyang pakielam sa suot suot niya.


At tama naman dun si Art, wala siyang pakielam. Kunti lang naman ang damit niya noon alangan naman magpalit pa siya ng damit kung lalabas lang naman siya at pareparehas lang naman ang mga damit niya noon. Mga mukhang basahan na damit.


"I changed Art." sabi lang niya.


Tahimik silang lumabas ng mansyon at naglakad papunta sa palengke. Madaming tumitingin sa kanila habang sila ay naglalakad papunta sa palengke. Siguro ay nagtataka kung sino ang kasama ni Art. Siguro ang iba naman ay nakilala na siya.


Alam niya naman na yung mga tauhan ng mansyon ay pinagkalat na ang nangyari, na bumalik na si Anna Madrigal.


Hindi tinaggal ni Anna ang kanyang sunglasses kahit pa sila ay nasa loob na ng palengke, halos lahat ay tinitignan sila ni Art, nagtataka kung sino ang babaeng kasama ni Art na nakasuot parin ng isang salamin kahit pa nasa loob na ito ng palengkehan.


Nagpunta sila sa isang pamilyar na stall sa palengke. "Kuya Art!" bati ng isang batang babae kay Art. Hindi matandaan ni Anna kung sino ito. "Nay nandito si Kuya Art!" pagtawag nito sa nanay.


Agad naman na may nagpakitang isang babaeng mukhang kaedad ni Anna nakangiti nitong sinalubong si Art kaso nawala ang ngiti nito ng nakitang may kasama ang binata. "Art." bati nito.


"Art!" napatingin naman sila ni Art sa matandang babae na dumating. Natandaan ni Anna ang mukha nito, si Aling Bebang na nagtitinda ng karne.


"Aling Bebs." bati ni Art dito.


"Ang tagal mo na ding hindi napunta dito ah, akala namin nasa Maynila ka?" tanong naman nung babaeng kasing edad ni Anna, hindi talaga mamukaan ni Anna ito.


"Naging busy lang ako Ina." sagot naman ni Art. "Aling Bebs, isang kilong baka pang kaldereta." sabi niya kay Aling Bebang.


"Naku para sayo kukuha ako ng pinakamalambot na baka." sabi ni Aling Bebang at agad itong kumilos para sa kaldereta.


"Sino yang kasama mo Art?" nakatass kilay na taong nung Ina.


Tinignan siya ni Art "Hindi pala kayo magkakilala ni Ina ano?" tanong niya dito.


Tinaasan din niya ng kilay si Art. "How could I know her?" she asked.


"Tama tama, wala ka na pala nung dumating sa bayan si Ina." aniya ni Art. "Ina eto pala si Anna." pakilala nito kay Anna dun sa Ina. "Pamangkin ni Aling Bebang."


"Anna?" nagsalita si Aling Bebang na naghihiwa ng mga baka at umangat ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Art. "Anna? Si Anna na anak ni Isko?" tanong nito.


"Opo Aling Bebs si Anna."


Tinignan naman siya ni Aling Bebang na may halong pagtataka. Kaya tinanggal ni Anna ang kayang sunglasses at ngumisi kay Aling Bebang na mukhang gulat na gulat. Naalala ni Anna ang nangyari dati, akala niya tutulungan siya ni Aling Bebang dahil kaibigan siya ng ama ni Anna at sa buong buhay ni Anna naging magaan ang loob nito kay Aling Bebang kaya lang nagkamali siya.


Gaya ng nakakarami pinagtabuyan din siya nito. Tinulak palabas ng bahay nito na para bang diring diri na may nakakahawang sakit siya.


"Sino si Anna?" tanong ni Ina nang hindi parin nakakapagsalita si Aling Bebang.


"Kamusta na Anna?" tanong ni Aling Bebang sa kanya nang natauhan na ito. "Kayganda mo ng dalaga." dagdag pa nito.


Ngumiti siya kay Aling Bebang "Ayos lang naman Aling Bebang."


"Bumisita ka ba para kay Isko? Walong taon na din ang nakalipas." saad nito. Walong taon, sa loobg ng walong taon hindi pa nabibisita ni Anna ang puntod ng ama niya dahil ayaw na niyang bumalik sa Pilipinas lalong lalo na sa bayan na ito. "Ikaw ba yung nagpapalinis lagi ng puntod niya taon taon?"


"Sympre naman Aling Bebang, hinding hindi ko tatalikuran ang itay." bitter na sagot niya sa matanda.


"Ah akala ko ang mga Monteverde ang nagpapalinis ng puntod."


Tumawa ng mapakla si Anna. "Sila na pumatay sa itay? Lilinisin ang puntod? Magaaksaya ng pera para lang sa puntod?" pagkutya niya. "Para namang hindi kapaniwala iyon Aling Bebang."


Anna felt Art stiffen beside her but she didn't care, she was stating the facts, the fact that they would never care.


"Kayo ba ni Art?" mataray na tanong ni Ina sa kanya.


Natawa ulit siya sa tanong nito. "Hindi kami."


"Bakit kayo magkasama?" tanong nito.


"Ina dating magkasintahan si Anna at Art." sabat ni Aling Bebang.


Parang may nagliwanag sa mukha ni Ina. "Ah ikaw yung sinasabi nilang pobre na iniwan sa altar ni Art!"


Napangiwi si Anna, isa parin palang sikat na chismis ang pag-iwan sa kanya ni Art sa altar. Sino nga ba naman ang makakalimot sa araw na halos lahat ng taga-bayan ay nakita ang hindi pagsipot ni Art sa Simbahan.


"Ina!" pagsuway ni Aling Bebang.


"So nandito ka ba para akitin si Art ulit?" naka ngising tanong ni Ina sa kanya.


"At bakit ko naman gagawin iyon?" tanong niya sabay hawi sa buhok niya gamit ang kanyang kaliwang kamay upang ipakita ang singsing niya na may malaking diamond. Nakita niyang nanlaki ang mata ni Ina nang napansin niya ang singsing.


"Kayo na ulit?"


"Binili ni Anna ang lupain."sagot ni Art.


"Akala ko ba isang Amerikano ang potensyal na bibili nito? At si Anna?" napatingin sa kanya si Aling Bebang, nagtataka kung paano nakakuha ng malaking pera upang bilhin ang lupain ng mga Monteverde.


"Nobyo ni Anna." maikling sagot lang ni Art. "Aling Bebs yung karne?" tanong nito.


"Ay ou. Sandali." nagmadali naman itong kumilos ulit.


"Si Anna nga!" rinig niyang bulong bulongan sa likuran nila ni Art.


Sabay silang napalingon ni Art sa likod nila. Nakita niya ang mga taong kakilala niya simula bata palang siya, imbis na matuwa sa mga taong nakaharap sa kanila ngayon ni Art ay nakaramdam siya ng yamot. Dahil hindi lang sila naging kaibigan kundi sila din ang mga taong nagtaboy sa kanya at pinagtawanan siya.


"Naku kay ganda na ni Anna." sabi ni Aling Inday.


"Kamusta na Anna?" tanong naman ni Manong Roy sa kanya. Tanda niya ito dahil ito ay isa sa malalapit na kaibigan ng ama niya pero nung himingi na siya ng tulong ay pinagbagsakan din siya nito ng pinto.


"Tignan mo kay gara na manamit ni Anna, tyak masaya na si Isko." komento naman ni Aling Tessa.


"Anna bibili lang ako ng gulay, hintayon mo ako dito." bulong ni Art at umalis ito. Alam ni Anna kung bakit nagmadaling umalis si Art dahil uulanin din siya ng tanong ng mga ito.


"Saan ka nga pala nagpunta Anna? Dumaan dati sa bahay niyo si Flo pero wala ka na dun." tanong ni Aling Inday, si Flo na tinuring ni Anna bilang matalik na kaibigan nito pero sa huli wala din ito sa tabi niya noon. Sa huli mas sinunod ni Flo ang hiling ng mga Monteverde na wag na wag lalapit kay Anna.


"Lumuwas na ako ng Maynila noon Aling Inday." sagot niya.


"Anong ginawa mo sa Maynila? Buti hindi ka nakain ng siyudad na iyon. Kay laking siyudad at nakakatakot para sa mga dalaga." sabi ni Maong Roy.


"Naging sekretarya ako sa Maynila."


Tinignan naman ng mga ito ang pananamit niya. "Tas anong nanging trabaho mo?" tanong ni Aling Tessa. "Hindi ka ba nahirapan sa Maynila? Ang dami pa namang sindikato dun."


Alam niya ang pinahihiwatig ng matanda. "Pinag-aral ako ng amo ko." sagot niya sa mga tanong nito.


"Kay bait na amo naman." mapahiwatig na saad ni Aling Tessa sa kanya. "Saang unibersidad ka nag-aral?"


"Sa Amerika Aling Tessa."


"Naku ang yaman naman ng amo mo para ipadala ka sa Amerika."


"Isang taon lang ako pinag-aral ng kompanya at pagkatapos ay ako na mismo ang nagbayad sa sarili kong tuition."


"Saan ka natuloy ngayon Anna?" tanong ni Aling Inday sa kanya. "Tiyak matutuwa si Flo na makita ka." saad nito.


"Sa mansyon." sagot lang niya. Iisa lang naman ang tinawatag na mansyon dito sa bayan na ito kahit pa may iba pang malalaking bahay na nakatayo dito dahil walang kukumpara sa laki ng mansyon ng mga Monteverde.


"Ah kaya pala magkasama kayo ni Art." sabi ni Manong Roy.


Dumating na si Art bago pa makasagot si Anna sa sinabi ni Manong Roy. Sakto din ang pagdating niya dahil inabot na ni Aling Bebang ang plastik ng karne na binili nila. "Magkano Aling Bebs?" tanong ni Art.


"Naku wag na Art, libre na yan ngayon para kay Anna."  sabi ni Aling Bebang.


Agad naman nilabas ni Anna ang wallet niya sa bag niya, kumuha siya ng limang daang piso at pilit na inabot kay Aling Bebang na ayaw parin tanggapin.


"Naku naku Anna wag na."


"Sige na Aling Bebang tanggapin mo na." sabi ni Anna. Pero ayaw parin ni Aling Bebang "Kaya ko ng bumili ng karne Aling Bebang kaya tanggapin mo na."


"Naku Anna hindi ko yan matatanggap."


"Madami kaming nautang sayo dati ni itay kaya kulang pa nga to Aling Bebang eh. Tanggapin mo na, maliit na halaga nalang ngayon sa akin iyan." sabi niya dito.


Laglag na panga itong kinuha ni Aling Bebang.


"Art let's go."pag-aya niya kay Art, nagpalam si Art kay Aling Bebang at kay Ina.


"Art may handaan daw sa mansyon sa Linggo pwede ba kaming pumunta?" tanong bigla ni Ina.


Napatingin si Art kay Anna na parang humihingi ng permiso, she shook her head for him to understand. "Sorry Ina, si Anna kasi yung namamahala sa party."


"Handaan? Anong meron sa Linggo Art?" sabat ni Aling Tessa.


"Anna pwede ba kaming pumunta?" bigla naman siyang tinanong ni Ina.


Ngumiti ito kay Ina "Sorry kaso mga mahahalagang tao ang dadalo sa party kaya hindi ako pwedeng magimbita ng mga iba." sabi nalang niya. "Una na kami Aling Inday, Aling Tessa at Mang Roy." sabi niya at nauna ng maglakad palabas ng palengke.


Rinig na rinig niya ang mga bulong bulongan ng mga ito. Na nagbago na si Anna na dating kilala nila.


Na sosyal na ngayon si Anna.


Nakangiti siyang naglakad palabas at sinuot ang sunglasses niya. At least medyo natuwa siya sa pagbisita sa palengke. She should do it more often.

No comments:

Post a Comment